"what happened?" tanong ko sa nurse na kasalukuyang tinutulak ang pasyenteng namimilipit sa sakit habang naka higa sa emergency bed."naku! Doc, itong pasaway na batang 'to ay nag tangkang magpa kamatay" tinignan ko lamang ang pasyente at sinuri ang lagay niya. malamang ay naputol ang tali na gagamitin niya sana sa pagkitil ng buhay niya.
matapos kong magamot at malagyan siya ng neck at leg brace ng nurse ay sinadya kong pisilin ang paa niya. "arayyy kupuu!" mangiyak ngiyak niyang sabi habang masama ang tingin sa akin at tinaasan ko lang siya ng kilay.
"bakit ka nasasaktan kala ko ba gusto mo magpa kamatay?" naka halukilop ako habang hinihintay ang sagot niya pero matigas nga yata ang batang ito kaya akmang hahawakan ko ulit ang paa niya ay bigla niya itong nilayo.
"potek! wait, masakit kaya" naka angat ang dalawa niyang kamay bilang tanda na suko na siya "gusto kong mamatay ng mabilisan hindi yung ganiyan, ang sakit kaya!" napa yuko siya at napatingin sa kaniyang kamay.
"ayaw ko pang mamatay pero wala na akong dahilan para mabuhay pa, doc" dagdag pa niya habang nag uunanahang umagos ang mga luha niya.
"10 years ago, I also planned to end my life. not once but twice" panimula ko kaya napa tingin siya sa akin at hinihintay ang susunod kong sasabihin.
"but someone caught me hanging my self from the ceiling fan and" napa hinto ako at napa tingin sa taas habang inaalala ang nakaraan. I chuckle.
"she caught me again, standing at the edge of the school bulding" sinalubong ko ang kaniyang tingin at ngumit ako ng marahan. "she told me that I am lucky to have something to fight for".
pinatong ko ang kamay ko sa mahaba niyang buhok habang siya naman ay patuloy sa pag hikbi. "hindi mo kailangan ng rason para mabuhay" inangat ko ang kaniyang mukha ng dahan dahan kaya nasilayan ko ang mga luhang patuloy sa pag agos.
"mabuhay ka lang ay sapat ng rason para mabuhay" tinanguan ko siya at pinunasan ang kaniyang luha. "just stay alive, monique" nginitian ko siya at humakbang patungo sa pintuan dahil kailangan ko pa mag rounds sa ospital.
"who is she?" tanong niya na nagpa hinto sakin "who is the girl who saved you doc?" ulit niya pa kaya humarap na ako sa kaniya ng may ngiti sa labi
"isang tanga" sambit ko at lumabas na ng kaniyang silid at dumiretso sa naka bukas na elevator.
napangiti ako sa aking na alala kasama ang stupid na babaeng 'yon.
——
Year 2015
maaliwalas ang umaga ngayon habang nag lalakad ako sa estasyon ng MRT upang pumasok na sa school, napapatingin ako sa paligid ko at mumunti lang ang mga taong nag aabang sa tren kaya agad na nahagip ng aking tingin ang babaeng naka sandal sa railings ng tren.
sa hindi malamang dahilan ay napa tigil ako sa pag lalakad upang titigan siya. Hannabi.
siya si Hannabi, transferee student siya 2 weeks ago. maganda siya, matangkad, maangas, at higit sa lahat ay hindi siya ordinaryong babae
kung sa tingin niyo ay close kami diyaan kayo maling mali. wala siyang close sa klase at hindi siya mahilig maki pag-usap. sobrang total opposite kami.
Naka upo ako ngayon sa lamesa ko habang hinhintay ang pag tunog ng bell.
*Kriiiiiiiiiiing
hindi pa nakaka alis ang subject teacher ko ay agad agad akong tumayo at tumakbo papalabas ng school building dahil siguradong marami na namang tao sa canteen.
BINABASA MO ANG
Go back 18
Teen FictionSelene is a Medical residence of Moon International Hospital. She's currently living her life simply and everyone around her knows that she's still stuck from the past. One day, when the sun and moon collide and a certain accident happened she was...