Episode 9

29 3 0
                                    

"bakit? are you from future?"

Nanlaki ang mata ko at biglang bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa sinabi ni hannabi, mag iisip na sana ako ng dahilan nang bigla siyang tumawa–

"don't be so ridiculous hahaha" sabi niya kaya sinamaan siya ng tingin, ang akala ko talaga ay Iisipin niyang galing ako sa future bakit ko ba kasi naisipang itanong yun sa kaniya.

"Bakit ang seryoso mo?" Tanong ulit ni hannabi pero hindi ko siya pinansin dahil kabado pa'rin ako dahil kanina

"Maybe, you're really from future" dagdag pa niya habang naniningkit ang mga mata, tinarayan ko nalang siya dahil siguradong pag tatawanan lang niya ako.

kung sabihin ko kayang mamamatay siya, just kidding I won't let that happen naman e'.

"Ang ingay mo" sabi ko sa kaniya at talagang sumimangot pa ako para mukang badtrip talaga.

"you look ugly, stop that" nang aasar niyang sabi kaya hindi ko siya pinansin.

——

Nandito ako ngayon sa kwarto ko– namin, Hindi ako maka tulog kaya ngayon ay naka upo ako sa mini desk ko.

Sobrang daming nangyari ngayong araw at hindi ko alam kung paano nangyari, ganun pa'rin naman ang nangyari 10 years ago nung nasa present pa ako pero ang pinag tataka ko lang ay parang nagka iba-iba ang characters.

simula kay angelo na natapunan at nalunod, sunod kay marco na nasa rooftop at ang pangatlo ay imbes na si hannabi ang mag hihiganti para sa akin ay ako ang gumawa.

Nakaka lito kung iisipin pero sigurado ako na hindi nabago ang tadhana, ibigsabihin mamamatay at mamamatay si hannabi.

"Pero anong gagawin ko?" tanong ko sa sarili ko dahil pati ako ay hindi alam kung paano maliligtas si hannabi–

"Ano gagawin mo? Matulog ka! para lumaki ka naman" narinig kong sabi ni ate mula sa taas ng kama kaya napa iling nalang ako at pumunta sa higaan.

Sa ngayon ay hindi ko muna siya iisipin dahil kailangan kong matulog para may lakas akong Iligtas siya, iww jologs.

——

"then you'll marry me?" narinig kong tanong ng isang batang babae, hindi ko makita ang muka niya dahil malabo ang lahat sa paningin ko

"nope" sagot naman ng Isang bata "I will marry na bi"

"no! you're not going to marry her!" sigaw nung batang babae at nag lumpasay sa sahig

"I'm sorry—

——

"Selene! gising na late ka na" Na alimpungatan ako dahil sa nakaka-rinding sigaw ni ate

"Maaga pa, maya na" sabi ko habang humihikab pero naramdaman ko nalang na binato niya ako ng towel, aww!

"Oo maaga pa! para sa next subject mo" sabay kuha ng bag niya at umalis.

Bumangon na ako mula sa kama at dumiretso sa salamin—

"WAAH" Sigaw ko dahil nakita ko ang repleksyon ko sa salamin, alam kong panget ako pero bakit sobrang panget ko sa panahong to?

Napa iling nalang ako dahil sa itsura ko, muka akong mabantot.

Dinampot ko ang makapal kong salamin at napa iling dahil ang alam ko ay natuto akong mag suot ng contact lense pagka tungtong ko ng college at sinanay ko 'rin ang sarili ko na wag lagi mag suot ng salamin.

Go back 18 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon