dedicated to gslltrrs
stay alive
---
"beep, beep-" pinindot ko ang off button kaya tumigil sa pag tunog ang pager ko at dali dali akong tumakbo palabas ng rooftop at dumiretso sa elevator.
"Emergency, calling for Anesthesiologist, Doc. Guavino of Pain Management Department" narinig ko nalang ang pangalan kong tinatawag dahil sa emergency call kaya agad agad akong tumungo sa Pain Management Department.
"Nurse, check the vital signs" utos ko sa nurse na naka toka. tinignan ko ang pasyente na naka higa sa bed at patuloy na umaagos ang dugo sa braso niya dahil sa malaking hiwa nito. wait, bakit hindi siya nasasaktan?.
Lumapit ako sa nurse na inaasikaso ang vital signs niya. "nurse, did you already gave him anesthesia without my permission?" napa tingin lang siya sa akin at nag balik ng tingin sa pasyente na parang naguguluhan.
"Naku! hindi po Doc, hindi po ako gagawa ng walang permiso niyo. sa katunayan nga po ay siya mismo ang nag tanggal ng bakal na tumusok sa kaniya" kinakabahan niyang saad kaya tinanguan ko nalang siya bilang pag sang-ayon, lumapit naman ako sa pasyenteng naka upo sa bed.
"anong nararamdaman mo?" mahinahon kong sabi sa kaniya pero wala siyang imik kaya chineck ko nalang ang malaking hiwa sa braso niya na ginagamot na ng nurse. "I didn't give you any anesthesia or pain killers" dahil sa sinabi kong iyon ay napa tingin siya sa akin na nag tataka.
"anong ibigsabihin doc?" tanong niya na naguguluhan sa sinabi ko pero pakiramdam ko ay alam na niya. "bakit kita bibigyan ng anesthesia kung wala ka namang nararamdamang sakit?" nagulat siya at napa awang ang kaniyang bibig dahil sa nalaman.
"Congenital insensitivity to pain (CIPA) the inability to feel pain and temperature" napa yuko siya sa narinig kaya tinapik ko ang kaniyang kanang balikat at nginitian siya bilang tanda na naiintindihan ko siya sa pinag-daraanan niya.
--
Year 2015
"wag ka kabahan, tanga" sabi niya habang nag lalakad sa unahan ko. hindi nalang ako sumagot at pinatuloy ko nalang ang pag habol sa kaniya. oo habol kasi ang bilis niya maglakad parang siga sa kanto.
napahinto siya sa paglakad kaya di inaasahang tumama ako sa likod niya. 'aray naman. hinihimas himas ko ang noo ko ng mapaharap siya sa akin at tinignan ako na para bang ako ang pinaka tangang tao sa mundo.
"dito ka lang" sabi niya at basta bastang tumalikod kaya tinignan ko kung sino ang pupuntahan niya. 'yung Powerpuff Monsters! nagulat ako dahil malapit na siya sa grupo ng mga hudlo na ngayon ay naka tingin sa maangas na babaeng naglalakad.
"giirlsss, owemji mukhang sasali na sa atin si Hannabi" matinis na sabi nung babaeng gasul sa dalawang kasama niya na ngayon ay tuwang tuwa. "anong kailangan mo for us Hannabi?" tanong niya sa babaeng naka tayo sa harap nilang tatlo.
Hindi nag salita si hannabi pero binigyan niya ng ngiti ang tatlo. "owemjiiii talaga! she's joing us na talaga" sabi ulit ni babaeng gasul sabay harap sa dalawa. "kung gusto mo sumali sa amin kailangan mo muna kaming pag silbihan" singit naman ni girl version damulag na pati ang boses ay botchog pakinggan
BINABASA MO ANG
Go back 18
Teen FictionSelene is a Medical residence of Moon International Hospital. She's currently living her life simply and everyone around her knows that she's still stuck from the past. One day, when the sun and moon collide and a certain accident happened she was...