Time flies so fast, ni hindi ko nga namamalayan na meron na lang akong 1 week for Hannabi's death and three days before Marco's disappearance.No matter what I do, walang nangyayari, ang tanging lead ko lang ay ang lalaking naka usap ni hannbi sa rooftop pero hanggang ngayon ay hindi ko alam kung sino siya—
But what if si Marco yon, dahil sa na-aalala ko Marco's birthday is coming and from what I recall he disappeared after his birthday celebration, then after three days Hannabi's body was found dead.
Coincidence or not? feeling ko talaga may foul play na naganap. I'm not a detective wannabe but it's better to be sure than sorry,
I don't know if may kinalaman nga ba talaga si Marco sa pagka matay ni Hannabi pero base sa awtoridad, nag suicide si hannabi dahil may hand written suicide notes siyang iniwan before she jumped from the tenth floor.
"Hayyys" napa buntong hininga ako dahil sa sobrang dami kong inisiip,"Lalim naman nun"
Napa lingon ako dahil may nag salita sa gilid ko—
"Marco" Gulat kong tawag sa pangalan niya, tumabi sa'kin si marco dito sa bench at may kinuha siya sa bulsa niya.
"Eto nga pala yung handkerchief mo" Inabot niya sakin yung panyo at ngumiti
"Ahh oo haha" kinuha ko naman sa kaniya yung panyo at awkward na tumawa. nag mumuka siguro akong plastic sa paningin niya, bahala siya ang awkward kaya.
kanina lang ay iniisip ko na may kinalaman siya tapos ngayon naman ay nakiki pag usap siya sa'kin.
"by the way marco, If you dont mind pwede ba akong mag tanong?" Nag aalangan kong sabi sa kaniya kaya lumingon siya at ngumiti, grabe naman 'to puro ngiti.
"Sure, anything you want to ask" Kaya hindi na ako nagpa tumpik tumpik pa dahil kailangan kong malaman kung may kinalaman siya o wala.
"May I know kung kelan birthday mo?" Medyo nagulat siya sa tinanong ko at maya maya ay narinig ko siyang tumawa ng mahina at napa iling-iling.
"My birthday is on 28, this month" sabi niya habang naka ngiti, "Actually. It's me and my twin's birthday" dagdag pa niya kaya nagulat ako.
"May kambal ka?" tumawa siya ng mahina dahil yata sa ekspresyon ko, Tumango si Marco at nilabas niya ang cellphone niya.
"Wait let me– ayan" Inabot niya sa'kin ang cellphone niya at kahit nag tataka ay kinuha ko na'rin,
Tinignan ko kung anong meron sa cellphone na binigay niya. Isang picture, Picture niya at ng kambal niya at nagulat ako dahil sobrang identical nila pero mahahalata mo naman kung sino sa kanila si marco since cheerful siya at yung kambal naman niya ay seryoso.
"That's me and my brother" naka ngiti niyang sabi pero bigla 'ring nag bago ang expression niya at biglang lumungkot na parang may na-alala.
"Are you okay Marco?" nag aalangan kong tanong dahil in the first place hindi kami close at ngayon lang kami nagka usap.
"Do you ever feel envy?" Nagtaka ako sa tanong niya dahil sobrang random ng tanong niya kaya diko alam ang sasabihin
"oh– no, sorry. I was just asking" Malungkot niyang sabi kaya na awa naman ako
"Normal lang 'yon, Humans tend to feel desires but most of the time we can't get what we really want but others seems lucky to get what they want, and after that we will feel envious to them" He didn't look at me, he just sighed heavily.
BINABASA MO ANG
Go back 18
Teen FictionSelene is a Medical residence of Moon International Hospital. She's currently living her life simply and everyone around her knows that she's still stuck from the past. One day, when the sun and moon collide and a certain accident happened she was...