Hinatid namin ni Hannabi si Angelo sa Bahay nila dahil hindi naman namin pwedeng pabayaan si Angelo na mag Isang umuwi,Kaya nagyon ay papunta kami sa MRT station since lagi kaming nagkaka sabay sa station tuwing umaga kaya inassume ko na sasabay siya sa'kin ngayon.
Hindi kami nag papansinan ni hannabi habang nag lalakad basta ay sabay kami kaya palihim akong napangti dahil baka isipin niya na nababaliw nako.
Habang naglalakad kami ay napansin kong mas matangkad pala siya sa akin kaya parang batang engot ako sa paningin niya dati, 'ang harsh ko naman yata sa sarili ko.
"Saglit" sabi ko sa kaniya kaya napa tingin siya sa'kin na nagtataka,
"Tingin muna tayo dun" turo ko dun sa tindahan na bilihan ng mga Anime at Kpop Merch pero mukang hindi masyadong sikat dahil na'rin siguro hindi pa sumisikat ng husto ang Japanese at Korean wave sa panahong 'to.
"Huh?" tanong niya sakin kaya nginitian ko nalang siya at hinatak papunta don
'klinggg— tunog nung naka sabit sa taas ng pintuan at tumutunog once na bumukas' sara yung pinto wala namang nagawa si Hannabi dahil hindi na siya nag reklamo nang maka pasok kami sa loob.
"Woow! sugo-nei!(amazing)" manghang bungad ko pagka pasok pa lang namin dahil sobrang daming Comics, Manga, CDs, Posters, at iba't ibang Merchandise.
Tumingin ako kay hannabi na parang nang hihingi ng permiso kahit saglit lang, pero dahil mukang good mood siya at wala naman siyang choice ay tinanguan na lang niya ako kaya agad kong binitawan ang kamay niya at parang batang lumapit sa Manga Collection,
Sa totoo lang marami akong Comics at Manga nung College pero napilitan akong ibenta para ipandag-dag sa budget ko since nag aaral pa lang ako at masakit sa bulsa ang course na kinuha ko kaya kailangan ko talagang Ibenta ang mga nakolekta kong limited edition.
Matapos kong mamili ng bibilhin ay pumunta na ako sa counter pero may nakita akong key chain na totoro kaya kinuha ko na since mura lang naman,
"140 lahat bata" Sabi sa'kin nung tindero kaya nagulat ako, pero binayaran ko na'rin dahil na alala ko na nasa past pala ako at mura lang ang bilihin
Habang Inaayos ko ang mga binili ko ay pumunta na'rin ako sa pwesto kanina ni Hannabi pero nagulat ako dahil wala siya, tinignan ko rin ang buong store at wala siya kaya napag pasyahan ko na lumabas,
Sa pag labas ko ay hindi ko inaasahang nasa katabing store pala siya, Isang flower shop pero may kausap siyang babae na naka apron. Hindi na sana ako lalapit pero biglang dinuro duro siya ng kausap niyang babae at akmang sasampalin siya
Bago pa man lumapat sa muka ni Hannabi ang kamay ng kausap niya ay agad ko siyang hinatak palapit sa'kin, at dahil mas matangkad sa'kin si hannabi ay tumama ang ilong niya sa ulo ko–
"ouch" daing niya habang naka hawak sa sariling ilong,
"oops, sorry" nag peace sign pa ako pero hindi niya na ako pinansin at tumingin sa babaeng kausap niya kanina na masama ang tingin
"I'm sorry, Michelle" malungkot na sabi ni hanabi pero nagtataka lang ako bakit siya mag sosorry dun eh siya na nga yung muntik masampal.
"Hindi na maibabalik ng sorry mo ang lahat" galit pa'rin yung babae at parang gusto niya ulit saktan si hannabi, mabuti nalang ay tumalikod na siya at pumasok sa loob mg flower shop.
Matapos ang insedenteng 'yon ay mas lalong naging awkward ang situation namin habang nag lalakad. Naka yuko lang si hannabi at parang wala sa sarili, muntik na nga siya maka bangga kanina buti nalang ay inilag ko siya
BINABASA MO ANG
Go back 18
Teen FictionSelene is a Medical residence of Moon International Hospital. She's currently living her life simply and everyone around her knows that she's still stuck from the past. One day, when the sun and moon collide and a certain accident happened she was...