——Tumatakbo ako ngayon pa akyat sa hagdan, hindi ako hinhingal, hindi ko 'rin nararamdaman ang pangangalay ng paa ko pero sa hindi malamang dahilan ay napaka bigat ng bawat hakbang ko dahil sa sobrang kaba na nararamdaman ko.
Dalawang hagdan nalang ang kailangan kong takbuhin pero mas lalong bumibigat ang pakiramdam ko, mas lalong sumisikip ang pag hinga ko, namamanhid na'rin ang dalawang binti ko.
Gustong gusto kong huminto at magpatihulog nalang pero hindi ko pwedeng gawin 'yon, dahil kailangan ako ni Hannabi.
Sa di inaasahang pag balik ko dito sa nakaraan,
Ito ang unang beses na naramdaman kong napaka bigat palang responsibilidad ang malaman mo ang mga mangyayari at siguradong hindi na magiging Normal ang buhay ko kung sakaling wala akong mailigtas na buhay—
'kaya kung sino man ang Ililigtas ko, sana magampanan ko ang tungkulin ko.
Nakarating na ako sa tuktok ng hagdan at hindi ako nag atubiling buksan ang pinto dahil kung mag tatagal pa ako siguradong may buhay na manganganib,
Isang napaka silaw na liwanag na nanggagaling sa malawak na kalangitan ang bumungad sa'kin kaya napa pikit-pikit pa ako
Habang nag aadjust ang paningin ko, hindi ako sigurado kung sino ang taong naka tayo sa dulo ng rooftop.
Pero patuloy pa'rin akong naglalakad palapit sa taong 'yon na naka tayo pa rin sa dulot at parang walang balak gumalaw.
Habang papalapit ako ng papalapit sa taong 'yon ay bigla akong napa tigil sa pag lalakad dahil hindi muka ni Hannabi ang bumungad sa'kin sa dulo ng rooftop, kundi si Marco
"I-I'm sorry, kala ko si Hannabi" Naguguluhan ako sa nangyayari dahil pa'anong si Marco ang naka tayo dito sa rooftop at hindi si Hannabi.
"Im sorry ulit" Tinalikuran ko na siya dahil kailangan kong hanapin si hannabi, "wait" tawag niya kaya napa lingon ako sa kaniya na nagtataka
"Umalis si Hanna, I mean si Hanabi. na abutan ko siya dito kani-kanina lang bago ka dumating pero agad din siyang umalis" Nagulat ako sa sinabi niya kaya akmang aalis na sana ako nang mahawakan niya ang braso ko—
"Saglit" pigil niya sa'kin kaya napa kunot ang noo ko sa kaniya at napa tingin ako sa kamay niyang naka kapit pa'rin at dahil nakita niyang naka tingin ako sa kamay niya ay agad niyang binitawan ang braso ko.
"s-sorry, I didn't meant that. I- I just want to ask you if you have any tissue" Naka yuko niyang tanong at bahagyang namumula ang ilong pati na'rin ang tenga
"I don't have but—" Nilabas ko sa bulsa ko ang bagong laba kong panyo, "you can use this" Inabot ko sa kaniya pero naka tingin pa'rin siya kaya inassume ko na lang na ayaw niyang gamitin dahil iniisip niya na gamit na.
Kinuha ko ang kamay niya kaya bahagya siyang nagulat pero naka bawi rin naman agad, "wag ka mag alala, hindi ko pa nagagamit yan" sabi ko sa kaniya at iniwan siya sa gitna ng malawak na rooftop.
Nag mamadali ang bawat hakbang ko pababa ng rooftop dahil sigurado akong hindi pa nakaka layo si Hannabi o marahil ay nandito lamang siya sa loob ng school.
Dinala ako ng sariling paa sa likod na bahagi ng paaralan dahil napag tanong-tanong ko kanina kung may naka kita kay Hannabi at tama nga sila,
Nakita kong naglalakad si Hannabi papunta sa mga sirang desk, chairs at locker na pagmamay ari ng Eskewalahan.
"Hannabi!" Tawag ko sa kaniya at napalingon naman siya, bakas sa muka niya ang pag tataka kaya bago pa siya mairita ay mabilis akong lumapit sa kaniya at pinatong sa balikat niya ang kamay ko.
BINABASA MO ANG
Go back 18
Teen FictionSelene is a Medical residence of Moon International Hospital. She's currently living her life simply and everyone around her knows that she's still stuck from the past. One day, when the sun and moon collide and a certain accident happened she was...