dedicated to Hermanna_Maiui
———"Bakit mo ako sinusundan?" Mataray niyang sabi sa'kin dahil nahuli niya akong sumusunod sa kaniya. "Bakit hindi?" balik kong tanong sa kaniya kaya mas lalo siyang nag mukang badtrip
"Are you nuts, ha?" Mukang naiinis na nga sa'kin si Hannabi. Pero hindi ko siya pwedeng tigilan, kailangan kong malaman kung anong reason niya at bakit siya mag su-suicide.
"May problema ka ba?" Nagulat siya sa tanong ko at mukang na offend kaya agad akong umiling-iling, "I mean- ano, lahat ng tao may Problema right?" hindi ako sigurado sa sinabi ko kaya napangiti ako ng alanganin
"Baliw ka nga" Walang reaksyon ang muka niya habang naka tingin sa'kin.
"Hanna!"
Sabay kaming napa lingon sa taong tumawag sa kaniya ng Hanna- si Marco. Tumatakbo siya ngayon papalapit sa pwesto namin ni Hannabi at dahil kay hannabi lang siya naka tingin hindi niya ako napansin.
Ngayong naka balik ako sa naka-raan which is sa panahong to, mas lalo kong na appreciate ang looks niya, dati kasi crush ko lang siya dahil magaling siya mag soccer at mabango.
Pero ngayon ay masasabi kong gwapo nga siya, medyo kahawig niya si James Reid yung ex ni Nadine Lustre pero sa panahong 'to yata ay hindi pa sila love team. 'suss, mag be-break din naman sila sa 2020.
Tuluyan na siyang naka lapit sa'min at ang 'fresh niya talaga lalo na sa malapitan, grabe ang clear skin parang walang pores. 'Alagang belo!
"Mag lu-lunch ka na ba? tara sabay na tayo" Tanong ni Marco kay Hannabi at tumango lang si hannabi bilang pag sang-ayon, Nangunot naman ang noo ko. 'hmm I smell something fishy.
Umalis na sila sa harap ko na parang hangin lang ako na dinaanan. wow ang harsh nila, si marco maiintindihan ko kung bakit hindi niya ako pinansin kasi hindi naman niya ako kilala. Pero natatandaan kong natamaan niya ako ng bola dati-
'oo nga pala, bakit lagi kong nakaka limutan na hindi pa nangyayari yun. Ibigsabihin mangyayari pa lang?
Napa facepalm nalang ako dahil sa ginagawa kong pagka-usap sa sarili ko, maybe I'm totally Insane right now because who wouldn't be? I'm stuck here in past without knowing how things will end.
"SELENE!"
Hindi pa man ako nakaka lingon ay may biglang sumampa sa'kin at mahigpit akong niyakap. 'aray, ang tulis ng buto
"SELENE HUHU" umiiyak ng kung sinong engkanto ang nasa likod ko kaya pinilit kong lumingon sa kaniya kahit natutusok ako ng buto niya,
"Walanghiya ka Angelo, bitawan mo akong buto ka" Pero imbes na bitawan niya ako ay narinig ko nalang na sumisinghot-singhot siya at may naramdaman akong basa sa bandang balikat ko.
"P-patawad selene hindi na kita ulit iiwasan kahit b-bugbugin akon ng mga nambubully sayo" hindi pa'rin siya tumitigil sa kakaiyak at pagtulo ng sipon niya, kadiri talaga siya pero na-awa naman ako sa kaniya dahil muka siyang namatayan.
BINABASA MO ANG
Go back 18
Teen FictionSelene is a Medical residence of Moon International Hospital. She's currently living her life simply and everyone around her knows that she's still stuck from the past. One day, when the sun and moon collide and a certain accident happened she was...