Matatayog na puno, malamig na simoy ng hangin. Buwan na nag sisilbing liwanag sa gitna ng kagubatan. Mga paang hindi napapagod sa pagtakbo, tumatakbo sa bagay na hindi mo mawari kung ano ang kadahilanan."Mariposa..." pangalang hindi ko alam kung sino ang may ngalan.
"Mariposa..." boses ng lalaki na hindi ko mahanap kung nasaan.
Patuloy akong tumatakbo sa kung saan para makalabas sa gitna ng kagubatan. Tumatagaktak na pawis, mabibigat na paghinga, patunay na ako ay pagod na.
Ngunit hindi ko magawang huminto kahit na gustong gusto kong huminto at mag pahinga. Nararamdaman kong malapit ko ng marating ang lugar na gustong gusto ng aking puso, kahit na wala akong muwang kung ano ito.
'Liwanag...' Napapikit at napatigil ako sa pagtakbo ng makita ang liwanag. Tila baga'y akong biglang nabulag dahil sa liwanag na aking nakita.
"Mariposa... Aking mahal" lumakas ang pintig ng aking puso ng maramdaman ang pag-hinga sa aking kaliwang tenga. Dahan-dahan akong lumingon para makita ang pinagmulan ng boses.
Ngunit iba ang aking nakita, isang estatwa ng paro-paro ang sumalubong sa aking mga mata. Lumapit ako sa estatwa at hinawakan iyon. Dahan-dahan kong sinundan ang bawat guhit na nakaukit dito gamit ang aking dalawang daliri.
Napabalik ako ng tingin sa aking pinanggalingan ngunit gayon na lang ang aking pag tataka ng makitang wala na ang kagubatan.
Napalibot ang aking nga mata sa lugar kung nasaan ako ngayon. Bulaklak, makukulay na bulaklak ang nasa paligid, humuhuning mga ibon, nagliliparang mga paro-paro, tunog ng umaagos na talon at mataas na sikat ng araw. Kabaligtaran ng aking madilim at nakakakilabot na pinanggalingan.
Lumakad ako at lumapit sa talon para mag hilamos at mag hugas ng katawan dahil malagkit na ang aking pakiramdam. Isa isa kong hinubad ang aking mga saplot at Dahan-dahang bumaba sa talon.
Napalingon ako sa paligid dahil pakiramdam ko ay may nakatingin sa akin. Nauwi ang aking mga mata sa estatwa sa kadahilanang doon nag mumula ang mga tingin na aking nararamdaman.
Napailing na lamang ako at kinalma ang sarili, unti-unti kong nilubog ang aking ulo at lumangoy. Ang sarap sa pakiramdam ng tubig, nakakaginhawa ito pati narin ang paligid.
"Mariposa..." patuloy ako sa paglangoy, pinag sa walang bahala ang boses ng kung sinong lalaki.
"Mariposa, aking mahal. Kailangan mo ng gumising" gumising? Umahon ako sa pagkakalangoy at lumingon sa paligid. Lalaki, may lalaking nakasuot ng puting kimono ang naka talikod malayo sa akin . Malayo siya sa akin sapagkat ako'y nasa talon at siya ay nasa tapat ng estatwa.
"Sayo ba galing ang mga boses na kanina ko pa naririnig? " walang paligoy-ligoy na tanong ko sa lalaki. Hindi siya sumagot, nakatalikod parin siya sa akin.
"Mariposa, gumising ka na!" may bakas na galit ang mga katagang binitawan. Ngunit gayon na lamang ang aking pagtataka sa sarili sa pakiramdamang hindi sa lalaking nakatalikod malayo sa akin galing ang boses.
Dahan-dahang gumalaw ang lalaki, haharap siya sa akin. Hindi ko alam kung bakit ngunit may kabang umusbong sa aking puso.
"SHOU!" napabalikwas ako sa pag kakahiga sa hindi alam na kadahilanan. Shou? Shou? Hindi ko alam kung kaninong pangalan ang aking naisigaw kasabay ng aking pagkagising sa panaginip na hindi ko alam kung anong ibig sabihin.
Ang daming bagay na gusto kong malaman ngunit hindi ko alam kung saan ko sisimulan. Hanggang HINDI KO ALAM na lamang ba?
—————————————————————
ぢあな <3
YOU ARE READING
Mariposa
Science FictionMariposa. Mariposa ay isang uri ng paro-paro, paro-parong agaw pansin dahil sa taglay nitong ganda. Ngunit dahil ba talaga sa taglay niyang ganda kaya siya pinag aagawan?