KABANATA 04

4 2 0
                                    


"MARIPOSA GISING!" naidilat kong bigla ang aking mga mata, hinaplos ko ang bawat gilid ng mga ito. Tubig, ako ay lumuluha  dahil sa nakakakilabot na panaginip.

"Panaginip lang yun Kira, relax" umupo ako sa pag kakahiga ko sa kama at huminga ng malalim. Napatitig ako sa kulay dilaw na paro-parong naka dapo sa aking kurtina.

Lumipad ito at dumapo sa cellphone ko. Hindi ko alam pero feeling ko may sinasabi siya sa akin na dapat kong gawin.

Tumayo ako at kinuha ang cellphone ko, nanlaki ang aking mga mata ng mabasa ang dalawang text messages sa kung sino.

'You are safe with him' ang sabi ng unang mensahe. Na receive ko iyon ng 1:45 pm, 'wala pa sa akin ang cellphone ko nun.'

'Stay away from him' ang sabi ng pangalawang mensahe. Na receive ko naman ito kaninang 3:30 pm.

So, ibig sabihin ito yung nag text sa akin kanina at hindi si eren? Hindi ko kasi chineck ang cellphone ko mula nung makuha ko ito sa lalaki.

Hindi ko alam kung sino ang tinutukoy ng mga mensaheng ito. Sinubokan ko itong tawagan ngunit out of coverage area. Napatingin naman ako sa paligid at nagtaka nanaman.

Paano ako napunta dito? Sa pag kakatanda ko ay nasa train ako. Nawalan ba ko ng malay? Naka pantulog rin ako. Anong nangyari? Tiningnan ko ang aking orasan at nakitang 4:00 am na ng umaga.

Kailangan ko nang mag prefer para pumasok. Kahit nagtataka parin ako ay naligo na ako at nag ayos ng sarili. Hinati ko sa gitna ang aking buhok at itinirintas ang dalawang nasa tuktok. I also put a very light make up.

Bumaba ako ng kwarto at nakitang nag pre-prefer si mama. "Ma, may nangyari ba sakin kahapon?" tanong ko kay mama na busy sa pag lalagay ng pag kain sa lunch box ko.

"Oo, nawalan ka raw ng malay habang nasa tren kayo. Ano ba kasing nangyari? Kumain ka ba?" nakapamewang na sabi ni mama.

"Kumain naman ako. Medyo masama lang talaga ang pakiramdam ko kahapon, kaya siguro ako nawalan ng malay."

Bumuntong hininga si mama at siya na mismo ang nag lagay ng baon ko sa bag. "Taas ang kamay" utos sa akin ni mama. Itinaas ko naman ang aking mga kamay.

May maliit na kulay pulang tela si mamang inilagay sa aking panloob na sando. Kunot noo ko siyang tiningnan. "Proteksyon yan" sabi niya sabay tapik sa pinaglagyan niya ng proteksyon na sinasabi niya.

"Alis na po ako mama. May tiwala po ako sa proteksyon na sinasabi mo HAHAHAH" lumabas na ako ng bahay, lalakad na sana ako papunta kela Mash kaso napatigil ako ng mapansin kong may tao sa may gilid ng poste. Tiningnan ko ng mabuti pero wala na ang taong nakita ko kanina.

Lalakad na sana ulit ako nang mag vibrate ang cellphone ko. Napabalik ang tingin ko sa poste at kinilabutan nang mabasa ulit ang mensahe sa kaparehas na numerong nabasa ko kanina.

'He's not trustworthy, keep your distance to him'

Nag reply ako at tinanong kung sino ang tinutukoy niya, pero wala akong sagot na natanggap sa kanya.

Nagkibit balikat na lamang ako at tumakbo papalapit kela Mash. "Bakit?" tanong ni Kuya Mate. "Ha?" maang-maangang tanong ko.

"May sinilip ka don kanina at sino ang nag text sayo?" sabi niya sabay nguso sa may poste. "Ah yun? May pusa kasi kaya sinilip ko lang. Saka tingnan mo, sino to? Kilala niyo ba yung number? " paliwanag at tanong  ko sa kanila, mukha namang naniwala sila sa paliwanag ko sa una,
kaya okay na yun.

Ayaw kong sabihin sa kanila ang totoo baka mamaya di pa ko papasokin ni kuya. Napaka protective pa man din niya, lalo na kay Mash.

Kumunot ang noo ni Kuya Mate at kinuha ang cellphone ko, tiningnan ko si Mash at umiling naman ito.

"Kilala mo ba kuya?" tanong ko ulit, pero umiling ito. "Block mo na lang" sabi niya at nawala na ang pag kakakunot sa kanyang noo.

Ginawa ko naman ang sinabi niya at pinag sa walang bahala lahat ng messages nang taong hindi ko naman kilala.

"Sino kaya tinutukoy niya?" nagiisip na tanong ni Mash. "Baka wrong send lang yun" iiling-iling na sabi ni Kuya Mate. "Gusto mo pa police natin?" tanong ni kuya.

"Baliw, wag na. Baka nga wrong send lang." sabi ko kay kuya. "Wag mo ng alalahanin yun! Yung mga ganung bagay hindi pinoproblema" sabi ni kuya sabay ngiti at akbay sa akin.

"Kaya nga Kira! Yaan mo na yun. Trip ka lang nun." sabi naman ni Mash sabay yakap sa akin. Napaka swerte ko sa dalawang to. Kapag kasama ko sila, alam kong ligtas ako.

"GOOD MORNING!" bati ko sa mga kaklase ko pagkapasok na pagkapasok namin ni Mash. "MORNING!" bati naman nila pa balik sa akin.

Lumapit ako sa upuan ko, nakita ko si Shou na nakatingin sa akin. "Good morning!" masiglang bati ko sa kanya, ngumiti naman siya at saka humikab. "Morning" sabi niya at ngumiti ulit.

"Mash!" tawag ko sa kaibigan ko. "Yes? What can i do for you?" tanong niya habang papalapit sa akin. "May chocolate ka? Nagugutom ako. Di ako nakapag breakfast e." sabi ko.

"Hala, gaga to! Bakit di mo sinabi!? Dapat sinabi mo kanina nung nag lalakad tayo papasok!" galit na sabi niya. "Sorry na! Tsaka baka kasi malate tayo anong oras na o!" paliwanag ko.

"Ewan ko sayo! Mas mahalaga kalusugan kaysa sa pag aaral" pagtataray niya sa akin. "Bakit ka pa nag aaral?" nagulat kaming dalawa ni Mash ng may biglang sumabat sa pag uusap namin.

"M-Ms. Salazar hehe" kamot sa ulong bumalik sa upuan si Mash. Ako naman ay umupo na sa upuan ko, maya-maya pa ay kinalabit ako ni Shou.

May inaabot siya sa akin, pero hindi ko masyadong makita kung ano iyon kasi nakatingin ako sa harapan.

Inabot ko ito at nang mapagtanto kung ano ito ay sumigla ang puso ko lalo na ng mabasa ko ang note na nakasulat dito.

"Don't leave your house if you didn't eat breakfast. Here take this and eat."

—————————————————————

ぢあな <3

MariposaWhere stories live. Discover now