"Hoy!" tinulak ako ni Mash papasok ng classroom. Tiningnan ko naman siya ng masama samantalang siya todo ngiti at nag heart sign pa. "Wag maharot, first day of school palang!" sigaw niya sa akin at tumawa ng tumawa.Napatingin tuloy lahat sa amin yung mga kaklase namin. Napapikit ako ng mariin nang mapagtantong paniguradong nakatingin ngayon sa akin si Shou.
Tiningnan ko ng masama si Mash na malayo na ngayon sa akin. Umiling nalang ako at umupo sa upuan ko. Tiningnan ko si Mash at nang makitang nakatingin siya sa akin.
"Susumbong kita kay kuya Mate na nakipag sabunotan ka sa Garden!" sigaw ko kaya agad na lumapit sa akin si Mash. "JOKE LANG YUN!" naiiyak na sabi ni Mash.
Pinitik ko ng malakas ang kanyang noo at tumawa, "Para yan sa pag sigaw mo sa bagay na HINDI NAMAN TOTOO!" sigaw ko para marinig ng lahat. Gusto ko lang linawin sa kanila na hindi naman totoo yung sinabi ni Mash.
"Mashiana naman kasi, napaka imposible nung sinabi mo. Ni hindi nga natin nakikita si Kira na may kaholding hands na lalaki e! HAHAHAHAHA" nagsitawanan naman ang iba sa sinabi ni eren na kaibigan ko rin, pero hindi na kami masyadong nag lalapit kasi minsan na kaming na issue na nag d-date.
Nag si ayos ng upo ang lahat ng dumating na ang magiging guro namin. Wala pang ilang minuto ay may kumalabit sa likuran ko.
Lumingon ako ng pasimple at bumulong, "Bakit?" tanong ko kay Shou. "Humarap ka na ron baka mamaya makita ka, mapagalitan ka pa dahil sakin." tumango naman ako at umayos na ng upo.
"Okay na sugat mo?" bulong ni Shou sa likuran ko. Puminit ako ng pirasong papel sa notebook ko at nagsulat doon.
'Okay lang, Thank you for your concern! Makinig ka kay sir! :>' at pasimpleng nilagay sa table niya. Hindi naman na siya sumagot.
Nag aayos ako ng mga gamit ko ngayon kasi uwian na. Maaga ang uwian namin ngayon, kasi first day. Ganito kasi talaga dito sa Koita Central Academy. Ang dahilan nila kung bakit maaga uwian tuwing first day ay, para daw makapag bonding pa daw kaming mag kakaklase.
So, ito mag b-bonding kaming class 3-1, napag usapan namin kaninang break time na sa roller skate kami pupunta. Mag kita nalang daw kaming lahat doon ng 3:30 pm.
"Yung cellphone ko?" tanong ko sa sarili ko. Napatingin naman si Mash sa akin at lumapit. "Saan mo nilagay?" tanong niya. "Ay shit! Naiwan ko s—" natigil ko ang sasabihin ko ng may mag abot ng cellphone ko sa akin.
Napatingin ako sa taong nakakuha ng cellphone ko sa Garden. "This is yours right? Ikaw yung wallpaper e" kamot sa ulong sabi ng lalaki. Tumango ako at dahan-dahang kinuha ang cellphone ko sa kamay ng lalaki.
"Ahm... Thank you" nag bow ako at nginitian siya. Ngumiti naman siya pabalik at walang anumang sinabi ay umalis na ito.
"Sino yun?" tanong ni Mash sa akin. "Hindi ko alam, hindi naman nag pakilala e." sabi ko at nag kibit balikat. "Tara na!" pag aaya ko sa kanya.
Pumunta muna kami sa Mall para kumain ng ice cream. "Uy! Uy! Si Shou yun diba?" napatingin ako sa tinuturo ng nguso ni Mash. "Sino yang babaeng kasama niya? Girlfriend niya?" tanong ulit ni Mash sa akin. "Hindi naman maganda, mas maganda ka bessy" bulong pa ni Mash sa akin.
Kumunot naman ang noo ko at tumingin kay Mash, "Bakit ba sa akin ka nag tatanong? Kilala ko ba buong pag katao niya? Pangalan at lugar na pinanggalingan niya lang ang alam ko. Saka wag ka ngang ganyan! Ang laitera mo." bulong ko kay Mash. Ewan ko ba, feeling ko naririnig nila kami kahit na sobrang layo nila sa amin.
YOU ARE READING
Mariposa
Science FictionMariposa. Mariposa ay isang uri ng paro-paro, paro-parong agaw pansin dahil sa taglay nitong ganda. Ngunit dahil ba talaga sa taglay niyang ganda kaya siya pinag aagawan?