KABANATA 01

9 2 0
                                    


"Hays" napabuntong hininga na lamang ako sa lahat ng problema ko. Nakasilip ako sa labas ng bintana ng aking kwarto, patuloy parin akong binabagabag ng aking panaginip at ng pangalang Shou.

"Anong problema mo?" tanong sa akin ng aking kaibigan, "Kira, kanina ka pa tulala, andito ako sabihin mo kung anong problema, makikinig ako"

Napatingin ako kay Mash, halatado sa kanyang mukha ang pag aalala. "Kasi napanaginipan ko nanaman yung panaginip na hindi ko naman alam kung anong ibig sabihin, tapos yung Shou pakiramdam ko napakahalaga ng pangalan na yun sa akin. Ewan ko ba nababaliw na ko" nagulo ko ang aking buhok dahil sa iritasyon na aking nararamdaman.

"Kira! Panaginip lang naman yan e! Sabi nila patuloy na dadayuhin ka ng mga bagay bagay kapag palagi mong iniisip."  napahiga si Mash sa aking kama at pumikit. "Feeling ko gwapo yung Shou, lakas makaakit ng pangalan e HAHAHAHA"

Napaikot na lamang ang aking mga mata dahil sa huling sinabi ng aking kaibigan. Dumapa ako sa pagkakahiga sa aking kama at tiningnan ang aking cellphone.

"June 6" napabuntong hininga nanaman ako ng maalalang may pasok na kinabukasan. "Hoy Mash! May pasok na pala sa monday, Dalawang araw na lang. Pasukan na"

"Yan! kakaisip mo sa kung anong ibig sabihin ng panaginip mo, hindi mo namalayang mag papasukan na." napabuntong hininga nalang rin si Mash.

"May gamit ka na?" nakagat ko na lamang ang aking pang ibabang labi ng mapagtantong wala pa pala akong mga gamit pang eskwela. Napasapo naman si Mash sa kanyang ulo at tumayo.

"Punyemas ka Kira! Tara na bibili na tayo!" dali-dali akong tumayo sa pagkakadapa at tiningnan ang sarili sa salamin. Inayos ang pagkakagusot ng aking damit at ang buhok kong walang suklay suklay.

Naglalakad kami ngayon ni Mash papuntang train station. Malayo kasi yung koita sa Parashia, kaya kailangan mag tren. Koita, ito yung central dito sa bansa namin. Dito sa Koita yung pamilihan ng lahat ng bagay, dito rin yung school na papasukan namin ni Mash.

Nasa Koita na kami ni Mash. Nasa isang school supplies shop kami at naglilibot-libot para mahanap yung notebook section.

"Hoy gaga! Dito dali!" napalingon ako kay Mash na malayo na sa akin, hindi ko man lang namalayan na lumayo ito sa akin. Agad akong lumakad palapit sa kanya.

"Pili ka na ng notebook mo" sabi niya sa akin. Pipili na sana ako ng may ini abot siyang Notebook sa akin. "Ito maganda diba? Ito na lang" hindi pa ako nakakasagot sa tanong niya ay inilagay na niya agad sa basket na bitbit ko ang isang disengyong bundle ng notebook.

"Akala ko ba ako pipili?" iiling-iling na tanong ko kay Mash, pero tinawanan lang ako ng gaga. "Tara doon! Doon naman tayo sa ballpen!" hinila niya ako papunta sa ballpen section. Para siyang bata na excited sa pamimili.

"Ouch!" napatingin ako sa lalaking nakayuko sa tapat ng book section. Nauntog ata, hawak niya yung ulo niya e. Hindi ko tuloy masyadong nakita yung mukha niya.

"Kiraaaa~" napatingin ako kay Mash ng tawagin niya ako. "Bakit?" tanong ko. May pinakita siyang dalawang ballpen na may design. Yung isang ballpen kulay asul at yung takip niya penguin, samantalang yung isa, kulay pink tapos yung takip ay puso. Napailing na lamang ako bilang sagot na ayaw ko.

"Ginagawa mo kong bata Mash! Di mo ko katulad! 3rd year highschool na tayo!" sabi ko sa kanya. Naagaw pansin ng ballpen na may design na kulay pulang paro-paro ang aking mga mata. Katulad ito ng paro-parong estatwa sa aking panaginip. Ngunit ang pagkakaiba lang ay may kulay ito, samantalang ang estatwa ay wala. Kinuha ko ito at tinitigan, agad akong kumuha ng iba pang ballpen na walang disenyo at agad - agad ring nagbayad sa cashier.

MariposaWhere stories live. Discover now