"Okay, mag palit na kayo ng P. E" sabi ni Sir Natividad sa amin. "Kira! Tara na sa Cr!" tawag sa akin ni Mash. Hindi ko sila kasabay pumasok kaninang Umaga kasi nalate ako ng gising. Kaya hapon na ako nakapasok."Akala namin hindi ka na papasok. Sabi kasi ni tita gabing-gabi kana nakauwi" sabi ni Mash habang nag papalit kami ng damit. "Akala mo lang yun sis!" natatawang sabi ko.
"Saan ka ba kasi galing kahapon? Nakita kong hinila mo si Shou palabas ng school" halata sa kanyang boses ang pagtataka.
"May usapan kasi kami na ililibre niya ako, hindi na kita isinama kasi buraot ka." sabi ko at lumabas na ng cubicle, sakto namang lumabas rin si Mash sa katabing cubicle.
"Ang sabihin mo, gusto mo siyang masolo" sabi niya habang may ngiting aso sa mga labi. "Itsura mo!" hinampas ko siya sa mukha, gamit ang polo ko.
"Ayieee! Luma love life si kiraaaa~" pang-gugulo niya sa akin. "Ewan ko sayo Mash!" tinakbohan ko siya at dumiretso na sa Gym.
"Ouch!" napaupo ako sa sahig ng bumangga ako sa kung sino man. "Hala kira! Hindi ka kasi tumitingin sa dinaraanan mo e!" galit na tumakbo palapit sa akin si Mash.
Tinulongan naman ako ng taong nabangga ko. "Sorry! Sorry talaga!" sabi ko sa nabangga ko habang hawak hawak ang ulo kong tumama sa dibdib niya.
"Okay lang, di naman ako nasaktan. Ikaw okay ka lang ba? May masakit ba sayo?" napatingin ako sa nabangga ko.
Namilog ang aking mga mata ng makita kung sino ito. "Hala! Ikaw? Anong pangalan mo?" tanong ko sa kanya, nawala sa isip ko ang sakit ng katawan ko galing sa pag kakabangga ng makita siya.
Kasing tangkad niya si Shou, singkit at kulay tsokolate ang mga mata. Moreno siya at may pagka kulot ang buhok. "Diba ikaw 'yung nag abot sakin nung cellphone ko? Anong name mo?" nakangiting sabi ko.
"Ahahaha... J-jiro" nahihiyang sabi niya. Inabot ko ang aking kaliwang kamay sa kanya, "Kira, I'm kira. Nice to meet you" sabi ko. Tinanggap naman niya ang pakikipag kamay ko at nag pa alam na sa akin.
"Ang landi a." bulong sa akin ni Mash. "Anong malandi dun? Nakipag kilala lang e." sabi ko sabay lapag ng gamit ko sa gym locker.
"Sinong mas type mo? Si Shou o yung Jiro?" napatingin naman ako kay Mash na seryosong nakatingin sa akin. "Anong klaseng tanong yan?" natatawang tanong ko.
"Sagutin mo nalang kasi!" nagpapapadyak siya at sinimangutan ako. "Hmmm... Si Shou" sabi ko at nagliwanag naman ang kanyang mukha. "Bakit? Bakit?" nakangiting tanong niya at lumapit pa lalo sa akin.
"Kasi halos lahat ng tipo ko sa lalaki nasa kanya na. Matangkad siya, maputi, matangos, bagsak ang buhok, kumikinang na mga mata at higit sa lahat, mabait at may sense of humor" napatingin naman ako kay Mash na kinikilig sa tabi ko. "Inlove na best friend ko! Ayieee!" kinikilig na sabi niya. "Para kang tanga diyan!" sabi ko sa kanya at tinawanan siya.
Pumunta na kami sa center ng gym at umupo. "Mag lalaro tayo ng dodge ball, by pair babae sa lalake at lalake sa babae! Now pick your partner!" sabi ni Sir Natividad at pumalakpak pa ng dalawang beses.
Tumayo ako at kakausapin si eren na maging partner ko nang bigla akong muntikang matumba kasi may bumangga sa likuran ko, buti na lang at nahawakan niya ako.
"S-Sorry" paumanhin niya, napatingin naman ako kay Mash na naka peace sign habang hawak hawak si eren. Napairap na lamang ako at tiningnan si Shou. "Okay lang! May partner ka na ba?" tanong ko.
YOU ARE READING
Mariposa
Science FictionMariposa. Mariposa ay isang uri ng paro-paro, paro-parong agaw pansin dahil sa taglay nitong ganda. Ngunit dahil ba talaga sa taglay niyang ganda kaya siya pinag aagawan?