"H-Ha?" nauutal na sabi ko. "I-i mean, ikaw? Ikaw bahala." kamot sa ulo niyang sabi. Kumalma na ang tibok ng aking puso ng marinig ang kanyang paglilinaw."Hoy kira! Ano hindi ka nanaman sasabay?" mataray na tanong ni Mash na nasa pintuan na ng classroom. "Sasabay ako!" sabi ko sabay balik ng tingin kay Shou.
"Bukas na lang kita ililibre. Una na ako! Bye!" sabi ko sabay tapik sa braso niya. "Bye, ingat kayo." pahabol niya ng makalabas na ako sa room.
"Umamin ka nga! May gusto kana ba kay Shou? Ha? Ha?" tanong ni Mash sa akin habang dinudutdot ako sa kanang braso. "Umayos ka Mash! Mamaya may makarinig sayo" nahihiyang sabi ko.
"OMG! may gusto kana sa kanya?" bulong niya sa akin na ikinatawa ko naman. "Wala akong gusto sa kanya Mash. Friends lang kami. Napaka maissue mo." paliwanag ko sa kanya.
"Okay sabi mo e." sabi niya sabay kibit balikat. "Alam mo ba nag aalala sayo si kuya kahapon." napatingin ako sa kanya dahil sa sinabi niya.
"Bakit naman?" tanong ko. "Ewan, nagalit pa nga siya sa akin e. Dapat daw sinamahan kita." sabi niya sabay buntong hininga.
"Wag kang mag alala, kakausapin ko si Kuya." sabi ko at niyakap ko siya. "Wag na, hayaan mo na yun." sabi niya sa akin at yumakap naman pabalik.
Nakarating na kami sa waiting area naming tatlo. Nandoon na rin si Kuya Mate nakaupo siya at nag c-cellphone.
"O? Suot mo na ulit yang salamin mo!" sabi ko sa kanya habang nakaturo sa salamin na suot niya. "Ayaw ko ng contact lens. Masakit sa mata." sabi naman niya sabay ayos ng salamin niya.
Hinampas ko naman siyang bigla sa braso niya, "Bakit mo inaaway si Mashiana?!" galit na tanong ko sa kanya. "Bakit ka kasi sumasama sa kahit na sinong lalaki?!" galit rin na tanong niya.
"Excuse me?" mataray na tanong ko. Nag simula na kaming mav lakad papuntang train station. "FYI! hindi kung sino lang na tao si Shou! HE'S MY FRIEND!" galit na sabi ko kay Kuya Mate.
"Kakakilala mo lang sa kanya nung lunes tapos Friend na agad? Tapos ang malala pa sumama ka na agad. Paano kung may gawing masama yun sayo!?" galit na sabi niya.
"Bakit may requirements ba muna bago ka makipag kaibigan? Kailangan 1 month mo munang kakilala bago mo i-consider as a friend!?" hindi makapaniwalang sabi ko.
"Kira, lalake yun babae ka!" napatigil ako sa pag lalakad dahil sa sinabi niya. "O bakit? Lalake ka rin naman a?! So, anong gusto mong gawin ko layuan ko si Shou?!" paunti-unti na akong nawawalan ng modo sa kanya.
"Oo!" diretsong sabi niya habang nakatingin sa akin. "Ayaw ko! Hindi nga ko pinapalayo ng magulang ko sa kanya tapos ikaw papalayuin mo ko! Kung lalayuan ko siya lalayuan rin kita!" sigaw ko sa kanya at tumakbo sa kung saan.
Naiinis ako sa ginagawa ni kuya Mate. Alam ko na prinoprotektahan niya lang ako, may point naman siya pero hindi parin tama yung jinujudge niya si Shou na masamang tao.
'Oo, kakakilala ko palang kay Shou. Pero alam ko na mabait siya, alam ko na mapag kakatiwalaan siya.'
Pinatay ko ang cellphone ko kasi kanina pa tawag ng tawag si Mash at Kuya Mate sa akin. Hindi naman ako ganito e, ngayon lang ako nag ka ganito. Ewan ko ba.
Basta naiinis ako, papacool down muna ako. Kasi kung ano-ano nang pumapasok sa isip ko, at baka kung ano pang masasakit na salita pa ang mabitawan ko. Nawalan na nga ko ng modo kay Kuya Mate e. Hays...
YOU ARE READING
Mariposa
Science FictionMariposa. Mariposa ay isang uri ng paro-paro, paro-parong agaw pansin dahil sa taglay nitong ganda. Ngunit dahil ba talaga sa taglay niyang ganda kaya siya pinag aagawan?