KABANATA 02

8 2 0
                                    


5 am ng umaga ay gising na gising na ako. Nag aayos ako ngayon ng aking sarili sa harap ng salamin. Monday ngayon pasukan na, kaya kailangang maaga gumising. Babyahe pa kami ni Mash. I braided my hair into two and i put a very light make up on my face.

Agad kung kinuha ang aking bag sa kama ko at dali-daling bumaba. Nilagay ko sa bag ko yung baon ko for lunch, kumagat rin ako ng isang tinapay at nilaklak ng isang lagukan ang gatas ko.

"Aalis na po ako!" paalam ko kela mama at agad na nag suot ng sapatos. "Ingat ka! Bakit ka ba nag mamadali!?" reklamo ni mama at inabot ang aking bottled water.

"Thank you, ma! Excited lang ako hihi" hinalikan ko siya sa pisngi at lumabas na ng bahay. Agad kong nakita si Mash na kasama ang kanyang kuya.

"Good morning!" bati ko sa kanilang dalawa. "Good morning too!" bati pabalik sa akin ni kuya Mate.

Napatingin ako kay Mash na nakasimangot. "Agang simangot naman niyan." naglalakad na kami papunta sa train station.

"Si kuya kasi OA" sabi ni Mash. "Hoy! Anong ako? Pasalamat ka pa nga ginising kita e." reklamo ni kuya Mate.

"Bakit kasi?" tanong ko. "Paano kasi kanina pa tunog ng tunog yung alarm niya pero di siya nagigising. Anong oras na yun 4:30 hindi pa siya naliligo." paliwanag ni kuya Mate sa akin.

Natawa naman ako ng belatan ni Mash si Kuya Mate, alam kong gustong gusto na ni kuyang kutongan si Mash kaso maraming tao, kaya hindi niya magawa.

Mag kaklase kami ni Mash, section 1 kami, samantalang si kuya Mate college na. Pag karating namin ni Mash sa school ay dumiretso agad kami sa Gymnasium para sa opening ceremony.

Natapos ang ceremony at agad kaming tumungo sa classroom namin. "Class 3-1" basa ko sa sign sa itaas ng pintuan ng classroom namin.

Pumasok kami doon at umupo ako sa tabi ng bintana. Mag kahiwalay kami ni Mash sa seats kasi Yugya ako, tapos siya Minamoto.

Yung seats namin parang araw–araw may exam, One seat apart. Kaya hindi ka talaga makakadaldal kapag may klase, kasi malayo sayo yung katabi mo.

Wala pang ilang minuto ay napuno na ang classroom. Halos lahat naman ng mga kaklase ko ngayon, kaklase ko na noon pa man kaya hindi na ko nahirapang makipag usap sa kanila.

Umayos kaming lahat sa pag kakaupo ng may pumasok na teacher. "Ehem, Good morning Class." bati niya sa amin. Agad naman kaming tumayo at nag bow sabay "Good morning Ms."

"Okay take your seats. I'm Kim Salazar and I'll be your homeroom teacher. You guys don't need to introduce yourself because i know that all of you already know each other, right?" tumango naman kaming lahat bilang pag sang-ayon. Napangalumbaba at tumingin na lang ako sa labas ng bintana at pinakiramdaman ang paligid.

"I already know you guys because i memorized your names and features on your student file. So now I'll introduce to all of you our new student, please come in Mr."  sabi ni Ms. Salazar. May biglang paro-parong dumaan sa bintana papasok sa classroom, sinundan ko ito ng tingin at dumapo ito sa lalaking nakatayo sa harapan.

"I'm Shou Izumi—" nanlaki ang aking mga mata ng marinig ang pangalan niya, hindi ko alam kung bakit pero huminto ang lahat ng nasa paligid ko. Nakatingin siya sa akin, ang daming kulay dilaw na paro-paro ang nag liliparan sa paligid namin. Bigla ring nag laho ang lahat at bumalik sa dati.

"—And I'm from Pertual, nice to meet you all" nag bow siya bilang pag tatapos ng pag papakilala. 'A-Anong nangyari? Namalikmata lang ba ako? O nangyari talaga yun?'

MariposaWhere stories live. Discover now