KABANATA 05

2 1 0
                                    


Lumingon ako ng pasimple sa kanya and i mouthed, "Thank you!" nginitian ko siya at tinanguan niya lang ako habang naka ngiti. Tinuro niya yung pisara kaya humarap na ako. Hindi ko mawala ang mga ngiti ko sa labi at ang siglang nararamdaman ng aking puso.

Pagkatapos ng dalawang klase ay agad kong kinain ang tsokolateng binigay ni Shou. "Hoy! Hoy! Kanino galing yan?" tanong ni Mash.

"Kay Shou!" simpleng sagot ko. Lumaki naman ang mga mata ng gaga at tumingin kay Shou na nasa likuran ko. Napatingin rin tuloy ako kay Shou na nakatungo sa lamesa, natutulog ata.

"Bakit si Kira lang?! " galit-galitang sabi ni Mash. Napatingin naman si Shou kay Mash at sa akin. Natawa siya ng bahagya at inabot ang kanyang bag na nasa gilid ng lamesa niya.

"Ito o. Sayo na lang" sabi ni Shou kay Mash at inabot ang isa pang chocolate. Nanlaki naman ang mga mata ni Mash at medyo nakaramdam ng hiya.

"Joke lang uy!" sabi niya kay Shou, pero inaabot parin ni Shou sa kanya kaya tinanggap nalang ni Mash. "T-Thank you" nahihiyang pasalamat niya. Ngumiti lang si Shou at yumukod na ulit sa kanyang lamesa.

Natapos ang mag hapon at ngayon ay uwian na. Habang nag liligpit ako ay may nahagip ang aking mga mata. Nakatayo sa harapan ko si Shou at nakatingin sakin habang nakangiti.

"Bakit?" nagtatakang tanong ko. "Uuwi ka na? Sabay na tayo." nabigla naman ako sa sinabi niya, "Ililibre pa kita ng isang gallon na ice cream, remember?" nag liwanag naman ang aking mukha sa huling sinabi niya.

Agad akong tumayo at tumango sa kanya. "Mash, hindi ako sasabay sa inyo!" sabi ko sa kaibigan kong nagliligpit ng kanyang mga gamit. Hindi ko na inantay ang kanyang sasabihin, hinila ko na agad si Shou palabas ng school.

"Excited ha?" natatawang sabi niya. "Hindi naman sa excited, ayaw ko lang na dumagdag sa gastos mo si Mash. Makapal mukha nun e HAHAHAH" tumatawang sabi ko.

Napatingin ako sa kanya, hindi siya nakatingin sa akin. Napabitaw agad ako sa kamay niya ng marealize ko na doon siya naka tingin. Narinig ko naman siyang tumawa, uminit tuloy lalo ang mukha ko.

Bumili kami ng dalawang 80 oz. na ice cream sa convinience store , tag-isa kami. Nasa central park kami ngayon ni Shou, nakaupo kami sa swing habang kinakain ang ice cream namin.

"Ang sarap ng hangin" sabi niya, out of the blue. Napatingin ako sa kanyang nakatingala habang nakapikit, dinarama ang hangin. "Anong lasa?" tanong ko habang subo-subo ang kutsara.

Kumunot ang kanyang noo at masamang tumingin sa akin, "Ang epal mo" natawa naman ako sa sinabi niya. "Sorry na, pero ang cute mo kanina habang dinarama mo yung hangin." namula naman siya sa sinabi ko at umubo ng bahagya.

"Hindi ako cute, gwapo ako" sabi niya sabay tingin at kindat sa akin. Uminit namang bigla ang aking mga pisngi, kaya umiwas ako ng tingin. Narinig ko naman siyang tumawa, "Napakachoosy" bulong ko. Tumayo ako at tumingin sa kanya, nakatingin rin siya sa akin.

Lumapit ako sa kanya at bumulong, "Thank you" sabay punas ng ice cream sa mukha niya. Natawa naman ako sa reaction niya kasi shock na shock siya sa ginawa ko.

Napatakbo ako ng bigla siyang tumayo at nakangiting nakakaloko. Nag habulan kami sa park at nag punasan ng ice cream sa mukha.

"Ayaw ko na! Suko na ko!" natatawang sabi ko habang naka taas ang mga kamay. Mas maraming ice cream ang mukha ko kaysa sa kanya, ang bilis niya kasing tumakbo.

"Makulimlim na, ihahatid na kita sa inyo." sabi niya sabay kuha ng mga gamit namin sa may swing. "Pero bago tayo umuwi, bumili muna tayo diyan sa tindahan ng wet wipes ang lagkit ko na!" nakasimangot na sabi ko.

MariposaWhere stories live. Discover now