BILLIONAIRES 4

19.8K 846 70
                                    

<JAILEE LANTICO POV>

Lumabas kana jan Jailee at aalis na tayo? -sabi ni Sir. habang kinakatok yung pintuan ng silid ko..

Sige po Sir. nag bibihis na lang po ako saglit ng damit! -ani ko sabay suot ng damit ko na croptop at saka kinuha na yung travel bag na pinahiram niya kagabi.

Pag bukas ko pa lang ng pinto ay ang sama na agad ng tingin niya sa akin at marahang tumingin pa sa mga binti ko.

bakit ganyan ang suot mo! mag palit ka! -mautoridad na sabi niya.

Ehhh Sir. diba po beach ang pupuntahan natin alangan namang mag jogging pants ako don! -medyo na iinis na sabi ko sa kanya, kaya naman pinag taasan niya ako ng kilay.

Magpapalit kaba o gusto mong ako ang magpapalit sayo! -galit na sabi niya kaya naman padabog akong pumasok sa loob ng silid ko para mag palit ulit.

ilang minuto pa ay lumabas na ulit ako ng nakasuot ng fitted na black jeans pero naka crop top pa din ako. kaya naman ng pagbukas ko ng pinto ay nasa labas pa din siya habang nakatalikod.

Sir. tapos na po akong magbihis okay naman na po siguro ito! -sarkastikong sabi ko kaya naman humarap siya sa akin at pinagmamasdan ulit ako pero masama pa din yung tingin nga sa akin!

may problema po ba? -tanong ko.

magpalit ka ng damit! -nagpipigil na galit na sabi niya kaya naman pinagtaasan ko siya kilay.

Sir. kung gusto niyo po ay hindi na lang ako sasama! -inis na sabi ko.

sumunod ka na lang! -galit na sigaw niya.

sige na Sir. pumunta na po kayo at hindi na lang po talaga ako sasama sir! -malungkot na saad ko at pumasok na sa silid ko akmang isasara ko na sana yung pinto ng bigla niya itong pinigilan.

Shit! Fine! Fine! sige na wag ka ng magpalit. -inis na saad niya habang sinasabunutan yung buhok niya.

Okay po Sir. tayo na po gumora at pakibitbit na lang din po yung bag ko hihihi! -tuwang sabi ko. at saka nauna ng maglakad pero nakakailang hakbang pa lang ako ay may naramdaman akong may pumatong sa balikat ko. kaya naman tumingin ako don at nakita kong nakapatong na sa akin yung leather jacket niya na suot niya. kaya naman tinignan ko siya ng naguguluhan.

Suotin mo na lang yan baka lamigin ka! -malambing na sabi niya saka ako inakbayan kaya naman pinamulahan ako, at saka kami naglakad pababa ng hagdan.

—————
Daddy malayo pa ba tayo gugutom na kasi ako eh! -malungkot na sabi ni baby Payter habang nakayakap sa tiyan ko dito daw kasi niyang gusto umupo sa akin dito sa frontseat pero kanina nasa backseat siya nakaupo nong nasa manila pa lang kami baka kasi mahuli kami.

Malapit na tayo baby pero matulog ka muna jan kay mommy mo! -saad niya habang nakatingin sa anak niya kaya naman tumango si baby payter sa kanya at sumubsob sa dibdib ko kaya naman pinat ko yung likod niya para matulog..

ikaw ba Jailee baka gutom kana pwede mo naman akong tikman dito habang tulog yang anak ko! -nakangising sabi habang nakatingin sa akin, kaya naman bahagya ko siyang pinalo sa braso, at tumawa lang siya habang bumalim ulit sa pagmamaneho.

kaya naman tumingin muna ako sa bintana at pinagmasdan yung napaka luwang na dagat na kalahating asul at kalahating green.

mga ilang minuto pa ay pumasok siya sa isang white beach resort

ohhhh andito na pala tayo eh! -sabi niya, kaya naman tinanggal ko na yung seatbelt ko at saka marahang ginising si baby Payter nakatulog sa dibdib ko habang nakayakap.

✔️DMS2: BABYSITTING THE HOT BILLIONAIRE's SON (•BxB•)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon