BILLIONAIRE's 28 (EPILOGUE)

20.1K 751 148
                                    


•PAYTON ACE VILLAMORE•

Punyeta!! Payton kumalma ka nga para kang tanga sa paikot ikot mo jan! -suway sa akin ni dad dahil hindi kasi ako makapakali dahil baka hindi sumipot si sky ngayon sa kasal namin. hanep baka nareliaze niya na ayaw niya na sa akin dahil masyado akong mahigpit sa kanya na halos hindi ko na siya palabasin ng bahay ng  hindi ako ang kasama niya.

alam kong ayos naman na ang lahat dahil ako na ang nagbayad sa natitirang kortrata niya sa thailand na halos ayaw pang pumayag ng gagung panot na boss niya, kung hindi ko pa pagbabantaan ang gagung yun hindi pa papayag.

ohh ayan na pala ang asawa mo eh! -saad ni Dad na nasa tabi ko kaya naman unti-unti kong itinaas ang ulo ko sa pagkakayuko at sa pataas ng yun ay sumalubong ang nakangiti niyang mukha sa akin sa malayo. kaya naman bigla akong nakadama ng ibang pakiramdam samahan mo pa ng unti unting pamumuo ng luha ko sa aking mata dahil sa sayang nadadama ko ngayon dahil ang taong pinapangarap ko noon ay matatali na sa akin habang buhay.

dahil ngayon ang araw nato ay ang araw ng kasal namin dito sa New York na tatlong buwan ko ding pinaghandaan pagkatapos ng pangyayareng naganap noon sa labas ng mansyon ko.

pero hindi ko tuloy maiwasang ma-isip ang panahon kung saan kami unang nagtagpo, at kung saan ako unang nahulog sa kanya ng patago.

          <<<<<< FLASHBACK>>>>>

          akmang susubo na sana ako ng pagkain ko ng may biglang humarang sa harap kong mga kapwa ko mga studyante kaya naman tumaas ang tingin ko don at nakita ko ang matindi kong kaaway na nanakangisi sa akin.

hoy!! baboy ano yang kinakain mo pahingi naman ako. -sabi sa akin ng ni Bogart sabay hablot sa paboritong pagkain ko na ipaghanda pa ni mommy sa akin kanina, kaya naman hindi ko na naiwasang mapayuko habang nakayukom ang kamay ko sa galit.

makasabi ng baboy eh mas double pa nga ang sukat niya sa akin at mas muka pa nga siyang baboy dahil sa kutis niyang maiitim na para na siyang baboy ramo sa itsura niya.

pwe! hindi masarap, pagkain ba to ng tao o pagkain ng baboy na tulad mo. -sabi niya at saka unti unti niyang itinapon yun sa ulo ko, kaya naman dinig ko ang biglang tawanan ng mga studyanteng tulad ko sa loob ng canteen nato.

kaya naman hindi ko na napigilan ang galit ko at bigla ko na lang siyang sinuntok sa mukha na siya naman ang biglang pagkakagulo ng lahat. na hindi alam kung ano ang gagawin.

pero ilang sandali pa ay bigla din akong natumba dahil bigla akong sinipa sa likod ng isang kasama niya at nakisali na din ang iba pa, kaya naman ang tangi ko lang nagawa ay protektahan ang mukha ko gamit ang mga kamay ko at hayaan na lang silang gawin ang gusto nilang gawin sa akin.

dahil wala din naman na akong magagawa dahil mas madami sila at iisa lang ako, alam kong may katabaan ang katawan ko dahil iyon ang laging dahilan kung bakit ako pinagtritripan sa pisteng paaralan nato.

ang tanging magagawa ko lang ngayon ay maghintay kung sakali mang dumating na ang mag aawat muli sa amin.

Itigil niyo yan Bogart! -matinis na sigaw ng isang maputing lalaki na siyang nagpatigil sa pambubugbog at pagsipa nila sa akin. at bahagya pang nanlaki ang mga mata nilang nakatitig sa kanya.

kaya naman nakahinga ako ng maluwag at ibinaba na ang kamay kong nakaharang sa mukha ko, dama ko din ang unti unting pagkirot ng katawan ko. at kita ko din ang bakat ng mga sapatos nila sa damit ko.

pero bigla akong nagulat ng may taong bigla na lang yumuko sa harap ko kaya naman ng magtama ang mata namin ay bigla akong natulala at sabay non ay ang pagbilis ng tibok ng puso ko sa di malamang dahilan kaya naman kusa na lang umangat ang isang kamay ko papunta sa mukha ng taong nasaharap ko ngayon.

✔️DMS2: BABYSITTING THE HOT BILLIONAIRE's SON (•BxB•)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon