BILLIONAIRE's 15

13.9K 622 69
                                    

SKYLAINE MONTEZARIO POV
(Real name ni Jailee)

paglabas ko pa lang ng Airport kasama ang aking mga guard ay biglang akong napapikit dahil sa mga flash ng camerang nakatutok sa akin at isabay mo pa ang tulakang nangyayare ngayon dahil sa mga reporters na naka abang sa akin kanina pa.

miss sky ano pong dahilan niyo bakit kayo umuwi dito sa Pilipinas? -tanong ng isang baklang reporter sa akin habang nakikipagtulakan.

miss sky totoo po bang may anak at kasintahan na kayo? -.

miss sky totoo po bang dating kasintahan kayo ni Mr. Payton na nagmamay ari ng Villamore Builders inc. at ibang pang kompanya na isang bilyonaryo? -

miss sky totoo po bang isang ganap na babae na kayo? -

sunod sunod na mga tanong ng mga nagkakagulong reporters na nagpasakit ng ulo ko dito sa labas ng Airport ng Pilipinas.

yup! isa na akong kilalang artista at model ngayon sa bansang thailand at hindi ko inaakala na pati pala dito sa Pilipinas ay makikilala ako, siguro ay nakilala lang ako dito simula nong interview ko nong nakaraang buwan at naging public na din ang mga pictures ko, na kung saan sa Thailand lang noon nakikita.

oo nga pala isa na din akong ganap na babae ngayon dahil nag pa sex change ako sa thailand noong nakaraang taon pero maaari parin naman daw akong mabuntis at saka hindi pala ako nagpalagay ng dede dahil mas prepared ko pa din ang flat chested. dahil naniniwala ako sa kasabihang Flat man ako sa inyong paningin may malalamas parin charrrr.

apat na taon na din pala ang lumipas simula ng umalis ako sa bangungot na bansang ito. at hanggang ngayon ay dala dala ko pa din ang alala alala na yun na hindi ko parin lubos na nabubura.

at sa apat na taon na din na yun ay nakilala ko na din ang tunay kong mga magulang na matagal ng nawalay sa akin noon at sa apat na taon na lumipas ay marami na talaga ang nagbago hindi na ako ang masiyahing Jailee noon, bagkus ay mas naging seryoso at palaban na ako bilang isang SkyLaine ngayon.

mga ilang sandali pa sa aming pakikipag siksikan sa mga reporters at ilang fans ko na nandito, ay nagilta ako ng may humablot bigla sa kamay ko. kaya naman napatingin ako likod ko at nakita ko si kuya na nakangiti kaya naman bigla ko siyang niyakap ng mahigpit ganun din siya.

kaya naman lahat ng reporter's at ilang fans ko ay narinig ko pang nagbubulungan at kinikilig. dahil hindi siguro nila alam na ang lalaking kayakap ko ngayon ay ang Half-Brother ko.

Bunsooo!!! tama na muna ang yakap! sa likod na tayo dumaan para hindi na tayo tuluyan maharang ng mga fans mo na naghihintay sayo sa labas ng airport kanina pa! -nakangiting buling na sabi niya at saka ako hinila pa takbo kasunod ang mga guard ko na nakikita ko pang humahabol ang mga reporter at ilang fans ko na kanina pa nakasunod sa akin.

mga ilang sandali pa ay nakarating na din kami sa parking lot at nakita ko don ang manager kong si Owel na inip na inip sa loob ng van.

goshhhhh! ang tagal niyo, nawawala ang beuty ko sa inyo eh buti na lang talaga nandito si Fafa Lennox! pwede pa lunok charrrrr! -malanding sabi ni owel kay kuya habang nagpapuppy eyes kaya naman bigla kaming natawa sa kanya at saka pumasok sa van.

sorry baby! pass muna ako ayoko kasi mag ka colesterole! -birong sabi ni kuya habang natatawa, na siya naman ikinasimangot ni owel actually mataba si owel na parang katulad ni Allan K.

kaya naman napailing na lang ako at saka sumandal sa braso ni kuya para matulog dahil 30 minutes pa ang biyahe para makarating sa bahay namin.

✔️DMS2: BABYSITTING THE HOT BILLIONAIRE's SON (•BxB•)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon