BILLIONAIRE's 21

14.1K 588 7
                                    


•SKY MONTEZARIO•
(Real name ni Jailee)

habang bumababa ako ng hagdan ay boses agad ng anak kong si Jaiden ang naririnig ko na mukhang tuwang tuwa pa, kaya naman nagtaka ako ng marinig ko ang boses ni Payton na kausap ang anak ko.

mukhang totoo nga ang sinasabi ni mommy at ni owel kanina na andito ang magaling na ama ng mga anak ko akala ko kasi ay nagbibiro lang sila.

kaya naman dali dali akong bumaba ng hagdan kahit medyo makirot ang ibaba ko na di ko malaman kung bakit ba sumasakit yun. baka siguro ay nahulog ako sa kama kagabi habang natutulog.

Mommy nandito na si Daddy! -masayang sigaw ni Jaiden na nakakandong sa binti ni Payton. ng makita nila akong pababa ng hagdan.

kaya naman hindi ko maiwasang maantig sa itsura ng mag aama ngayon dahil ngayon ko lang kasi nakita ang anak ko na ganyan kalawak ang ngite sa mukha niya.

oo! alam naman nila na si Payton ang ama nila, dahil hindi naman ako ganun kasamang tao para ipag damot sa kanila na meron silang tunay na ama na isa sa bumuo sa kanila, dahil kahit bali- baliktarin natin ang mundo ay kailangan parin ng mga batang katulad nila na magkaroon at makilala ang tunay nilang ama.

pero agad akong nagtaka ng hindi ko makita si Payden dito.

Good morning baby! nasaan ang kuya Payden mo? -tanong ko sa kanya at saka binuhat ng makalapit ako sa kanilang mag ama.

kaya naman hinalik halikan niya ako sa pisnge at saka sumagot! -nag eemote po si kuya mommy! dahil nandito na si daddy!

kaya naman tumingin ako kay Payton na nagtatanong kung bakit siya nandito.

anong ginagawa mo dito! -seryosong tanong ko sa kanya.

bakit! masama bang dalawin ang mga anak ko dito at pati na din ikaw! -nakangising sabi niya sa akin, kaya naman iripan ko siya at saka binaba si Jaiden sa pagkakakarga. at nagtatatakbo naman ito papunta sa kusina. dahil tinawag siya ni daddy na mukhang nag luluto na naman ng spaghetti.

Hin___ hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng biglang may pumasok sa loob ng bahay kasama si mommy.

Mommy! -sigaw ng kakapasok na bisita na amin na tumabakbo papunta sa akin at saka yumakap ng mahigpit ganun din ako.

anong ginagawa mo dito baby payter! -tanong ko habang hinahalik halikan ang pisnge niya. na siya ikinahagikgik niya.

Pinapunta ako ni daddy dito para daw may kalaro ang mga baby bro ko, nasaan po sila mommy? -tanong niya habang nakayakap pa din sa akin at nakadukdok ang mukha niya sa tiyan ko.

Mommy its that my kuya Payter? -sulpot ng anak kong si Jaiden na may hawak na plato na may lamang spaghetti na ngumunguya pa.

kumalas naman sa pagkakayakap ko si payter tumingin sa kanya na tuwang tuwa ang mukha at nilapita pa ito.

Yup! im your handsome kuya! -sabi ni payter sa kanya na pinisil pa ang pisnge neto.

kaya naman bigla tumawa si mommy ng malakas kaya naman natingin kami sa kanya.

hahaha oh siya Sky! umalis na kayo kanina pa nagtetext si owel sa sakin! at saka ako ng bahala sa mga chikiting nato! at mukhang may bago na naman akong apo na napakagwapo! -saad niya ay saka hinalik halikan ang pisnge ni payter ng makalapit siya dito,na humahagikgik pa sa tawa, kaya naman napiling na lang ako.

at inaya na si payton na pumasok sa kompanya niya dahil mukhang ngang kanina pa nagwawala ang baklang si owel sa galit.

——
habang nasa loob kami ng sasakyan niya ay tahimik lang kami at hindi nagkikibuan, na nakatingin lang ako sa gilid ng bintana ko. dahil nakakaramdam ako ngayon ng ilang sa paraan ng pag sulyap niya sa akin.

pero bigla akong nagtaka ng bigla niyang ihinto ang sasakyan sa gilid ng kalsada, kaya naman tumingin ako sa kanya ng nagtataka.

Sky! -seryosong saad niya.

bakit? -tanong ko sa kanya at bahagyang umiiyas sa tingin niyang malungkot sa akin.

Sky! pwede ba nating buoin ulit ang pami__ hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya dahil alam ko na.

kaya naman tumingin ako sa kanya ng masama.

Payton! ayos ng maging kahati mo ako sa mga anak atin, pero hindi na kita pinapayagang makihati sa puso ko, tama na yung sakit na idinulot mo sakin noon ng sobra sobra na halos ikamatay ko na, at ayaw ko ng maulit yun, dahil hindi ko na alam kung saan pa ako pupulutin kung mangyayare ulit lahat ng yun. -saad ko at saka binuksan ang lock ng kotse para bumaba.

pero akmang baba pa lang sana ako ng bigla niya akong niyakap patalikod, kaya naman bigla kumabog ng napakabilis ang puso ko sa di ma lamang dahilan.

Please babe! just give me one more chance, promise papatunayan ko sayo na hindi totoo ang lahat ng nangyare dati, at nagbago na ako! -humihikbing sabi niya habang nakasubsob sa leeg ko at nararamdaman ko na din ang pamamasa ng leeg ko dahil sa luhang tumutulo don galing sa kanya.

kaya naman nakaramdam ako ng bahagyang awa sa kanya, siguro nga may pagmamahal parin akong natitira sa kanya, pero mas nangingibabaw parin ang galit ko.

huminga muna ako ng malalim at saka pilit tinatanggal ang pagkakayakap niya sa sa bewang ko,  pero hindi ko ito matanggal bagkus ay mas humigpit pa ito na halos ayaw na ako pakawalan.

Payton! tanggalin mo ang pagkakayakap mo hindi ako makahinga! -dahilan ko sa kanya kaya naman unti unti niyang tinanggal ito at saka ako pinaharap sa kanya at hinawakan magkabila ang pisnge ko.

at saka tumitigtig sa mga mata ko, kaya naman hindi ko mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko para bang inaanyayahan ako ng mata niya na halikan ko ang mapupula niyang labi.

I still won't give up babe, because I Still love you! -saad niya habang patuloy paring tumutulo ang masasaganang  luha niya, kaya naman bahagya akong natulala at inisip kung sensiridad ba yun o sadyang paawa lang.

kaya naman nakita ko ng unti unting lumalapit ang mukha niya sa akin, na siyang biglang ikinapikit ng mga mata ko, dahil yun ang sinasabi ng mga mata niyang nagmamakaawang nakatingin sa akin.

mga ilang segundo pa ay nadama ko na ang malambot na bagay na lumapat sa aking labi, at ang halik na ito. ay naging agresibo na ng mga ilang sandali pa. ngunit hindi parin ako tumutugon sa kanya, pero ramdam kong malapit na akong madala sa halik niyang to.

kaya naman sa aking pagpikit ay  may biglang pumasok sa utak ko, na mga ala-ala at ang pangyayareng yun ay ang dalawang taong nakahubad na nakahiga sa isang kama.

kaya naman napamulat ako sa pagkakapikit at biglang naitulak ng malakas si Payton paalis sa pagkakahalik sa akin.

patawad! pero hindi ko kaya! -saad ko at saka daling bumaba ng sasakyan niya, at tumakbo papalayo sa kanya, na nakita ko pang nakasunod siya sa akin.

kaya naman ng may nakita akong taxi na papadaan ay agad ko itong pinara at sumasakay.

Please Babe! bumaba ka jan parang awa muna, bigyan mo naman ako ng pagkakataong magpaliwanag sayo, dahil sawang sawa na akong maiwan ulit! -hinanakit na sabi niya habang hinahabol at kinakatok ang bintana ng taxi na sinasakyan ko.

pero hindi ko ito pinansin at nakatingin lang akong deretso sa harapan ng taxi, dahil baka sa pag harap ko ulit sa kanya, ay hindi na kayanin ng puso ko at unti unti ng bumalik ang puso ng Jailee noon na madaling bumigay at rumupok.

Paki bilisan manong sa PV Clothing Company po tayo! -saad ko sa driver kaya naman tumango ito at binilisan ang pagpapatakbo na nakatingin pa sa gilid ng side mirror niya, na may awa ang mukha na nakatingin kay payton na nakaupo sa gitna ng kalsada habang umiiyak papalayo sa amin.

at sa paglayo na yun  ay unti unti ng bumagsak ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan, ang luhang puno ng awa, at luhang puno ng galit sa kanya.

akala ko handa na ako na akong harapin siya at ipakitang hindi na ako nasasaktan pero mukhang mali pala ako.






Masakit padin pala ang lahat! -bulong ko.




————————————————————————
may Online Class na tomorla goshhh! 😪

Please don't forget to Vote!!
Ciao!!!

✔️DMS2: BABYSITTING THE HOT BILLIONAIRE's SON (•BxB•)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon