BILLIONAIRE's 17

14.2K 634 65
                                    

SKY MONTEZARIO POV
<Real name ni Jailee>

Welcome back my Babe! -nakangising sabi niya. kaya naman bigla akong kinabahan sa itsura niyang parang baliw na nakatingin sa akin ngayon.

kaya naman biglang rumihistro sa utak ko ang PV clothing company na baka ang ibig sabihin ng "PV" ay Payton Villamore.

shit! bakit ngayon ko lang napagtanto, na siya pala ang may ari netong kompanya na to. kaya naman sumulyap ako kay owel sa likod ko at nakita ko itong nakangiti sa akin na akala mong kilig na kilig, pero pinagtaasan ko lang siya ng kilay.

Payter! bitawan mo muna ang mommy mo at may gagawin muna ako sa kanya! -makahulugang sabi niya habang nakangising nakatingin sa akin.

ayoko dito lang si mommy sa akin! baka lumayas na naman siya pag may ginawa ka sa kanya! -nakangusong sabi ni payter saka mas lalong hinigpitan niya ang pagkakayap sa leeg ko.

Payter! I said let go of your mom! wag ng matigas ang ulo mo! -galit na sigaw niya, kaya naman nag echo ang boses niya sa lakas ng sigaw niya.

kaya naman ilang saglit pa ay bumitaw na si payter na nakanguso sa pagkakayakap sa akin na ikinatayo ko din sa pagkakaupo.

tskkkk. baliw pa nga talaga si Daddy! dapat malaman to nila lolo! -rinig kong bulong ni payter kaya naman kumunot ang noo ko.

at sumulyap ako kay ulit ako payton at siya naman ang unti unting pagkabuhay ng kaba at galit ko sa kanya.

malaki na rin pala ang ipinanagbago ng hayop na to! may lalo siyang naging gwapo ngayon at mas lalong lumaki ang katawan niya na pag sinuntok ka niya ay siguradong madudurog ang mga buto mo.

pero hindi pa sin mag babago don ang sakit na idinulot niya sa akin noon.

at alam kung hindi parin ako handang makita siya dahil kahit papaano ay may konting karupukan pa din akong nararamdaman hanggang ngayon na siyang hindi mawala wala.

lintik! din naman kasi si tadhan eh!

kaya naman sa sobrang kaba ko ngayon ay sumulyap ako kay owel para ayaing umalis sa lugar na ito. dahil parang hindi ko pa yata kayang  makita ang manlolokong to.

dahil parang yung ipinangako kung salita noong umalis ako, na hindi na ako ulit iiyak pagnakita siya, ay parang bigla kong nakalimutan ngayon.

owel! tara na mukhang iba yata ang kompanyang na puntahan natin! -saad ko sa kanya at unti unti tumalikod sa lalaking minahal ko noon at hindi ko alam kung hanggang ngayon din.

at sa paglalakad kong palayo sa kanya ay siya naman ang unti unting pagbagsak ng mga luhang kanina ko pa pinipigilan.

kailangan kong maging matapang, para hindi na ako masaktan pa ulit, dahil baka pag nangyare ulit yun baka hindi ko na alam kung saang lugar pa ako magpapaka layo layo para makalimot ulit.

Lalaki lang yan sky! maganda ka! -saad sa sarili ko.

kaya naman pinunasan ko na ang luha ko at ngumiti ng mapait habang naglalakad papalabas at nakita ko pa ang ibang empleyado na parang naawa sa akin pero nginitian ko lang sila.

akmang itutulak ko na sana ang glass door ng bigla akong umangat pa itaas. kaya naman biglang nagtaasan ang dugo ko sa mukha.

Your trying to escape me again huh! -galit na saad ng bumuhat sa akin na parang sako ng bigas kaya naman bigla akong kinabahan dahil boses ni payton ang nagsalita.

Fuck you! Ano ba Mr. Villamore ibaba mo ako uuwi na ako! -galit na sabi ko habang nagpupumiglas sa kanya pero hindi niya ako pinagsin bagkus ay pinisil niya ang pwet ko. habang naglalakad siya papunta sa elevator at naririnig ko pang sumisigaw si Payter na tinatawag ako.

✔️DMS2: BABYSITTING THE HOT BILLIONAIRE's SON (•BxB•)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon