BILLIONAIRE's 27

14.3K 562 67
                                    


•SKY MONTEZARIO•

habang pababa kami ng hagdan ni Payton ay dinig namin ang pagkakagulo sa baba kaya naman napakunot ang noo ko at bahagyang nakadama ng kaba sa dibdib ko.

Sir! si 1st Young Master po nasa labas hawak hawak ng babaeng baliw. -hingal na hingal na sabi ng isang nakaitim na lalaki sa amin kaya naman sa gulat naming dalawa ay bigla kaming napatakbo palabas ng mansyon kahit na kumikirot pa ang likod ko.

nasa lubong pa namin sila Payden at Jaiden na hawak hawak ng dalawang tauhan ni Payton na umiiyak at nagwawala habang nagpupumiglas.

anong nangyayare dito? -mautoridad na sabi ni payton sa lahat ng makalabas na kami.

oww andito na pala ang hinihintay ko. -biglang sabat ng kilalang kilala kong tao at ang tao ito ay walang iba kundi si Diana na siyang sumira sa pamilyang pinapangarap ko.

kaya naman sa pagsalubong ng tingin ko sa kanya ay kita ko na agad ang mukha niyang nakangisi sa amin habang nakatutok ang kutsilyong hawak-hawak niya sa anak naming si Payter at kita ko din ang nakahigang madungis na maputing batang lalaki sa kalsada na wala ng malay.

kaya naman takot at kaba na ang nararamdaman ko ngayon dahil sa nakikita ko dahil base sa nakikita ko ay mukhang na baliw siya dahil sa itsura niya na parang pulubi dahil sa magulo niyang buhok na halatang hindi na naliligo, dahil sa sirasirang damit na suot niya, kita din ang sobrang payat nito di tulad na dati na maganda ang hubog ng katawan niya, at dagdag pa sa nangingitim na mata niya na mukhang hindi na natutulog.

masasabi kong malaki ang nagbago sa kanya, hindi na siya yung dating Dianang ubod ng ganda. dahil sa ngayon siya na ang dianang pinaglipasan ng panahon.

hindi ko alam kung maaawa ba ako sa kalagayan niya o matatawa dahil sa nangyare, ngayon sa kanya, pero alam ko ito na ang karma sa buhay niya dahil sa paninira niya.

alam kong nagmahal lang siya kaso hindi lang siya minahal ng pabalik kaya niya nagawa ang lahat ng yun.

kaya naman tumungo ang tingin ko sa anak naming si Payter na blanko lang ang itsura nito na nakakuyom ang mga kamay habang nakatingin sa batang nakahiga sa kalsada.

pero bakas sa mga mata niya ay punong puno ng galit, pagaalala at may nakikita din akong bahagyang kinang sa mga yun.

Diana bitawan mo ang anak ko. -madiing utos na sabi ni Payton sa kanya.

hahahaha pano kung ayaw ko, at pano kung patayin ko kaya siya sa harapan niyong dalawa hahahha -natutuwang sabi niya bahagyang pang iginagalaw ang hawak niyang patalim sa leeg ng anak namin, kaya naman bahagya akong napapakapit ng mahigpit sa braso ni payton dahil para akong kinakapos sa paghinga at sabay non ay ang pagtulo ng luha ko dahil sa takot na nararamdaman ko ngayon habang nakatingin sa ginagawa niya.

you witch! -madiing saad ng anak namin at bigla niyang kinagat ang kamay ni diana kaya nabitawan niya ang kutsilyong hawak niya at saka niya binigyan ng malakas ng sipa sa tiyan kaya naman napaluhod ito at dali dali siyang pumunta sa bata, at bahagya niyang niyuyugyog ang bata para gumising ito kita ko din ang bakas ng dugo sa noo ng bata.

pero mas nagulat ako ng biglang kinuha ni diana at kutsilyo sa malapit sa kanya at unti unting tumayo kaya naman akma sana akong tatakbo sa papunta sa anak namin ng biglang humawak ng mahigpit sa kamay ko si payton upang pigilan ako.

kita ko na ang bahagyang paghakbang niya na galit na galit na papunta sa anak namin kaya naman parang unti unti ng bumagal ang oras ng itaas niya na ang kutsilyong hawak niya upang saksakin ang anak namin patalikod.

Wagggggggg! -sigaw ko habang nakapikit, pero kasabay din ng pagsigaw ko at ang isang putok ng baril.

banggggg!!!

✔️DMS2: BABYSITTING THE HOT BILLIONAIRE's SON (•BxB•)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon