Beginning

115 14 9
                                    


"I'm sorry Cassandra, I know I'm such a stupid but I can't do this anymore. You're too good for me."  biglang sambit ng lalakeng tila kaharap ko ngayon.

Napaka pamilyar ng kanyang boses. Ngunit hindi ko maanino ang kanyang maamong mukha dahil sa mga luhang patuloy kong pinupunas sa aking mga mata.

"Val! For the nth time?! Why are you doing this to me? Am I really not enough? Wala bang way para maayos natin to?" patuloy kong sabi habang umaagos ang mga luha.

Bakit nga ba ako nagmamakaawa sa lalakeng ito? Bakit ba patuloy ko paring minamahal ang taong hindi naman makita ang totoong halaga ko?

Kulang na nga lang bigyan ako ng award sa pagiging 'best actress' ko. Bigay na bigay ako sa drama kong to. Para akong sinasaksak ng kutsilyong punong-puno ng masasakit na salita.

"Can't you see, Cassandra? Ayoko na kitang masaktan. Please let me go, please?"

Sabay ng pagluhod nya ay siya ring pagpatak ng napakalakas na ulan.

Bakit ansakit na gustong kumawala ng taong pinakamamahal ko?

Seeing him, pleading to me to let him go really sucks. I just wanna throw my heart away and feel numb!

I have so many 'why's' na hindi man lang masagot sagot.

Yung gusto kong isabog sa kanya lahat ng mga tanong na ito

Val, nakakasakal na ba ako? Nakakasawa na ba ako? Saan ba ako nagkulang? May iba na ba?

Pero ni hindi ko man lang kayang ilabas ang mga iyon sa bibig ko. I'm just standing in front of him as if I'm a tree. Na kunting-kunti na lang bibigay na ako sa mga endless pains na ito.

"Bakit mo ba pinipilit na pakawalan kita?" Iyon na lamang ang nakayang itanong ng aking sarili.

"Because I don't deserve you, Cassandra. And you don't deserve a jerk like me"

Deserve?! Tangenang salita naman iyan! Apakabigat! Apakabigat tanggapin na di namin deserve ang isa't isa.

Sa dalawang taon, hindi lang pala namin deserve ang isa't isa?

Hindi ako makagalaw. Tila gusto ko na lang manahimik at tanging mga hikbi ang naririnig.

Basang-basa na nga kami eh. Halos pinagtitinginan na kami ng tao.

Yung iba pa nga kinikilig, tangena ano to proposal? Porket nakaluhod tong gago? Di sana ganun na lang set-up eh. Ket magbagyo pa okay na okay sakin. Cause I know in the end, I still have him and he has me.

But it wasn't!

He hugged me for the last time and whisper some words before he leaves.

"I love you, Cassandra. I'm sorry but I can no longer see myself being with you."

There he goes. Walking away from me. Leaving me, HANGING.

Please lupa! Lamunin mo na lang ako. For the second time, pinagtitinginan na ako ng mga tao. Nakatayong magisa sa umaagos na ulan na parang tanga. Yes, I'm all alone now!

No more Valiero Philip in Cassandra's life! Finally over, indeed.

•••

"WAKE UP CASSANDRA! For pete's sake, dalaga ka na pero hindi mo pa rin kayang magising sa own alarm clock mo!"

Naalimpungatan ako at dali-daling bumangon sa higaan ko. Rinig ang mga sigaw at katok ni kuya na kulang na lang eh bobombahan tong pinto ko.

Napa face palm na lang ako.

Shit! Shit! Shit! For the nth time talaga, Cassandra! Papasok ka na namang late. Ang talino mo talaga. Maga'alarm ka na nga lang di ka parin magising-gising.

And then I felt weird.

Kinapa ko ang magkabilang pisngi ko and here it goes again.

Again and again.

I feel fluids on my cheeks. After what happened. After my heart got broken terribly. I'm still having dreams of how Valiero broke up with me.

Endless night na napapanaginipan ko. At gigising na may luha sa mga mata ko.

Gosh, Sandra! Ayus-ayusin mo sarili mo ha! Pag nakita ka na naman ni kuya na maga tong mga mata mo baka naku, kaldero na talaga ihahampas sa ulo ko ng maalog-alog naman.

But don't get me wrong.

It's not because I still love him. It's because the pain still wounds me. A damage I don't know if I can still fix it. Or maybe, I can no longer fix it.

•••

Author's Note:

Characters, settings and events in this story are all fictional. It may and may not be connected to the author's personal life and experiences. Please, do not plagiarize nor copy without my permission. Do not forget to vote if you like the story and leave some comments, I'd love to read them all. Please do wait for more following chapters, keep updated! No hate, thank you!

Unspoken TruthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon