Kabanata 6

18 3 0
                                    


Romeo Montecillo

Mabilis lang ang paglipas ng panahon. Kunting-kunti na lang ay palapit at palapit na ang graduation. Ni hindi pa ako nakapagdesisiyon kung susunod ba ako agad sa States o hindi.

Buti na nga lang walang Valiero na nagpaparamdam. Until now, hindi pa rin mawala sa isip ko ang mga sinabi niya.

That a*sh*ole. Isa siyang sakit sa ulo.

Buti na lang at may pinuntahan si mama na birthday party para naman solo ko tong bahay. Habang nanunuod ng teleserye ay naramdaman kong nagvibrate ang phone ko.


Violet calling ...

Bat napatawag tong si Viy ng gantong oras, its only 6:00 am in the morning. I answered her call.

"Viy napatawag ka, may pro-

"Hoy Romeo! Ano bang ginagawa mo ngayon? It's Sandra's birthday today! Naging makakalimutin ka na rin ba?" inis pa niyang sabi sa kabilang linya.

Shoot! Agad-agad akong napabalikwas ng upo at tumungo sa kusina kung saan may kalendaryo and f*ck! Its January 15!

Binilugan ko pa tong date na to para di ko makalimutan na birthday nga pala ni Sandra tapos ni hindi ko man lang natignan to.

"Hoy Romeo? Romeo? Hala nawala bigla tong ugok na to ah!" rinig ko ang boses ni Violet na kanina pa nagsisisigaw.

Okay, nakalimutan ko nga palang nasa kabilang linya pa siya.

"Sorry, sorry. Shit. Hindi ko na kasi namalayan na ngayon na pala yon." pagpapaliwanag ko.

"No need for your explanation. Kung gusto mong mapalapit talaga sa kaibigan ko why don't you surprise her? Tamang-tama at aayain ko si Sandra na lumabas so may oras ka pang magprepare" ani ni Viy.

Hindi talaga ako makapaniwalang tinutulongan niya akong mapalapit kay Sandra. How lucky I am right now.

"So anong plano?" pagtatanong ko na halatang nagmamadali tong kausap ko.

"Bat ako tinatanong mo? Malay ko ba! Ikaw ang magplano, imessage mo na lang ako or si Sandra kung saan sya pupunta pagtapos namin magmall. Better make an excuse para maniwala siya sa message mo "

Saktong-sakto at may naisip akong plano. Why don't Sandra and I have a dinner? Close ngayon ang cafe nina Ralph kaya baka pwedeng don kami.

"Oh sya, itetext ko lang kung okay na at saan ang venue. Libangin mo muna si Sandra"

I got excited suddenly. Maybe this is the time. If Valiero will do anything to have Sandra back, then so do I. Hindi ko alam ang binabalak niya pero uunahan ko na siya.

I end the call. And then quickly text Ralph kung pwede bang doon ko isurprise si Sandra. After all magkaibigan naman din sina Sandra at Ralph. Luckily, nagreply siya agad at sinabing pwede raw dahil may pinuntahan sila ng parents niya. Pakiusapan ko na lang daw ang mga staff niya para matulongan ako sa preparation.







I went to the near cake shop. Bought a red velvet flavored cake since iyon ang paborito ni Sandra. Bumili na rin ako ng bulaklak at mga party decorations na ikakabit don sa cafe.




I really feel nervous. Hindi dahil sa isusurprise ko siya but I'm afraid na hindi siya pumunta since alam kong iniiwasan niya ako.



Habang namimili hindi ko parin maiwasang mangamba na baka hindi talaga pumunta si Sandra. Kaya naisipan kong itext siya mamaya saying na I have a family problem. I know pupunta siya, ever since naging magkaibigan kami tuwing family problem ang usapan, hinding-hindi siya papayag na hindi ako macomfort.

Unspoken TruthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon