Cassandra RamirezIsang linggo na ang nakalipas mula nong iwan ko ulit si Romeo sa daan habang nabubuhos ang malakas na ulan. Hindi pa rin maalis sa isip ko ang lahat ng mga sinabi nito.
Yung sinasabi niyang mahal pa rin ako ni Valiero? That must be insane. Pero yung magmakaawa siya para mahalin ko ay tila napakagulo kung pagdedesisyonan ko.
I know this heart could still be fixed but there's something that stops me from curing it.
And I don't know why.
Matapos ang pangyayaring iyon lagi na lang ako natutulala habang dumadaan pa din sa isip ko si Romeo.
"Sandra? Nakatulala ka na naman diyan. Tignan mo nga yang pagkain mo lumalamig nila" saka lang ako nakabalik mula sa pagkakatulala ng kausapin ako ni Viy.
"Ha? Ano nga yun?" yun na lamang naisagot ko.
"Hay! Ewan ko ba sayo Sandra. Inaaya aya mo pa akong kumain dito sa Cafeteria eh ni hindi mo man lang nagalaw yang pagkain mo. Thirty minutes ka ng nakatulala, lutang ka gurl?" pang-aasar na naman niya.
Imbes na maasar ako ay napatahimik na lang ako.
"Ay himala, hindi naasar ang isang Cassandra Ramirez na pikonin" napa 'psh' na lang ako.
Kainis naman kasi tong Romeo. Pati ba naman sa isip ko ayaw ako tantanan.
"Alam mo simula nong sinurprise ka ni Romeo nong Birthday mo ay nagkaganyan ka na. Umamin ka nga, kayo na ba?" sabay ngiti ng pagkalawak.
Binatukan ko na lamang siya. Kung ano-ano pinagiisip nito atsaka hindi ko na sinabi sakanya kung ano talagang nangyari, alam mo naman bunganga nitong kaibigan ko.
"Hala besh!" bigla akong napatingin sakanya na ngayon takip-takip ang bunganga niya.
"Ano nga Viy? Nakakabigla ka naman"
"Sandra wag mo sabihing bat ka nagkakaganyan ay may nangyari sai--
Isang malutong na kurot ang binigay ko sa napakagreen-minded kong kaibigan.
"ARAY! Sandra naman napakasadista mo kahit kailan" sabi niya na para bang ilang segundo ay iiyak na.
"Sige ituloy mo pa yang mga assumptions mo at tatamaan ka saakin. Walang kami at mas walang anong kabastosan yang sinasabi mo. Wala, as in w-a-la! Gaga ka" inis kong sabi.
Hindi ko alam na may sayad din pala sa utak tong kaibigan ko. Kulang-kulang na ata to sa bitamina kaya kung ano-ano na lang ang naiisip.
"Charot lang naman kasi yun. Ito naman napakadefensive. But speaking of Romeo, isang linggo ko na siyang di nakikita sa campus ah. Sa tingin mo bat di kaya napasok yun?" pagtatanong ni Viy.
Muli na naman akong nakonsensya dahil don sa nangyare. Viy is right. 1 week na walang presence ni Romeo.
There's part of me na namiss siya. Na parang hinahanap-hanap ko kung may Romeo Montecillo na biglang susulpot, manggugulo at mangungulit. But there's-- wait, what?!
Gosh, Cassandra ano na naman itong pinagiisip ko. Don't tell me you're falling again.
No.
No.
And it can't be. Nakokonsensya ka lang kasi iniwanan mo siyang nagiisa habang umuulan. Yun lang yun!
BINABASA MO ANG
Unspoken Truth
Teen FictionPS: COMPLETED "No damage that cannot be fixed, just hold onto me and I'll save you. Please, can't you just love me back for once?" - Romeo "How can I love someone when my heart feels nothing at all? I have fallen out of love now. You can save me but...