Ilang linggo na ba ang lumipas? Napakabusy ng Horizon Academy, paano ba naman eh may inter-school competition na magaganap ngayon.As in, ngayon na talaga. Ang init-init nga dito sa school gymnasium.
Kainis na Viy to hinila hila ako dito para lang manuod ng basketball. Kung saan madaming gwapo gusto niya talagang andon sya, sinama-sama pa ako sa kalokohan.
"Ano ba to Sandra, pagkatagal-tagal magsimula nong laro. Nagugutom na tuloy ako."
Aba, siya pa may ganang magreklamo eh sya nga tong nanghila. Okay na nga ako don sa cafeteria atleast may aircon.
"Bat ka nagda'drama jan? Ikaw nga tong kinaladkad ako dito sa gym para lang manuod ng laro!" landi landi ng bruha na to.
"Chill ka lang beh, pwede? Haha. Rinig ko player daw sina Romeo tsaka Ralph against Royal High Academy."
Speaking of Ralph Marquez, kaklase sya ni Romeo at barkada din ni Val. Isa rin yan sa iniiwasan ko, hays!
"Hindi mo ba iche-cheer si Romeo?" pang-aasar niya.
"Gaga! Hindi naman ako interesado manuod ano."
Ayan na naman siya sa Romeo na yan. Rinding-rindi na nga ako eh. Simula nong nasa guidance ako at pati na rin sa mga tweets niya, heto ako ngayon panay inaasar ni Viy. Ewan ko nga ba bat ko pa kasi kinuwento yung mga pinaggagawa sakin ni Romeo.
Ewan ko ba kung martyr sya o desperado.
"Sandra? Violet? Pwede makiupo sa inyo?" Napalingon ako sa babaeng nagsalita.
"Oo naman, sure. Take a seat, Tory." ani ni Viy kay Tory na kaklase namin.
Victoria Salazar. Isa sa mga pinag-aagawan ng mga kalalakehan dito.
Mukha pa lang, angganda na. Akala mo eh siya na tong pinaulanan ng kagandahan. But don't worry, I'm not that insecure with her. She's the famous here pano ba naman, member siya ng theater club, cheerleading, at pag may pageant competition siya palaging pambato.
Yun nga lang, beauty without brain. Ops! Hindi ako judgemental, I'm just frank actually.
Rumors na madami na syang dinidate na guys sa school. But yeah, I dont believe in rumors unless I've seen it by my both eyes.
"Btw, Sandra? Kamusta na kayo ni Val?"
Ha? Hakdog?
"V-Val?" tanong ko na para akong nagulat. Sa lahat ba naman ng itatanong ay iyan pa.
Napatahimik na lang ako.
"Ano ba Tory. Alam mo namang matagal na silang wala. Besides, Sandra doesn't care about it anymore." tugon ni Viy.
"I'm sorry Sandra." with paawa face pa. Tatadtarin ko kaya tong bruha na to. Kala mo naman ikinaganda pag pout expression niya.
Bakit ba pagdating sa usapang Val, umuurong tong dila ko? Tangena. At isa pa ha! Val daw? Kailan pa sila close? Ni dati nga Philip yung tawag nya sakanya.
"It's okay Viy, I've already moved on." saying it to her with a sarcastic tone.
"Edi sana di ko na lang pinaupo dito yang gagang yan" bulong ni Viy sakin.
I just gave her a 'just-shut-up-look'. At hindi na nga umimik.
Nagsimula na nga ang laro. Ang maingay na gym ay mas lalong umingay dahil sa mainit na laro. Viy is right, player nga ng school namin sina Romeo.
But what shocked me is that sa Royal High andon si-
"Don't you know Sandra? Kalaban ng school natin ang team nina Valiero."
BINABASA MO ANG
Unspoken Truth
Teen FictionPS: COMPLETED "No damage that cannot be fixed, just hold onto me and I'll save you. Please, can't you just love me back for once?" - Romeo "How can I love someone when my heart feels nothing at all? I have fallen out of love now. You can save me but...