After weeks had passed, finally! Prelims are over. Hindi naman porket nangunguna ako eh hindi ko na kailangan mag-aral. I'm always a good student and I'll always be.Charot lang.
"Sandra? Bat wala ang kuya mo? Hays, pinapupunta mo pa ako dito wala naman eh." loko tong babaeng to.
Nagreklamo pa siya eh siya tong kagabi pa ako di pinatulog kakapilit na magovernight dito sa bahay.
"Viy, tigil-tigilan mo ako ha. May research sina kuya kaya don matutulog sa barkada niya. Isa pa, sino ba tong namilit? Ako ba? AKO BA?" pagdiin ko.
"Fine. Fine. Ako naman eh, I was just hoping to see Kuya Curt here." tignan mo to puro paglalandi inaatupag. Masapuk nga to ng kaldero baka siya ata kailangan maalog ang utak.
Yes. Magoovernight po ang isang napakadaldal na Violet sa bahay ng mga Ramirez. Buti na nga lang nasa business trip pa sina mama at papa.
"Super stress ako sa exams besh. Bat ba kasi ayaw mo ko turuan don sa Math lessons natin, kaibigan ka ba talaga? Hahaha" isa pang pagmamaktol niya.
Ako? Ako pa talaga tong di makatarungan na kaibigan? Sucks.
"Excuse me, Ms. Violet Guererro? Tinuturuan PO kita kaso puro Curt Ramirez nasa utak mo. Do you think kuya will like you? His ideal is somewhat brainy ladies." ani ko.
"Aray! Hindi naman ako bobo. Sayo pa talaga nanggaling yan na mismong kaibigan ko." sabay irap ng gaga.
"Nakaganti na rin sa lahat." I smirked.
We're watching some kdrama, of course si Viy may gusto nito. When suddenly someone knocked the door.
"Viy, buksan mo yung pinto."
"Ay sandra, bahay ko ba ito? Bisita ako dito." sabay umupo na parang bisitang-bisita ang dating.
Pete's sake! Bakit ko ba to naging kaibigan in the first place? Can I just put some tape on her mouth?
"Baka naman kasi 'bweseta'?" sabay irap ko at binuksan na nga ang pinto.
"Good evening maam. Maam Sandra Ramirez po?" eh? Mukha naman tong delivery guy tas may hawak na pizza. Kailan pa kami nagorder? Eh apakakuripot ng kaibigan ko.
"Yes, ako nga yon." ani ko.
"Delivery po, maam. Here's your order." Sabay abot ng isang box ng pizza.
"I think you're mistaken kuya, we haven't order any pizza. Baka wrong address po kayo."
"No maam. This order is intended for you, and you're Maam Sandra Ramirez po diba?"
Kuya! Maka-maam ka naman, feeling teacher tuloy ako. Potek!
"Hoy besh bat antagal mo. Ano ba- ay teka? Nagorder ka ba ng pizza?" tanong niya sabay iling ko showing na I didn't.
"Dont worry maam, may nagbayad na po ito and Sir said na dito ko po idedeliver yung order."
Sir? Sir? Sir? S I R? SIR! Sinong Sir to? At gabi na eh ay nag-abala pang mamigay ng pizza.
But in the end, tinanggap na po namin yung order. Sempre, sayang. Wag po tanggihan ang grasya mamsh! Hahaha
Pagbukas ko don sa box ng pizza ay may nalaglag na parang note, ay may nakaipit pala. And then I feel something weird again base on the note. Tas printed pa talaga ha, oh yaman ni kuya kung sino man sya.
Sandra,
Your eyes are sparkling
I always want to see those shining,
Notice my gaze,
Cause my heart is always in blaze.
BINABASA MO ANG
Unspoken Truth
Teen FictionPS: COMPLETED "No damage that cannot be fixed, just hold onto me and I'll save you. Please, can't you just love me back for once?" - Romeo "How can I love someone when my heart feels nothing at all? I have fallen out of love now. You can save me but...