Kabanata 10

30 2 0
                                    

Romeo Montecillo


"Anak kanina ka pa nababalisa ah, ano ka ba malapit ng mag alas-syete at makikita mo na rin siya" sabi ni mama na parang kanina pa nahilo sa kakalakad ko.

Natatakot lang kasi. Paano kung biglang di na naman siya pumunta? Paano kung sa huli hindi rin pala niya ako mahal?

Pero mas tinatagan ko ang loob ko. Kung hindi man niya ako piliin atleast wala akong pagsisisihan kung marereject na naman ako ulit.

Kanina pa ako tingin ng tingin sa relo ko. Kinakabahan. Dala dala ang isang regalo na dapat sana'y iaabot ko kaninang ceremony sakanya. Habang naghihintay sa may sala ay narinig ko ang nabasag na baso at dali-dali kong pinuntahan si mama sa kusina.


Dali kong kinuha ang walis upang linisin ang bubog ng nabasag na pinggan.


"Naku anak, pasensya na bigla ko kasing nabitawan eh" paliwanag ni mama

"Ma, naman okay lang iyon importante hindi kayo nasaktan sige na po at ako na ang maglilinis dito" agad ko namang winalis ang mga naiwang piraso at baka makasugat pa ito.

Tinignan ko uli ang relo ko at limang minuto na lang ay magaalas-syete na. Muli kong tinignan ang aking sarili sa salamin para makita kong presentable na ba ako.

"Napakagwapo talaga ng anak ko." biglang tabi ni mama at inayos ang collar ng polo ko.

"Alam kong mahal ka ni Sandra kaya magtiwala ka lang. Dadating iyon, ikaw pa ba?" pagbibiro niya. Natawa na lamang ako.


Sana dumating siya.





At sana ako ang piliin niya.





Bago ako umalis ay aking hinalikan sa pisngi si mama. Kitang kita ko ang ngiti sa kanyang mukha, nagpapakitang sobrang saya niya.


"Anak balik ka agad ha? Balitaan mo ako pag kayo na ni Sandra" pagbibiro naman niya.

"Si mama naman kung makapagsalita parang hindi na tayo magkikita" tugon ko sabay yakap sakanya.

"Hindi sa ganun Romeo. Masaya lang ako at pinaglalaban mo ang pagmamahal mo para kay Sandra. I know na deserve niyo ang isa't isa. Oh sya, sige na at baka malate ka pa sa lakad mo" at tuloyan na akong lumabas ng bahay upang tumungo sa park kung saan kami magkikita.


Sobrang saya ko. Alam kong hindi ko alam kung ano man ang mangyayari pero sa kahuli-huling hininga ko ay masasabi ko pa din kay Sandra kung gaano ko siya kamahal.


Alas-syete na ng gabi.



Naupo ako sa isa sa mga bench sa park na parati namin nong inuupuan ni Sandra upang hintayin ang babaeng gusto ko ng makita. I hope you'll come Sandra.


Limang minuto na ang nakalipas. Its 7:05 already but no signs of a Cassandra Ramirez.

I started to feel the cold breeze. Sana pala nagdala ako ng jacket.

Another 5 minutes has passed but still Sandra's presence is not seen.

Unti-unti na ring nagsisialisan ang mga taong nakatambay rin sa park. My heart suddenly felt anxious. Hindi ko alam pero parang bat ako kinakabahan?

Usually paniniwala natin, pag may nabasag, a bad luck would come. But I just shook my head.

No time to think negativities, bad luck or what. What's important ay dumating si Sandra.

Unspoken TruthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon