Kabanata 9

22 3 0
                                    

Romeo Montecillo

"Anak kung andito lang ang papa mo siguradong proud na proud siya sayo." sabi ni mama ng nakangiti ng malawak.

Ngiti ng isang magulang dahil nakapagtapos ng high school ang kanyang anak. I know na ang isang diploma ang siyang natatanging kabayaran para sa mga magulang natin behind all their sacrifices. And I feel happy because I am somewhere near my dreams.

And if you're asking about Cassandra? After ng trip hindi ko na siya ginulo pa. Hindi ko na pinilit ang lahat.

I know I'm already tired. And napagdesisyunan ko na rin sumunod agad sa America kami ni mama.

Natapos ang Ceremony at kanya-kanyang pagkuha ng mga litrato. Andaming nakangiti, masaya, nagtatawanan at nagiiyakan. I know na hindi kadaling mahiwalay sa mga taong nakasama mo ng ilang taon sa High School.

Isa na don si Cassandra. I will never forget the day I met her. Tanaw ko sa may di kalayuan malapit sa Stage sina Sandra at ang pamilya niya. Nakangiti siya tulad ng mga ngiting gusto kong nakikita sakanya.

Habang nakatitig ako sakanya ay bigla siyang napatingin sa direksyon ko.

Ang kaninang napakangiti nyang mukha ay siyang napalitan ng lungkot nong makita ako. Agad niyang iniwas ang tingin sabay punta kay Violet.

They have been friends for years, so do us, Cassandra. Ang kaibahan lang, I broke the friendship that we have.

"Anak hindi ka ba makikipagpicture kay Cassandra? Mukhang hinihintay ka niya"

Wala na akong choice dahil mapilit si mama kaya nakipagpicture na lang din ako pero kasama si Violet. Habang kinukuhanan kami ng litrato ay di ko pa rin maiwasang mapasulyap sa kaniya.

Pero hanggang doon na lang yun. Cause I know that once I arrive to America, everything will change like they used to be.

Titig na titig pa din sakin ang Kuya niya na para bang binabantayan ang bawat galaw ko. I know minsan na akong kinausap ni Curt about me, staying away to her sister. Kaya naman gusto ko lang tuparin ang napagusapan namin.

Matapos non ay kanya-kanya na kaming nagsiuwian. Ni hindi ko man lang siya nacongratulate. Nagpahanda naman si mama sa bahay at andaming bisita na mga kamag-anak namin.

"Naku Daisy, ito na ba si Romeo? Abay napakagwapo na ng binata mo" tugon ni Tita Rose na nakakatandang kapatid ni mama.

Ngumiti na lang ako. Nakipagtawanan sakanila pero sa loob loob ko I'm slowly breaking into pieces. Napagpasyahan kong pumunta na muna sa kwarto dahil mukhang nawawalan ako ng gana magentertain ng bisita when I should be the one who is supposed to be the happiest guy today. Hindi ganun kadali ang pinagdaanan sa High School. Sari-saring emotion. Halo-halong experiences.

I opened my gallery at tinignan isa-isa ang mga litrato namin ni Cassandra. Simula nong araw na naging magkaibigan kami hanggang ngayon na alam kong magkakahiwalay kami.

Didn't notice na tumutulo na pala ang luha ko.

Is it really best for me to just go America without saying goodbye to her? Or should I wait more for her? Damn. Pinunasan ko ang mga luha ko ng marinig kong may kumatok sa pinto and si mama lang pala iyon.

Unspoken TruthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon