✘Prologue✘

101 12 0
                                    

Sabi ni mama malas daw ako, ako daw ang dahilan kung bakit namatay si papa. Ako daw ang dahilan kung bakit lumubog ang negosyo namin ako daw ang dahilan ng lahat ng kamalasan sa buhay namin, alam niyo kung bakit? Dahil sinumpa ako ng sarili kong lola nung pinagbubuntis pa lang ako nang nanay ko.

At kasabay ng sumpa sa akin ay ang pagkakaroon ko ng isang pambihirang kakayahan...

Naniniwala ka ba sa lahat ng nabasa mo?!

Hindi ka rin ba naniniwala sa akin?!

Gusto mo bang mapatunayan na totoo ang mga nakasulat dito?!

Gusto mo bang maranasan ang mga naranasan ko?!

Pwes, simula bukas ang buhay mo ay magbabago. Mararanasan mo lahat ng naranasan ko! Mamamatay din ang mga taong malalapit sayo! Wala ring maniniwala sayo! Magiging magkatulad tayo!

Good luck sayo :)

Pero sa tingin ko........hindi na gagana ang kahit anong pangpasewerte sayo, dahil pagkatapos mo tong basahin ay dumikit na sayo ang lahat ng kamalasan, dumikit na sayo ang sumpa ko! HAHAHAHAHA!!!

My nightmares will be your nightmares...

My experieces will be your experiences...

My fate will be your fate...

And my mourn will be your

mourn...

All things that I can see will you soon discover...

My weird talent will be your talent...

Alam mo ba kung ano yung kakaibang talentong yun?

Nakakakita ako ng mga Multo at ibat-ibang klaseng elemento... at nakakakita rin ako ng mga mamamatay palang na tao...

Hindi mo na matatakasan ang sumpang ito... nagkamali ka sa pagbasa ng aking CURSED DIARY!!!

                       ✘✘✘✘✘✘

Papaano mababago ng isang diary ang tahimik na buhay ng isang Nurse na si Prim.....

Cursed DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon