CD 3: "NEW OWNER"

45 11 0
                                    

3RD PERSON'S POV

✘Claridad's House.......

"Good morning, mommy" bati ni Prim sa kanyang mommy na si Angel na busing-busy sa pag luluto ng umagahan.

"Good morning din anak, gising na ba si Westley?" Tugon ni Angel sa anak. Si Westley ang bunsong anak nila Angel at Si Prim naman ang panganay. Sa tuwing nakikita ni Prim ang bunsong kapatid ay naaalala niya ang kanyang paboritong pasyente na si Arc. Minsay di niya maiwasang pagkumparahin at paghambingin ang dalawa. Mabait naman si Westley kaso'y may taglay itong kakulitan na di tulad ni Arc na mabait din ngunit kadalasay tahimik.

"Ewan ko po, di ko na'po sinilip sa kwarto niya" sagot ni Prim habang tinitignan ang niluluto ng kanyang ina. "Mommy mukhang masarap yan ha!" Puri ni Prim sa ina.

"Sus, nambola pa! Bakit may kailangan ka ba?" Ani ni Angel.

"Mommy, four years na'tong gamit kong phone, bili niyo ako nang bago" sagot ni Prim sabay bigay ng isang puppy eye at mahigpit na yakap sa kanyang ina na para bang nilalambing ito.

"Anong kaguluhan ito?" Napalingon ang mag ina ng may magsalita sa gawing likuran nila at tumambad sa kanila ang kanilang padre de pamilya na si Arnold. Kitang-kita sa mukha nito na good mood siya.

"O ayan, sa Daddy mo ikaw manghingi. Maraming pera yan" sabi ni Angel sabay balik muli ng atensyon sa Niluluto.

"Bakit? Anong kailangan mo" tanong ni Arnold sa anak. Bakas parin sa mukha nito ang pagka-good mood nito.

Umalis sa pagkakayakap si Prim sa ina at yumapos naman sa kaliwang braso ng kanyang Daddy Arnold.

"Daddy, palitan niyo na yung phone ko! Four years ko na'tong gamit" ani ni Prim na bibit parin ang puppy eyes niya.

Saglit namang napatawa si Arnold nang saglit at tsaka muling tinanong ang anak. "At anong phone naman ang gusto mo?" Arnold.

"Iphone 6+" straight to the point na sagot nito.

"What? Naku po anak, mag samsung s4 kanalang papayag pa ako" sagot ni Arnold.

Nagunit sadyang makulit si Prim.
"Daddy" paawang sabi nito.

Napahawak si Arnold sa kanyang baba at nag-isip.
"Sige, mamaya mag ma-mall tayo" dahil sa sinabi ay nagtatatalon sa tuwa si Prim na para bang isang batang pinayagan maglaro sa labas.

"Thank you Daddy, Thank you Mommy" magiliw na sabi ni Prim sabay halik sa kanyang parents.

"O, gisingin mo muna yung kapatid mo para sabay-sabay na tayong kumain ng umagahan" utos ni Angel sa anak.

"Okay" tugon ni Prim at naglakad na pataas. Napahinto ito ng pag-akyat ng may maalala.

"Daddy" tawag niya sa tatay.

"Pwede bukas na lang tayo pumunta ng mall may work pa ako mamamayang 2:00 eh tapos mga 9:00 na ako makaka-uwi bukas na lang para sabado" Prim. Tumango naman ang kanyang daddy. Napangiti si Prim dahil sa wakas ay makakabili na ulit sila ng bagong phone...

"West, West" tawag ni Prim sa labas ng kwarto ni Westley habang nakatok.

"Bakit ate?" Pupungas-pungaa pqng bungad ni West sa ate niya nang buksan niya ang pinto.

"Break fast is ready, bumaba ka na" utos ni Prim. May respeto naman si West sa kanyang ate ngunit nakasanayan na nitong wag siyang i po at opo at madalas niya ring inisin ang kanyang ate.

Cursed DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon