CD 6: "TEXT MESSAGE"

54 9 1
                                    

TIMMY'S POV.....

"Cress, maayos na ba ang pakiramdam mo?" Tanong ko sa katabi kong si Cressilda also known as Cress. Kanina pa kasi patigil-tigil tong van na sinasakyan namin dahil kanina pa suka ng suka tong si Cress.

"I-im okay" sagot nito.

"sigurado ka ate Cress? you look pale..." nag-aalalang tanong ni Elise. Napatungo at ngiti na lamang si Cress bilang sagot. Si Elise ang tinuturing naming prinsesa saming magpipinsan dahil sa taglay nitong kagandahan na para bang isang dyosa.

Kasalukuyan kaming nasa loob ng isang van. Magkakasama kami nina Cress, Joy, Kiel, Elise kuya Adrian at ate Nina. Lahat kami ay magbabakasyon ngayong summer kina Prim. noong mga bata pa kami ay naka-ugalian na naming mag bakasyon sa bahat nila tita Angel at tito Arnold ngunit natigil iyon ng maging busy ang lahat sa summer ngunit ngayon ay may pagkakataon na kami muling magkita-kita.

"Guyz, medyo malapit na tayo" ani kuya Adrian. si Kuya Adrian ang aking nakatatandang kapatid. May dalawa pa kaming kapatid na mas nakakatanda sa amin ngunit di na sila kasama rito dahil busy sila sa mga kanila-kanilang pamilya at dadagdag pa roon si Kuya Adrian. Pumunta kami rito para mag bakasyon at para dito ganapin ang wedding nila ni Ate Nina

"Excited na akong makita ulit si Ate Prim" masayang sabi ni Joy na nakaupo sa likuran ko. Tumingin naman sa kanya ang nakakatandang kapatid na si Kiel.

"Kunyari kapa! Eh lagi naman kayong mag kaaway ni Prim noong bata" pang-aasar nito.

"Dati yun nung bata pa kami!" Ani nito sabay pout.

"Joy, Kiel. Tama nayan! Baka magkapikunan na naman kayo" awat ni Cress. Si cress ang ate ng dalawang iyon. Sumunod sa kanya ang pilyong si Kiel at ang bunso naman nila ay si Joy. Si Cress ay may kapansanan. Hindi siya nakakakita, for short bulag. Bulag na siya noong ipanganak palang siya. Samantalang sina Kiel naman at Joy ay normal ng iluwal at walang kapansanan.

"Hay, sana miss narin kami ni Prim"

✘✘✘✘✘✘✘

"Guyz, I have something to tell you" ani Prim sabay hila sa dalawang kaibigan papuntang cafetiria. May pagkakataon silang mag-usausap dahil ngayon ay breaktime nila.

Umupo ang tatlo sa kanilang kinagawiang pwesto sa tabi ng bintana.

"So, anong sasabihin mo Prim?" Takang tanong ni Lirah.

"Yup, parang napakaseryoso ng mukha mo!" Dagdag ni Seirin.

"G-guyz, naniniwala ba kayo sa cursed?" Tanong ni Prim sa kanila.

"CURSED?" sabay na tanong ng dalawa.

"Yup" maikling tugon ni Prim.

"Ako, ayon sa mga kwento ng lola ko, totoo raw yun. Pero ako parang di ako naniniwala" ani Seirin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 24, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Cursed DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon