CD 4: "THE CURSED START NOW"

74 11 0
                                    

Isang normal na araw lang ang dumaan sa buhay ni Prim ng makalipas ang pitong araw. nakabili na siya ng bagong phone na iphone, dilang isang iphone kundi iphone 6+ kaya pinagkaguluhan ito ng kanyang mga kapwa nurse, binansagan siyang Rich kid ng mga ito..... at kahit papaano'y na ka move-on narin siya sa pag-uwi ni Carla sa probinsya niya sa Batangas.

✘✘✘✘✘

✘CARLA'S POV✘

"Kailan ba matatapos ang lahat ng bangungot sa buhay ko?!"

"Sana matapos na ni Prim ang diary at lumipat na sa kanya ang sumpa..."

"Sorry Prim..... sorry sa inyo...
Wala na akong magagawa pa...."

Kaka-unti na lang ang mga gamit na naririto sa bahay namin. Maraming nawala sa akin, sa amin simula ng mapadpad sa akin yung diary'ng yon at ng matapos ko itong basahin. Di ko alam nayung diary'ng iyon pala ang sisira sa buhay ko. Lahat nasira, lahat nawala ang lahat ay naglaho....

Miski ang pamilya ko ay nawala sa isang iglap lamang at tanging ang kuya Carlo ko nalang ang natitira sa akin.

"Carla, may bisita ka" napalingon ako sa direksyon ng Kuya Carlo ko ng tawagin niya ako.

"Hi Carla!!!" Masayang bati nito sa akin sabay takbo papalapit sa akin at niyakap ako...siya si Jossey pinsan ko at ang taong tumulong din sa akin sa paglutas sa bangungot na pinasok ko. Nabulag ang kanyang kaliwang mata ng dahil sa aking kagagawan kaya nakokonsyensya ako sa tuwing nakikita ko ito.

"Kamusta kana? Maayos ka na ba? Naipasa mo na ba ang sumpa?" Humina at lumungkot ang kanyang boses ng tanungin niya ang pang tatlong tanong niya. Ngumiti ako sa kanya nang mapait at tumango bilang tugon.

"Karino mo pinasa? Sigurado kabang tapos na ang lahat" tanong nito.

"Ayoko munang pag-usapan yan" malungkot na tugon ko.

Lumipas ang ilang oras at umalis narin si Jossey at umuwi sa kanyang bahay sa Alfonso. Gabi't naulan na ng siya'y maka-uwi.

✘✘✘✘✘✘

3RD PERSON'S POV✘

"Hay! Nakakapagod bumiyahe!" Reklamo ni Jossey sabay pasok sa loob ng kanyang bahay.

"Nay? Naka-uwi na po ako"

walang nanay na tumugon sa kanya. Tanging patak lang ng mga ulan ang kanyang naririnig sa labas.

"PSST.....PSST.....PSST...." napapitlag si Jossey ng may biglang sumitsit sa kanya. Ang sitsit na iyon ay nang gagaling sa kanilang likod bahay.

Dahan-dahan siyang naglakad upang tuntunin ito. Laking gulat nito ng kumidlat at mapansin ang pares ng paa sa bintana nito na tila ba nagpupumiglas. Dali-dali niya itong tinunton at nadatnan niya roon ang kanyang nanay na si Nanay Anne na nakasabit ang mga leeg sa isang barbed wire na nakapulupot dito.

"NANAY! T-TULONG! MGA KAPITBAHAY, TULONG" sigaw nito. Tarantang-taranta ito at di malaman ang gagawin. Nanghihina siya sa tuwing napapatingin sa kanyang nanay na nakabigti sa isang barbed wire. Nakikita niya kung papaano tumulo ang magkahalong dugo at ulan na umaagos sa katawan nito. Nanghihina na ang kanyang nanay at kita rin ang paghihirap nito dahil sa kanyng pagpupumiglas.

"ACK-AKK-KAK" ito lamang ang mga salitang lumalabas sa bibig ni Nanay Anne. Hirap na hirap na siya, sobrang sakit na ang nararamdaman niya. Damang-dama niya ang mga tulos ng barbed wire nakatusok sa kayang leeg at ang lamig ng ulan.

Napansin ni Jossey ang bintana kung saan nagmumula at nakakonekta ang barbed wire. Nasa itaas ito nang gagaling. Agad niya itong tinakbo, ilang beses pa siyang muntikang madulas dahil sa kanyang basang katawan at basang damit.

Cursed DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon