CD 1: "THE DIARY"

118 11 0
                                    

✘3RD PERSON'S POV✘

"Carla may good news ako sayo!" ito ang unang salitang narinig ng isang 23 years old na babaeng si Carla Mae Ignacio ng maimulat niya ang kanyang mga mata.

"Ano yun Prim?" Tanong nito na mukhang interesado sa iku-kwento sa kanya ni Nurse Prim. Si Prim Aira Claridad ang isa sa mga naging kaibigan niya sa loob ng FREDERIC HOSPITAL simula ng ma-confine siya rito. Parehas sila ni Prim ng age at parehas rin sila ng hilig sa mga bagay-bagay. Si Prim ay may taglay na kagandahan sa loob at labas nito. Makikita sa mukha ng Nurse ang sobrang kagalakan.

"You know what, makaka-uwi ka na sa friday!" Masayang sabi nito.

"What? Totoo ba yan? Yes! thanks God!" Ani ni Carla sabay yakap sa kanyang kaibang nurse na si Prim.

"Sabi ni Doc. Will, magaling na daw ang mga fractures mo. Bumalik na ang mga buto mo sa kanilang original places, maayos narin yung ibang mga fault sa buto mo...." paliwanag nito.

"AFTER 1 YEAR! SALAMAT LORD! SALAMAT DIN SA INYO PRIM AT KINA LIRAH AT SEIRIN PATI NARIN KAY DOC WILL!" Sigaw nito ng dahil sa kagalakan.

"eto naman... walang anuman tungkulin ko naman yon! Basta wag mo kaming kakalimutan nina Lirah at Seirin pag-umuwi ka na sa probinsya niyo ha!" Paalala nito sa kanyang kaibigan.

Natigil sa pag-uusap ang dalawa ng may kumatok sa pinto ng kwarto ni Carla at mula doo'y sumilip si Seirin. Si Seirin Velasco ay isang 21 years old na dalaga, siya ang pinakabata sa magkakaibigan at siya rin ang pinakamakulit sa kanila. "Hi guyz!!! Prim tawag ka ni Doc Will, na sa Room 80 siya... ! Mamaya na tayo mag chikahan ha! Busy ako bye" sabi ni Seirin habang nakasilip sa pinto ng kwarto ni Carla.

"Alis muna ako ha!" Paalam ni Prim sa kaibigan. Tumango naman ito bilang sagot.

✘✘✘✘✘✘✘

Parang ayaw ng humakbang pa ni Prim upang tunguin si Doc. Will na na sa fourth floor pa ng gusali.

"Hi ate Prim" bati sa kanya ni Arc na nakasakay sa isang weel chair na itinutulak ni Nurse Lirah. Si Lirah Kim Ashton ay isa sa kanilang magkaka-ibigan siya ang pinaka matanda sa kanila, siya ay 24 years old na. Siya rin ang pinakamatalino sa kanilang magkaka-ibigan dahil grumaduate ito sa kanilang paaralan na suma cumlaude ngunit tanga naman siya pagdating sa pag-ibig dahil kadalasan siyang niloloko ng mga naging boyfriend niya. Si Arc naman ay isa sa mga batang pasyente nilang tatlong magkakaibigan na nurse.

"Hello Arc! Magpagaling ka ha!" Bati rin nito. Si Arc ay merong stage 2 Cancer sa lungs nagkaroon siya nito ng dahil sa kanyang surroundings, dahil halos lahat ng kasama niya sa bahay ay mahilig manigarilyo. Kawawang bata.

"Sige po" nakangiting sabi nito.

"Lirah, bantayan mo si Arc ha! Baby natin yan!" sabi nito kay Lirah sabay gulo sa buhok ni Arc.

"Syempre! Alagang-alaga natin yan eh! Uy Prim may chi-chika ako sayo!" masayang sabi ng kanyang kaibigan.

"Naku po, mamaya nalang yan Lirah pag di na tayo busy! Pupuntahan ko pa si Doc Will sa room 80" nag-iba ang mood nito ng maalala nanaman ang kanyang pupuntahan.

"Okay! Uy kamusta mo ako sa kanya ha!" Pahabol nito sa kasalukuyang naglalakad na paalis na kaibigan.

"Okay" sigaw nito. Natatawa na lang si Prim sa tuwing kinikilig at natutuwa si Lirah sa tuwing nakikita si Doc Will, may crush kasi ito sa doktor na iyon. Wala itong paki kahit na 10 taon ang pagitan ng edad nila. Sabi nga daw nila Age doesnt matter.

Cursed DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon