✘3RD PERSON'S POV✘
Naging isang malaking balita ang nangyari sa Frederic Hospital na kung saan ay namatay ang isang kaawa-awang Nurse na si Gei Nivara. Hindi namam naging dahilan ito upang katakutan ang ospital at iwasan dahil nakumpirma na aksidente lamang ang nangyari at di nagkulang sa seguridad ang ospital....
✘✘✘✘✘
3 days after Gei's Death......
Nagkasalubong sina Seirin at Prim sa pagpasok sa Kanilang trabaho. Nag ngitian ang dalawa at nagkamustahan. Sabay ang oras nilang tatlong magkakaibigan sa pagpasok sa trabaho, tuwing 8am ang kanilang pasok at 9pm naman ang uwi at tuwing sabado at linggo naman ang pahinga nila.
"Prim, naka-move-on ka na ba dun sa nasaksihan natin nung Monday? Yung kay Gei" tanong ni Seirin sa kaibigan habang naglalakad sa coridor ng hospital.
"Uhm...... sa tingin ko naka-move-on na ako. Hindi na ako binabangungot, nakakain narin ako ng maayos at nakakayanan na uli ang mag-isa" sagot nito.
"Ikaw?" Balik na tanong ni Prim. Hindi sila nagkita-kitang magkaka-ibigan ng mga dalawang araw, Dahil
pinahintulutan silang mag leave ng mga dalawang araw sa trabaho upang mawala ang kanilang trauma sa nangyari sa kapwa nurse na si Gei.
"Uhmmm... ayun, dahil sa mga family activities na ginawa naming pamilya eh, medyo naka-move narin ako. Pero konti lang" mahinang sagot nito. Ti-nap ni Prim ang likuran ng kaibigan.
"Makakalimutan din natin yung mga nangyari" ani ni Prim upang mas palakasin pa ang loob ni Seirin. Si Seirin ang pinaka na apektuhan sa pangyayari. Dahil sa lahat ng nakita at na-experiance niya.
"Si Lirah kaya naka-move-on narin kaya siya?" Tanong ni Seirin.
"Hi Guyz!!!" Bati ng isang babae sa di kalayuan.
"Speacking of" natatawang sabi ni Prim.
Si Lirah ay ngiting-ngiting naglalakad papunta sa kanyang dalawang kaibigan na ipinagtaka naman ng dalawang.parang masaya pa itong namatay si Nurse Gei. Si Nurse Gei ay kapareha ni Lirah na may gusto kay Doc Will.
"Wow ha! Parang walang katrauma-traumang naramdaman to ha! Parang walang pinagdaanan!" Bulalas ni Seirin.
"Oo nga" sabi rin ni Prim.
"Hi! Sei, Hi Prim!" Bati ni Lirah sa dalawa.
"He-hello, bakit parang walang nangyari sayo? Masaya ka ba dahil patay na ang babaeng may Crush din ka Doc Will?" Diretsang sabi ni Seirin. Siniko naman siya ni Prim dahil parang di maganda ang sinabi nito at baka narin magalit si Lirah. Ngunit nagkamali sila, sadyang good mood si Lirah.
"Hindi ah! Syempre malungkot ako dahil nawala si Gei, medyo naging close din naman natin siya dahil nakakasama natin siya roof top diba? Bago tayo umuwi" ani ni Lirah.
"Eh, bakit parang ang saya mo?" Tanong muli ni Seirin.
"Kase,,,,,,,,,, KAMI NA NI CRUSH!!! Simula kahapon"
Masayang sabi nito with patalon-talon effect pa sa sobrang kilig.
"What the F?!" Sigaw ni Seirin at Prim sa ibinalita ng kanilang kaibigan...
"Shhhussssss!" Sita ng head nurse na nasa ward sa tatlo na malapit sa kanya.
"Sorry po" sabay-sabay na sabi nila.
"Pa-paanong nangyari yon?!" Tanong ni Seirin.
"A-anong sinabi mo? Ka-kayo na ni Doc Will?" Paniniguro ni Prim. Parehas na di makapaniwala ang dalawa sa sinabi ni Lirah dahil di nila akalaing seryoso si Lirah sa pagmamahal sa naturang doktor.

BINABASA MO ANG
Cursed Diary
HorrorIsang Diary ang mag papabago sa tahimik na buhay ng isang nurse na si Prim...... ang lahat ay mag babago, ang lahat ay masisira at mawawala. handa ka ba kung sa isang iglap lamang ay magbabago ang lahat? handa ka ba sa lahat ng makikita,maririnig a...