CD 5: "DOUBTS"

33 9 0
                                    

LIRAH'S POV...

"Mahal!" Nakangiti kong nilingon ang taong tumawag sa akin dahil kilala ko naman ito, dilang kilala mahal ko pa.

"Hi mahal!!!" Bati ko rin. Hinalikan ko siya sa pisngi ng makalapit na ito sa kina-uupuan ko at umupo sa tabi ko.

"Gutom ka naba? Order na tayo" tanong ko sa kanya. Tumango naman ito at ngumiti sa akin. Ang mga ngiti niya ay sadyang kaakit-akit....

"Ako na tatawag, waiter" magiliw na sabi ng mahal ko sa akin. Pagkatapos naming omerder ay nagkwentuhan muna kami habang naghihintay...

"Will, alam mo ba, patay na si Arc" kwento ko.

Biglang lumungkot ang mukha niya. Halos lahat kasi yata ng nurse at doctor ay napalit na sa batang yon lalo na si Prim. "Nabalitaan ko nga kay Doc Miguel" ani nito. "Kaawa-awang bata" dag-dag pa nito.

"Ang akala namin mga tatlong linggo pa ang taning ng buhay niya, pero biglaan na lang siyang nag 50:50 kanina. Kuwawa rin si Prim, apektadong-apektado siya sa nangyari, kanina pang walang tigil ang pag-iyak ng umuwi kami" kwento ko sa kanya. Tahimik naman siyang nakikinig. Ang gwapo niya talaga! Kahit na 10 years pa ang agwat namin, wala akong pake. Baby face naman siya eh, tsaka siya talaga ang itinitibok ng magulo kong puso.

*RINGGG! RINGGG! RINGGG!*

Kakaiba ang naging reaksyon niya ng tignan ang tumatawag sa phone niya. Reniject niya ang call.

"Sinu yun? Bakit di mo sagutin?" Takang tanong ko sa kanya habang nakatingin sa kanyang singkit na mga mata.Kitang-kita ko ang pag-aalala at lubos na pag-iisip sa mga mata niya.

"w-wala, kaibigan lang yon" utal na sagot nito.

"Bakit ganoon ang reaksyon niya? May itinatago ba siya sakin?! May di ba ako alam? May iba ba siya?!"

*RINGGG! RINGGG! RINGGG!*

"Sagutin mo na yan" ani ko sa kanya habang nakangiti. Hindi ako dapat magpakita na pinaghihinalaan ko siya.

"Sige, dyan ka lang ha" aniya.

Lumabas siya ng resto. At kinausap ang tumatawag sa kanya. Bakit ganoon parang galit siya? Bakit parang sinisigawan niya yung kausap niya?

"Kailangan kong mag imbistiga"

✘✘✘✘✘✘

✘PRIM'S POV....

"Prim.... Anak......" naririnig ko ang tawag sa akin ni Mommy simula sa labas ng aking kwarto. Hanggang ngayon ay wala parin akong tigil sa pag-iyak, sinubukan king pigilan ang emosyon ko pero nabigo ako, hindi ko matanggap ang nangyari kay Arc. Masyado pa siyang bata at marami pa siyang pangarap sa buhay. Oo't hindi ko siya kamag-anak para umarte ako ng ganito, pero masyado na siyang napalapit sa akin at itinuring kong pangalawang kapatid.

"Prim, anak. Hindi ka pa nakakapag dinner, bumamaba ka na't kumain. Wag ka ng umiyak okay?!" Maririnig mo't mararamdaman ang sinsireded sa boses ni Mommy.

"Mommy, I want to be alone for this momment, please........." malungkot at mahina kong tugon.

"Prim, nabalitaan ko yun kay Lirah kanina. Pabayaan mo na si Arc, masaya na siya sa piling ng ating Panginoon. Hindi na siya malulungkot at papahirapan pa ng sakit niya roon" ani Mommy. Naririnig ko ang mga yabag nito paalis sa aking kwarto.

"Tama si Mommy, masaya na si Arc sa langit.........te-teka?! Pamilyar ang pangyayaring ito! Ang Diary!" Napabalikwas ako ng bangon sa aking kama at agad na binuksan ang aking drawer. "Bakit wala dito?!" Takang tanong ko sa aking sarili. Ang alam ko'y dito lang nilagay ni Westley ang diary. "Sh*t!" Ani ko ng mapagtanto ang pangyayari.

Cursed DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon