Part 2- Forgetting Adrian
September 20, 1995 (Two years later...)
"Erika? Okay ka lang?" ang tanong ni ate Lei mula sa driver's seat.
Pilit akong ngumiti. "Okay lang ako ate..."
Tumango nalang sya kahit na hindi sya convinced. Nasa highway na kami noon ng Tokyo, Japan dahil sumama na ako kay ate dito sa Japan para dito na magpatuloy ng pag-aaral.
It's been two years...pero pakiramdam ko ay kahapon lang nangyari ang lahat. Dahil ramdam na ramdam ko parin ang sakit ng pagkawala nya. Nang mawala sya ay parang nawala narin ang puso ko. Dahil pakiramdam ko ay humihinga ako pero wala na akong puso...
After his death ay hindi na ako uli umiyak. Hindi dahil sa manhid ako pero siguro napagod na ang mga mata ko sa kakaiyak nung araw na yun pati narin sa burial nya. Napatingin ako sa labas at nagsisihulog din ang mga autumn leaves na nasa tabi ng kalsada. Na para bang binabati ako.
"Sa tabi ng dagat ang bahay na uupahan natin kaya isipin mong parang nasa Korea ka rin" ang nakangiting wika ni ate. Trying to cheer me up.
I faked a smile. Simula nang mawala si Adrian ay naging good actress na ako. Marunong na akong gumamit ng hindi totoong ngiti. "Salamat ate..."
Alam kasi nya na mahal na mahal ko ang dagat...dahil yun nalang ang naiiwang alaala sa akin ni Adrian...
Isang malaking bahay ang inuupahan namin at marami ding katabing bahay ang magandang bahay na yun. Mula sa verandah ay matatanaw mo ang malawak na dagat kaya sinadya ni Ate Lei na dito ang maging kwarto ko.
Sa likod naman ng mga bahay na yun ay ang malawak na kakahuyan na madadaanan mo bago ka makapunta doon. At ang lahat ng kahoy na nandun ay nalalagas na ang mga dahon kaya mas lalo kong naaalala ang araw na yun...
"Erika, lalabas lang muna ako para bumili ng mga gamit ha. Tawagan mo lang ako pag may kailangan ka pa" ang paalam ni ate habang binubuksan ko ang mga maleta ko.
"Sige ate..." ang sabi ko lang habang inilalabas na ang mga damit ko at maya-maya ay narinig ko na ang papaalis nyang sasakyan.
Napatigil ako sa paglabas ng mga gamit ko nang makita ko ang recorder na yun na nakaipit sa maleta ko. Tama. Dinala ko pala yun dahil doon naka-record ang Autumn Sonata na tinutugtog ni Adrian noon.
Pinundot ko ang start button at umalingawngaw ang malungkot na sonata na yun sa loob ng buong kwarto. Ipinikit ko ang mga mata ko at nakita ko ang gwapong mukha nyang iyon habang tinutugtog ito...
"A-Adrian..." ang wala sa sariling sambit ko na parang bang tinatawag ko lang sya.
Hindi ko na namamalayan ang mga luhang bumubuhos sa mga mata ko.
"A-Adrian...naririnig mo ba ako...?"
Pero nagpatuloy lang sa pagtugtog ang sonata na nasa recorder. At patuloy ko lang din nakikita ang gwapo nyang mukha habang tumutugtog sya. And it's breaking my heart...na nakikita ko nga sya pero hindi ko na sya mahahawakan pa uli...
Hanggang sa natapos na ang musika. At naging tahimik na ang lahat. Nawala narin mula sa isipan ko ang gwapong mukha nyang iyon. Napadilat ako ng mga mata at bumubuhos parin ang mga luha sa pisngi ko. Pero hindi ko inaasahan na may kasunod pa pala ang autumn sonata na yun sa recorder.
Dahil bigla kong narinig ang pamilyar na boses na yun ni Adrian.
"Erika..." nanlamig ako nang marinig ko ang pagtawag nya ng pangalan ko. At bumilis ang takbo ng puso ko habang naririnig uli ang boses nyang iyon after two years.
BINABASA MO ANG
Autumn Sonata (*COMPLETED*)
Teen FictionAkala ni Erika ay makakalimutan na nya si Adrian sa bagong school na papasukan nya. Pero nagkamali sya nang makilala si Tristan, ang lalaking kamukha ng kanyang namayapang kasintahan. Read this heartbreaking and tear-jerking sad story of a girl and...