Part 9 - Winter

1.5K 82 59
                                    

November 15, 1996  

                     Mas lalong lumalamig ang panahon sa mga nakalipas na araw. At lagi narin akong nagpupunta sa hospital para magpa-check up ng kalagayan ko. Hindi ko narin nakikita si Tristan. Pero mas mabuti na itong ganito...ayokong malaman nya ang nalalapit ko ng kamatayan.

                     Pero paglabas ko ng office ng doctor na yun ay ang mukha ni Gale ang nakita ko. Nanlalaki ang mga mata nyang nakatingin sa akin na may halong emosyon na hindi ko matukoy.

                    Ngumiti ako sa kanya. Katulad ng ngiti na ibinigay ko noon kay Tristan nang maghiwalay kami. Pero hindi ko inaasahan ang una nyang sasabihin.

                    "May sakit ka?" ang tanong nya sa mababang tinig na para bang takot syang malaman ang isasagot ko.

                    Hindi ko alam ang sasabihin ko.

                    "Nalaman ko sa ate mo ang sakit mo..." at nakita ko ang awa at sakit sa mga mata nya.

                    Ngumiti nalang ako. "I have a colon cancer...at nasa terminal stage na..."

                    Nakita ko ang pamumula ng sulok ng mga mata nya at nang magsalita sya uli ay doon na sya napaluha. "So...kaya pala hiniwalayan mo si Tristan? Dahil takot kang masaktan sya?"

                    Tumango ako. "At alam kong...magiging masaya kayo pag wala na ako..."

                    "Paano mo nasasabi yan?!" ang sigaw nya. "Alam mo bang mahal na mahal ka ni Tristan?!"

                    Pero tinitigan ko lang ang luhaan nyang mukha. "Dahil alam ko...na mahal na mahal mo sya Gale..."

                    Natigilan sya sa sinabi kong iyon kaya nakangiti akong nagpatuloy.

                   "Alam ko...na pag wala na ako, hindi mo sya pababayaan...mamahalin mo sya ng higit pa sa pagmamahal ko sa kanya...mabibigyan mo sya ng magandang pamilya sa sunod...mabibigyan mo sya ng mga anak...pero ako, tanggap ko na sa sarili ko kung hanggang saan nalang ako...at diba nangako ka sa akin noon? Na aalagaan at mamahalin mo sya?" ang wika ko at medyo pumiyok na ang boses ko dahil gusto ko naring maluha.

                   "You're so selfish..." ang umiiyak nyang wika.

                   "It's okay..." ang nakangiting sambit ko. "...just promise me na pag wala na ako, tuparin mo uli ang pangako mo noon..."

                    Nabigla pa ako nang yakapin nya ako ng sobrang higpit. At niyakap ko din sya.

                    Nang matapos ang yakapan na yun ay umalis na ako.

                    Naiwang nakatayo doon si Gale habang pinagmamasdan ang papalayong si Erika. At nang hindi na nya makayanan ay tumakbo sya papalayo sa isang sulok at napahagulgol ng iyak. Napaka-selfish nya...paano nya nagawang magalit sa isang katulad ni Erika ngayong hinihiram lang pala nito ang lahat ng mayroon ito ngayon? At ibabalik din nito sa kanya kung ano ang hiniram nito?

                    Ang gusto lang sana ni Erika ay ang maging masaya ang mga natitirang araw nito kasama si Tristan...pero bakit pati yun ay nagawa nyang ipagkait dito? Kailangang magkabalikan sila...kailangang makita nya si Tristan...kahit ito nalang ang huling bagay na pwede nyang gawin para makabawi sa lahat ng kasalanan nya dito..

Autumn Sonata (*COMPLETED*)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon