October 21, 1995
Mahina ang ihip ng hangin nung umagang iyon pero sumasabay parin doon ang mga kulay brown at red na mga lagas na dahon. Mas lalong lumamig ang panahon dahil malapit na ang pagdating ng winter.
Naging sikat narin ako sa school dahil sa issue na girlfriend ako ng boss ng pinakasikat na gang doon. May mga babaing parang gusto na akong ipakulam dahil sa sama ng loob. Hindi lang nila ako kayang saktan dahil sa banta ni Tristan.
Naupo ako sa harapan ng piano para sa piano lessons na yun nang biglang magkaroon ng ingay sa labas. Nagtitilian ang mga babae at hindi ko alam kung bakit. Pero nanatili lang akong nakaupo sa harapan ng piano at nilalaro ang keyboard.
At maya-maya ay lumitaw sa pintuan ang gwapong mukha na yun. Si Tristan. At sya ang tinitilian ng mga babae.
Nang makita nya ako ay agad syang lumapit sa akin at kumuha ng isang upuan at naupo sa tabi ko. Samantalang parang nag-aapoy na ang mga mata ng mga babaeng umalis.
"Anong ginagawa mo?" ang taka kong tanong.
"Ito ang first day ko sa piano lessons" ang walang emosyon nyang wika.
"Pero bakit?"
Tinitigan nya ako. "Ba't ba ang dami mong tanong?"
"Hindi ka naman mahilig sa piano diba?" ang sabi ko.
"Gusto kong tumugtog ng piano. Yun lang yun" ang simpleng sagot nya.
At kahit na hindi parin ako kumbinsido ay tumango nalang ako.
"At sya nga pala, umiyak ka kahapon kaya nadagdagan na naman ng ten thousand yen ang utang mo. Seventy thousand yen na lahat ang utang mo" ang wika pa nya.
At buong araw nga ay kasama ko lang sya sa iisang piano na yun. At hindi ko maintindihan kung bakit...kakaiba ang nararamdaman ko nung mga oras na yun.
October 26, 1995
"Si Adrian ba ang tumutugtog ng piano na nasa recorder mo?" ang tanong nya sa akin nung hapung iyon at kami nalang ang naiiwang estudyante sa kwartong iyon.
Hindi ko din alam kung ba't pati mga teachers ay takot sa kanya.
"Oo..." ang sagot ko. "Ini-record nya yun nung first anniversary namin"
Bakit ba lagi nalang nyang itinatanong si Adrian?
"Gusto mo bang marinig uli ang Autumn Sonata?" ang walang emosyong tanong nya.
Napatingin ako sa kanya. Pero hindi pa ako nakakasagot ay sinimulan na nyang tugtugin ang malungkot na sonata na yun. At nagsisimula na namang mahati ang puso ko habang tinitigan sya.
Pati ang paraan ng pagtugtog ng piano ay magkapareho sila...
Isang mahinang ihip ng hangin ang pumasok sa loob ng kwarto na waring nararamdaman ang nararamdaman ng tugtugin na yun.
"A-Adrian..." ang nasambit ko. Nabigla pa ako nang bigla syang tumigil sa pagtugtog nang banggitin ko ang pangalan na yun.
"Hindi mo ba talaga sya kayang kalimutan?" ang wika nya at nabigla ako dahil ang dating walang emosyon na boses nya ay may halong sakit ngayon.
Hindi ako makasagot.
"Akala ko ako na ang pinakamanhid na tao sa buong mundo...pero mas manhid ka pa pala sa akin" ang dagdag nya pa.
"Hindi mo alam kung anong sinasabi mo" ang wika ko at nag-iinit na naman ang mga sulok ng mga mata ko.
"Kalimutan mo na sya" ang wika nya sa malamig na tinig.
"Mahal ko sya..." ang sabi ko. "At hindi ko sya basta-bastang makakalimutan..."
"Hindi pwedeng habang-buhay kang ganyan. Hindi na pagmamahal yan. Katangahan na yan"
Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi nyang iyon. "Bakit? Ano bang alam mo sa pagmamahal ha?! Anong alam mo ngayong manhid ka?! Anong alam mo kung hindi mo pa nararanasan ang magmahal---"
Pero naputol ang sasabihin ko na yun nang bigla nyang abutin ang batok ko at walang salita-salitang hinalikan ako sa labi. Hindi ko alam kung ba't ako biglang nanghina...
Ang labi ni Tristan...ay nasa labi ko.
At doon na nya akong biglang binitiwan. "May alam ako sa pagmamahal dahil ikaw ang nagturo sa akin nun. Nung dumating ka ay biglang nagulo ang buhay ko at hindi ko na namamalayan na natututunan na kitang mahalin dahil sa mga luha mo...ginalaw mo ang mundo ko at ang lahat ay nawala na sa tama nitong lugar. At ngayon, hindi ko na alam kung paano ko pa ibabalik ang sarili ko ngayong hindi na ito makukumpleto kung wala ka..."
Nagkatitigan kami ng matagal. Hindi ko din alam ang sasabihin ko...
"Erika Eun-Joh" ang banggit nya sa pangalan ko. "I-I love you..."
At biglang sumagi sa isipan ko ang nakangiting mukha na yun ni Adrian habang binabanggit ang mga huling sinabi ding iyon ni Tristan.
At doon ko na namalayan ang maiinit na luhang bumuhos sa pisngi ko at nayakap ko ng sobrang higpit si Tristan.
Adrian...
Ang bulong ng isipan ko.
At nung araw na yun ay naging pangalawang boyfriend ko si Tristan sa panahon din na nahuhulog ang mga lagas na dahon sa panahon ng autumn.
November 23, 1995
Naging maganda ang unang buwan na pagsasama namin ni Tristan. At ginagawa din namin ang mga ginagawa namin dati ni Adrian. Ang mamulot ng seashells sa tabing dagat at tumugtog ng piano. Kahit na hindi naman talaga sya malambing na katulad ni Adrian.
Nung mga panahon na yun ay nagsisimula ng bumuhos ang mga nyebe.
Nagsisimula na ang winter.
BINABASA MO ANG
Autumn Sonata (*COMPLETED*)
Teen FictionAkala ni Erika ay makakalimutan na nya si Adrian sa bagong school na papasukan nya. Pero nagkamali sya nang makilala si Tristan, ang lalaking kamukha ng kanyang namayapang kasintahan. Read this heartbreaking and tear-jerking sad story of a girl and...