September 1996
Pero nang makauwi ako ng Korea ay doon ko lang nalaman kung ano ba talaga ang nararamdaman ko.
I miss him. At hindi si Adrian ang nami-miss ko kundi si Tristan mismo. Nami-miss ko ang pagiging insensitive nya. Nami-miss ko ang pagiging mainitin ng ulo nya. Nami-miss ko ang lahat-lahat sa kanya.
Sa sampung buwan na nanatili ako sa Korea ay wala na akong narinig na balita tungkol sa kanya. At doon ko narin naramdaman ang kakaibang pagbabago sa katawan ko. Madalas na akong manghina at lagi nalang sumasakit ang tyan ko kaya nagpa-check up na ako sa doctor.
“You have a colon cancer Ms. Eun-joh” ang balita ng doctor na yun na halos nagpatigil na sa mundo ko.
Nanlamig ako sa narinig ko pero nagsalita parin ako. “May chance pa ba doc na maka-survive ako?”
Tinanggal ng doctor ang eyeglasses nya at napahinga ng malalim. “Nasa stage two palang ang cancer kaya may chance pa na maka-survive ka. Kaya lang…kailangan mo ng advance treatment sa America. If you want, I can recommend you to a friend na doctor din doon at bihasa sa pang-gagamot ng cancer. Kaya lang Ms. Eun-joh, hindi ko masasabi na makaka-survive ka talaga dahil umaakyat na ang sakit mo sa stage three”
Nanghihina akong lumabas sa hospital nung araw na yun. Siguro nga ay wala ng chance pero pinapalakas lang ng doctor ang loob ko. And that day, I decided to see him.
Gusto kong makita uli ang lalaking mahal ko.
September 17, 1996
Walang pinagbago ang Japan. Ganito rin kaganda ang autumn nung una akong tumapak dito pati narin ngayong bumalik na ako. Nag-desisyon akong pumasok sa Japan Music Academy kung saan nalaman kong nag-aral si Tristan. Hindi ko nga rin alam kung bakit nya pinili ang music.
Pero matagal din akong nawala kaya siguro mas napamahal na sya sa music.
“Wala na akong narinig na balita kay Tristan simula nung umalis ka. Hindi narin kasi sya pumupunta dito” ang malungkot na balita sa akin ni Ate nang makarating na ako sa bahay.
Nakaramdam ako ng disappointment sa narinig kong iyon. Siguro dahil sa sobra ko syang nasaktan sa ginawa kong pag-iwan sa kanya. At hindi ko narin sinabi kay ate kung ano ang pinagdaraanan ko ngayon.
I decided to keep it to myself hindi dahil sa selfish ako. Pero dahil ayokong maging selfish. Ayokong masaktan ang mga taong mahal ko ng dahil sa akin…
Semptember 19, 1996
BINABASA MO ANG
Autumn Sonata (*COMPLETED*)
Novela JuvenilAkala ni Erika ay makakalimutan na nya si Adrian sa bagong school na papasukan nya. Pero nagkamali sya nang makilala si Tristan, ang lalaking kamukha ng kanyang namayapang kasintahan. Read this heartbreaking and tear-jerking sad story of a girl and...