Part 3- You were there for me

988 45 5
                                    

October 20, 1995

              

Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin. Pero hindi kumpleto ang araw ko pag hindi ko sya nakikita. Nararamdaman ko parin ang sakit pag nakikita ko sya pero kung sakit lang ang mararamdaman ko pag nakikita ko sya ay kaya kong tiisin yun. Basta makita ko lang sya…

             

“Hi!” ang nakangiting bati sa akin ng isang babae habang naglalakad ako sa corridor.

             

 Napalingon ako. “B-Bakit?”

             

Wala akong masyadong kaibigan sa school dahil loner ako. Kaya nakakabigla na may pumansin sa akin sa araw na ‘to.

             

“Ikaw si Erika Eun-Joh diba?” ang tanong ng isang kasama nito. Lima silang magkakaibigan na nakikipag-usap sa akin ngayon.

             

Ngumiti ako. “A-Ah…oo”

             

“We heard na bago ka daw sa school na ‘to at ikaw ang nangunguna sa klase nyo” ang sabi ng unang bumati sa akin kanina. “Ako nga pala si Gale at sila ang mga friends ko”

             

“Kung okay lang sa’yo, pwede ba kaming magpaturo sa’yo mag-piano?” ang tanong ng isa sa akin.

              

“Sure” ang sabi ko saka kami naglakad papunta sa piano section. Pero nabigla ako nang bigla nila akong itulak sa hagdan na nanduduon. Nagpagulong-gulong ako hanggang sa napahandusay ako sa ibaba.

              

Sumunod doon ang malakas na tawanan.

              

Naiiyak akong napatingin sa kanila dahil hindi ko maigalaw ang katawan ko sa sobrang sakit. At ang mga friendly na mga ngiti nila kanina ay napalitan na ng mga sarkastikong tingin at kakaibang ngiti.

               

“Yan ang bagay sa’yo dahil napaka-ambisyosa mo” ang nakangiting wika ng nagpakilalang Gale sa akin. “For your information pala, akin lang si Tristan. At kung ayaw mong maulit uli yan sa’yo, stay away from him!”

               

“Atleast now, you learned your lesson” ang sabi pa ng isa saka sila nagtawanan na para bang nag-i-enjoy sa nakikita nilang paghihirap ko ngayon.

                

Saka sila tumatawang tumalikod pero bigla silang natigil sa pagtawa. Hindi ko rin alam kung bakit dahil hindi ko alam kung anong nangyayari sa itaas.

                

Pero narinig ko ang nanginginig na sambit ni Gale. “T-Tristan…”

                

At doon biglang lumitaw mula sa itaas si Tristan. Ang dating walang emosyon na mukha nya ay punong-puno ngayon ng hindi ko matukoy na emosyon. Pero nakakatakot ang awra nya dahilan para magpatagilid ang lahat ng nadadaanan nya.

                

Habang nasa likod nya ang mga myembro ng gang nya.

                

Autumn Sonata (*COMPLETED*)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon