Part 5 - I just can't leave you

916 40 2
                                    

Nakita ko narin na pumapasok na ngayon sa klase si Tristan. At minsan nalang din sya sumasama sa gang dahil sa lagi kaming nag-aaway dahil doon.

             

Nung umagang iyon ay dumaan muna ako sa isang convenient store para bumili ng noodles para kay Tristan. Pupuntahan ko kasi sya sa piano room para doon na kami sabay na kumain.

             

Nung nasa counter na ako ay isang matandang lalaki ang ngumiti sa akin. At nakita ko sa tabi ng counter ang isang picture ng isang magandang babae na nasa edad siguro ng mga thirties…

             

“Sino po sya?” ang tanong ko sa matandang lalaki na nasa counter.

              

Napatingin ang matanda sa tinutukoy ko.

             

“Sya ang asawa ko…” ang nakangiting sagot ng matanda.

             

“Talaga po? Eh nasaan na po sya ngayon?”

             

“Matagal na syang patay hija…magdadalawampung taon na…” ang nakangiti nyang wika kahit na may bahid ng lungkot ng mga mata nya.

              

Hindi ko rin maiwasan ang malungkot nang dahil sa narinig ko.

             

“Nag-asawa po ba kayo uli?”

             

“Naku, hindi na…” ang sagot nya. “Kahit na maraming babae dyan, hindi parin nila napapantayan ang asawa ko. Dahil iisa lang sya at kakaiba sya. Kaya hindi sya mapapantayan ng kahit sinong babae kahit na hawig pa nya ito”

              

Bigla akong natigilan sa sinabing iyon ng matanda.

                

“O ito hija…” ang nakangiting sabi ng matanda sabay bigay sa akin ng binili ko atsaka ako nagbayad.

                  

Pero bago ako tumalikod ay tinignan ko uli ang larawan ng babae. Mahal na mahal sya ng matandang lalaki…pero wala na sya.

                  

Hanggang sa paglalakad ay iniisip ko parin ang mga sinabi ng matandang lalaki.

                  

“…hindi sya mapapantayan ng kahit sinong babae kahit na hawig pa nya ito…” ang mga salitang iyon ang umaalingawngaw sa isipan ko.

                  

Hindi kaya…minahal ko lang si Tristan dahil nakikita ko sa kanya si Adrian?

                  

At hindi ko na namamalayan na nasa pintuan na pala ako ng music room na yun. At nasa loob nun ang tumutugtog na si Tristan.

                 

Kahit nakatalikod ito ay hawig na hawig parin ito ni Adrian…

                 

Autumn Sonata (*COMPLETED*)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon