October 13, 1996
Humihinga pa ako pero pakiramdam ko ay patay na ako. Simula ng araw na yun ay hindi na ako pumasok sa school dahil sa madalas ng panghihina ko. At mas lalo ng lumalamig ang panahon dahil sa paparating na winter.
Naglalakad ako noon sa tabing dagat at tinatanaw ang asul na tubig nito. Dito kami dating namumulot noon ng seashells ni Tristan at parang mga batang naghahabulan. Napangiti ako ng maalala ko ang mga yun. Pero naramdaman ko ang sakit sa dibdib ko nang maalala ang pagkawala nya sa buhay ko…
Ano kaya kung tapusin ko na dito ang buhay ko para matapos na ang paghihirap ko? Wala na si Tristan…at hinihintay na ako ni Adrian…kaya wala na rin akong dahilan para ipagpatuloy pa ang buhay na ‘to…
Tama…mas mabuting mamatay na ako ngayon para hindi ko na maramdaman ang sakit…
Napatingin ako sa asul na dagat…at namamalayan ko nalang na naglalakad na ako papunta sa asul na tubig nito…
Hindi alam ni Tristan kung ba’t may parang humihila sa kanya na magpunta sa tabing-dagat na yun. Padaan lang sana sya doon papuntang school nang makita nya ang asul na dagat. Kaya napagpasyahan nyang lumiko muna doon at sumagap ng sariwang hangin na nanggagaling sa dagat na yun.
Pero hindi nya inaasahan ang makikita mula sa malayo. Nakita nyang nakatayo lang sa tabing-dagat ang isang pamilyar na figure ng isang babae at mukhang malalim ang iniisip…
Lumabas sya sa kotse nya at tinitigan ng mabuti ang babaing yun. At doon nya naalala ang mukhang iyon. Si Erika.
Naglakad sya papunta dito pero hindi pa sya nakakalapit ay bigla nalang ‘tong naglakad papunta sa asul na tubig ng dagat.
Nung una ay natigilan sya lalo na nang may biglang sumagi sa isipan nya na ganun na ganun din na eksena…nakaramdam sya ng matinding pananakit ng ulo habang nakatingin sa naglalakad parin na si Erika…
At isa-isang bumalik sa isipan nya ang lahat lalo na nang makita na nya ang pagkakatumba ni Erika sa dagat…si Erika na umiiyak noon…si Adrian na first boyfriend nito…ang autumn sonata…ang mga seashells…
Naalala na nya ang lahat…
Napatingin sya sa dagat pero hindi na nya makita si Erika. Nakaramdam sya ng matinding takot at parang mababaliw na syang tumakbo papunta sa dagat.
“ERIKA….!” Ang tawag nya dito. “Erika! Erika!!”
Doon nya naramdaman ang maiinit na luhang humahagos sa mga pisngi nya. Hindi nya mapapatawad ang sarili nya pag may nangyaring masama kay Erika.
God. Paano nya nagawa ang lahat ng yun kay Erika? Kasalanan nya kung ba’t magpapakamatay ‘to ngayon. Ngayon nya naintindihan ang sobrang sakit na ibinigay nya dito.
Nilusong nya ang dagat at hinanap ito. Hanggang sa nakita na nya itong lumulutang sa ilalim ng parte na yun ng dagat.
Nararamdaman ko na ang kamatayan…at nakikita ko na si Adrian…inaabot nya ang kamay ko…napangiti ako. Makakasama ko narin sa wakas si Adrian…at mawawala na ang sobrang sakit na nararamdaman ko ngayon.
BINABASA MO ANG
Autumn Sonata (*COMPLETED*)
Novela JuvenilAkala ni Erika ay makakalimutan na nya si Adrian sa bagong school na papasukan nya. Pero nagkamali sya nang makilala si Tristan, ang lalaking kamukha ng kanyang namayapang kasintahan. Read this heartbreaking and tear-jerking sad story of a girl and...