AUTUMN SONATA
Written by: Princess Gold
Date Finished: 2011
Date Posted: 2013
Part 1-Losing you killed me
Np: THERE YOU'LL BE... by Faith Hill
(To play this, please play the youtube video on the multimedia.The video is not mine and I just posted it for audio purposes. Thank you!)
When I think back on these times
And the dreams we left behind
I'll be glad 'cause I was blessed to get
To have you in my life
When I look back on these days
I'll look and see your face
You were right there for me...
June 14, 1991
Ito ang araw na naging boyfriend ko si Adrian. Fifteen years old ako noon at seventeen naman sya. Pareho kaming pumapasok sa Seoul Academy kaya lagi kaming magkasama. Nasa Sophomore ako samantalang Senior naman sya.
Sabay kaming lumaki ni Adrian. Sa lahat ng bagay ay naging kasama ko sya kaya kilalang-kilala na namin ang isa't-isa. Simula pagkabata, kalaro ko lang sya pero nang umabot kami ng high school ay doon na nagsimula ang pagtitinginan naming dalawa. Sya ang unang pag-ibig ko at maaaring pang-huli narin. At inaamin ko, naging kumpleto ang mundo ko ng makilala ko sya.
Isang mabait na tao si Adrian. Lagi syang handang ngumiti sa lahat. May itim syang buhok na pinaresan ng magaganda at may pagka-tsinitong mga mata nya. Maputi sya at matangkad. Lagi din syang nangunguna sa klase kaya maraming babae ang nagkakagusto sa kanya. Kaya nga lagi kong naiisip na napakaswerte ko dahil ako ang pinili nyang mahalin.
May mga libangan din kaming dalawa kapag nagdi-date kami. Maliban sa pamumulot ng seashells sa tabing dagat ay may gustong-gusto rin kaming gawin ni Adrian. Ang tumugtog ng piano. At ang Autumn Sonata...ang pinakapaborito nyang tinutugtog...
Ang sabi nya noon sa akin, kapag wala sya at nami-miss ko sya, tugtugin ko lang daw ang sonata na yun at maririnig nya daw ako kahit gaano man kami kalayo sa isa't-isa. At yun nga ang ginagawa ko kapag nalulungkot ako at nami-miss ko sya. At hindi rin nagtatagal ay makikita ko na ang nakangiting mukha nya sabay sabing "Na-miss mo ako noh?".
Ganun kalakas ang koneksyon naming dalawa. Nararamdaman namin ang nararamdaman ng isa't-isa kahit hindi namin nakikita ang isa't-isa at kahit hindi namin sinasabi ang nararamdaman namin.
At...masaya na sana ang pagsasama namin nang mangyari ang insidenteng iyon na nagpabago sa buhay ko...
Semptember 14, 1993
"I love you" ang narinig kong sabi nya sa akin nung araw na yun.
Nilapitan ko sya at hinalikan sa pisngi.
"Ba't ba ayaw mong sabihin sa akin na mahal mo ako?" ang reklamo nya sa akin. And it was our second year and third monthsary.
Ngumiti ako sa kanya. "Happy second year and third monthsary" ang sagot ko lang. Hindi ko rin alam kung bakit hindi lumalabas sa bibig ko ang mga salitang iyon.
BINABASA MO ANG
Autumn Sonata (*COMPLETED*)
Fiksi RemajaAkala ni Erika ay makakalimutan na nya si Adrian sa bagong school na papasukan nya. Pero nagkamali sya nang makilala si Tristan, ang lalaking kamukha ng kanyang namayapang kasintahan. Read this heartbreaking and tear-jerking sad story of a girl and...