Chapter 6

71 5 0
                                    

"Shit" napahawak ako sa ulo ko ng makaramdam ako ng hilo dahil sa biglaang pag upo. Tumingin ako sa wall clock at nakitang mag aalas onse na. Tumayo ako habang hawak parin ang ulo ko para kumuha ng tubig.

Paulit ulit kong pinagalitan ang sarili ko sa isip saka bumalik sa higaan para ayusin iyon, pag katapos ay nag check din ako ng instagram at facebook. Malay ba natin kung may nag chat at dm na saking piloto o 'di kaya doktor.

Nag luto ako ng scrambled egg at kumain. Wala naman akong ibang ginawa bukod sa manood ng Elite series at mas lalong ma in love kay Arón Piper!

Nag video call din kaming magkakaibigan at inasar sila Nathan tungkol sa nangyari kagabi.

Almost 5 pm na ng magbihis ako ng black leggings, manipis na white shirt at rubber shoes para mag jogging. Matapos mag ayos nagdala lang ako ng cellphone, earphone, susi at pera para mag grocery na pag tapos.

Pag ka labas ko saktong may lumabas na lalaki sa katabing pinto ko.

Ang bango.

So me being the friendly kapit 'apartment' person kinausap ko siya.

"Hey" kuha ko sa atensyon niya. "Kelan kapa lumipat dito?" naka ngiting tanong ko.

"Mukhang okay kana"

"Huh?" Mahina itong tumawa

Napakunot ang noo ko. May nangyari ba kagabi? Ang naalala ko lang nakapasok naman akong matiwasay sa room at natulog agad.

Pagtingin ko sakanya naka ngisi ito na para bang pinipigilang matawa

"Anong nakakatawa?"

"Bilis mo naman makalimot" humawak ito sa dibdib niya at umaktong nasasaktan.

"Pinagsasabi mo dyan"

"Ingatan mo na sushi mo"

Sushi?

The fuck?

Magtatanong pa sana ako ng bigla kong naalala ang kahihiyan ko kagabi at napaiwas nalang ako ng tingin.

.

Oh God. Sahig ng second floor kainin mo nalang ako please.

.

"Namumula ka ata" natatawang sabi niya.

Hindi ko nalang siya pinansin at umaktong walang narinig saka agad ng bumaba.

NAG babayad na ako ng mga pinamili kong grocery ng makita ko yung lalaki kanina sa apartment na nakapila sa kabilang counter.

Ang gwapo nga talaga, swerte ko nasana kasi nasa katabing apartment ko lang si pogi kaso nakakahiya parin.

NANG makarating sa apartment nilagay ko muna ang pinamili ko sa mga lalagyan saka naligo at nag luto ng adobo. Habang hinihintay itong maluto pinagisipan kong mabuti kung bibigyan ko yung lalaki sa kabila.

At ito na nga. Nandito ako sa harap ng pinto niya bitbit ang adobong manok na niluto ko at nagdadalawang isip kung kakatok ba o hindi.

Pero syempre kumatok ako.

"Heyy" nakangiting bungad ko ng sa naka hubad barong lalaking nag bukas ng pinto.

Uminit ata.

Nag madali itong pumasok sa loob at nakita kong nag suot ng damit at  ang kanyang higaan.

Ano ba ako lang to.

Nang natapos ay agad naman siyang bumalik saakin.

"Hey uhmm sorry magulo pa" niluwagan niya ang pinto, hindi ko napigilang ilibot ang mata ko sa loob at nakita ko ang ilang gamit na nasa sulok na hindi pa nga naaayos.

"Calvin nga pala" itinaas nito ang kamay na tinanggap ko naman.

Ang laki ng kamay sis! Ang tangkad, gwapo at ang bango!!

"Aya" nakangiting sabi ko.

Napatingin ako sa lamesa niyang may mga gamit pang eskwela.

"Engineer student ka?" tanong ko at tumango naman siya "Pareho pala tayo"

Meant to be ata kami nito.

"Pasok ka"

Tatanggi sana ako kaso wag nalang.

"Ito nga pala nagluto ako ng adobo" inilapag ko sa maliit na lamesa ang ang dala ko.

"Salamat" malaki ang ngiting sabi nito "Sakto 'di pa ako kumakain"

Isasara ko nasana ang pinto sa ng pigilan niya ako.

"Ayaw mo naman sigurong mag isip ng kung ano ang mga nakakita sayo ng pumasok ka rito"

Napakurap nalang ako sa sinabi niya at hinayaan lang itong naka bukas. Taba din ng utak ah.

"Kelan ka lumipat?" curios ako bakit ba

"Kahapon lang, daming problema dun sa dati kong inuupahan kaya lumipat ako" sagot niya. Saka kumuha ng plato. "Kakainin ko na 'tong bigay mo"

"Sige kain kana, balik narin ako sa kabila. By the way, welcome sa bagong apartment"

Dapat pala hindi muna ako nag paalam.

Pag tapos ko kumain inabala ko ang sarili ko sa pag ayos ng mga gamit ko sa pasukan na nauwi sa pag lilinis ng buong room. Study table ko na ang inaayos ko ng may kumatok sa pinto.

Pagbukas ko bumungad sakin ang gwapong mukha ni Calvin.

"Ano ig username mo?" tumingin siya saakin saka binalik ang tingin sa cellphone niya. "Ito sakin" pinakita niya sakin ang screen ng phone niya.

@clvnprz

Kinuha ko sakanya ang phone at ako na ang nag tipa.

@ayaaa_

"Ayun!" binalik ko na ang phone at paatras siyang nag lakad papuntang pintuan niya. "Dm dm nalang Aya" nakangiting sabi nito saka pumasok na.

Ilang segundo pakong nakatingin sa pinto niya bago na realize ang nangyari at ang huling sinabi niya.

Dm dm nalang?

Pag kasara ko ng pinto pabagsak akong dumapa sa kama ko at nagpabaling baling ng dahil sa kilig.

Kinuha ko agad ang cellphone ko at binuksan ang instagram app. Naka follow na siya sakin, pinuntahan ko ang account niya at tinignan ang mga post niya.

Umuulan ng abs girl!!

May mga picture naman siya kasama family and friends pero iba talaga yung mga naka hubad baro siya na kinunan sa swimming pool at dagat.

Nasa kanya na lahat ako nalang kulang!!

•••

Inom ka muna tubig Aya :>

At the end of the roadWhere stories live. Discover now