Chapter 8

58 6 0
                                    

"Alam ko na karakas mo pag dating sa mga gwapo hoy! Pag ikaw umiyak iyak nanaman dyan sisipain kita sa bunbunan mo"

"Gusto ko lang naman napaka OA nito" andito si Jewel sa kwarto ko at pinag-uusapan namin si Calvin or more like sinesermonan ako.

"Nako Aya wag ako. Pinagluto mo pa ng adobo! Baka sunod niyan matulog kana dyan sa kabila o 'di kaya matulog siya dito"

"Dadating din tayo dyan wag kang excited" hinampas niya ako sa braso "Aray naman! Mama ikaw ba yan!"

"Hoy mag tigil ka, saakin ka binilin nila tita" napairap nalang ako. "Pag may nangyari sayo bibit ko pa konsensya!"

Nag stay pa siya ng isang oras bago nag umalis.

8 pm palang at hindi pa ako inaantok kaya nanood muna ako. Maya maya lang tumunog ang phone ko.

@clvnprz: Gising ka pa?

@ayaaa_: Yas.

@clvnprz: Ang galing pareho
tayo.

Ano daw?

@ayaaa_: Ano trip mo?

@clvnprz: Ikaw.

@ayaaa_: Same.

Saka ko lang na realize ang sinabi ko ng mag send siya ng selfie picture niyang nakangiti na naka wacky.

@ayaaa_: Panget mo.

@clvnprz: Trip mo naman.

@ayaaa_: Luh. What I mean is trip ko rin sarili ko. Dzuh.

Maniwala ka please.

@clvnprz: Palusot.com pa.

@ayaaa_: Matulog kana nga.

@clvnprz: Gusto mo ice cream?

@ayaaa_: Cookies & cream?

@clvnprz: And Cheese.

@ayaaa_: Yay!

Maya maya pa ay kumatok na siya na agad ko namang binuksan.

Binigay niya saakin ang cookies and cream flavor at may hawak pa siyang cheese flavor.

"Food wars pinapanood mo?" Tanong niya ng makita ang tv mula rito sa pinto at tumango naman ako saka kumuha ng kutsara.

"Season 2"

Pumasok naman siya ng hindi sinaradong mabuti ang pinto. Nice, I like that mindset of him.

Umupo kami sa kama ko at nanood. Tapos na pala niya panoorin 'to kaya medyo nainis ako sakanya dahil ng spoil siya sa mangyayari sa season 3.

"Lagi ba kayong sabay sabay umuwi?" tukoy niya sa mga kaibigan ko.

"Ngayon oo pa, pero pag nag simula na klase baka hindi na"

"May boyfriend ka?" Tumingin ako sa kanya.

"Papapasukin ba kita dito kung meron" binalik ko ang tingin sa tv. "Baka ikaw may girlfriend"

"Papasok ba ako dito kung meron"

"Aba malay ko naman" mahina lang itong tumawa. Ang cute!!

"Ganto kaba sa lahat ng lumilipat dyan sa kabila?"

"What do you mean?"

"Pinapapasok mo agad dito sa room mo" oo nga no.

"Nakabukas naman pinto kaya okay lang na andito ka" nagkatinginan kami "tsaka komportable naman ako sayo" ilang segundo kaming nag titigan bago siya tumayo.

"Uhmm almost 11 na pala, balik nako sa kabila"

Uhmm... okay, what was that?

"Yeah, palock nalang ng pinto" ngumiti siya. Ano ba yan Calvin!

"Good night"

"G'night"


Ambilis lang lumipas ng isang linggo. Nag simula narin ang klase namin, si Calvin naman napapalapit na sa mga kaibigan ko ganun din ang mga kaibigan niya na pabor na pabor naman kay Nathan. Well siya naman may dahilan kung bat' sumasama siya saamin minsan.

"Quiz agad bukas?! Kainis naman si sir!" Padabog na sabi ni Kim sa tabi ko habang inaayos gamit niya.

"Dadabog dabog ka dyan pero bukas ikaw naman highest" inayos ko naman ang notes ko.

"Mag review ka tapos sharing of answers tayo"

Isang klase pa ang pupuntahan namin bago kami mag uwian. Mauuna kaming lumabas kila Jewel kaya napag desisyonan namin ni Kim at Ellie na tumambay muna sa oval at mag review para sa quiz bukas habang si Ellie naman ay nag sketch ng kung ano-ano.

"Ang sisipag naman ng mga future engineer at architect" napa tigil kami at napa tingin sa dalawang bagong dating.

Si Maurice at Jace, mga kaibigan ni Calvin.

"Wag kana mag tanong Aya, umalis lang saglit si Calvin" sabi ni Jace at na ikina irap ko

"Tigil tigilan mo ako Jace" lakas talaga mang asar niyan.

"Wala ba kayong dalang kahit ano dyan?" ani Kim

"Wala po madam" Maurice. "Wow Ellie ang ganda naman niyan" tumabi siya kay Ellie at kinulit kulit ito. Maya maya pa dumating si Calvin na may dala dalang paper bag.

Nang makalapit siya samin. Bumati muna siya kila Ellie saka binigyan kami ng ice cream na siyang laman ng bitbit niya.

"Cookies and cream akin!" Kukunin na sana ni Mau ng kinuha agad ito ni Calvin.

"Kay Aya 'to!"

At nag simula nanaman silang asarin kami.

Nagpaalam narin naman agad kami para pumunta na kila Jewel. Nang makalabas na sila dumeretso kami sa bilihan ng streetfoods sa unahan lang ng building nila.

"Inom tayo sa biyernes" sabi ni Tim habang naglalakad kami.

"Sama natin sila Jace a" malawak ang ngiting sabi ni Nathan.

"Malapit narin pala birthday mo Ellie, may party ba ulit?" Jewel

"Kelan ba nawalan" Nathan

"Asan nanaman ba si Raziel?" Tanong ko

"Alam mo na"

Nang makauwi sa apartment ako ang nag sabi kay Calvin tungkol sa inuman sa Friday.

"Iinom ka rin?"

"Oo konti lang naman"

"Sige sabihan ko nalang sila Mau"

Kelan ko kaya mamaging jowa 'to.

•••

Thank you sa 250+ read ^^

At the end of the roadWhere stories live. Discover now