Chapter 17

31 3 1
                                    

Nag plano ang barkada na mag punta ng beach sa Christmas break kaya hindi muna ako uuwi saamin pero sa bahay parin naman ako mag papasko.

"May napili na ba kayo?"

"Maganda yung suggestion ni Raziel"

"Ang mahal masyado, baka may mahanap pa tayong mura."

Kakatapos lang ng klase namin at nandito kami sa oval ng school para pag usapan ang gagawin namin sa beach for 3 days.

"Si Tim nalang pahanapin natin, gala naman yun" ani Jewel.

Kinuha ko ang phone ko ng maka receive ng text.

From: Calvin
May nahanap na kayo?

To: Calvin
Wala pa nga.

From: Calvin
Saamin nalang kaya?

To: Calvin
Sa resort niyo? Sigurado ka?

They own some resorts but he opt not to let anyone know.

From: Calvin
Yeah. Ako na magsasabi sakanila palapit naman na kami sainyo.

Nakita ko siyang kasama si Mau at Jace.

"Jace sama kayo samin ah" sabi ni Nathan ng tumabi sakanya si Jace.

"Sa resort nalang namin" simula ni Calvin.

"May resort kayo?" ani Kim at tumango naman si Calvin.

"Basta may discount ah, presyong kaibigan" sabi ni Jay Ann.

"Yes!! Mag hahanda na agad ako ng mga gamit mamaya pag uwi!" Excited na sabi ni Kim na agad namang sinegundahan ni Jewel.

Nag kwentuhan pa kami ng gagawin namin bago napag desisyonang umuwi. Maraming pinapagawa samin ngayon sa school kaya naging busy kaming lahat, lalo na sila Calvin. Minsan natutulog ako sakanya minsan naman siya ang natutulog saakin. Ngayon ay andito ako sa kwarto niya at gumagawa ng mga school works at ganun din siya.

"You need help?" Hinihintay niyang lumabas ang papel sa printer. Naka upo siya sa harap ng lamesa niya at nakadapa naman ako sa kama niya.

"Nope" seryosong sabi ko habang nag susulat. "Matatapos na rin naman 'to"

Inayos niya na ang mga gamit niya saka lumapit saakin at ginawang unan ang likod ko. Ganun ang posisyon namin hanggang sa matapos ako.

"Nag away nanaman si Raziel saka yung boyfriend niya" nakahiga na kami at nakasiksik ang mukha niya sa leeg ko habang sinusuklay ko ang buhok niya. "Lagi nalang sila nag aaway, buti nalang takot ka sakin" tumawa siya. "Ayusin agad natin pag nag-aaway tayo ah" I saw him smiled.

"Opo madam"

"Good"

"Thanks God!!" Masayang sabi ni Kim ng umalis na si prof. Last day na ng class namin at bukas na ang start ng Christmas break, naka pag pasa rin kami ng mga projects na kailangang ipasa kaya thanks god talaga!

"Let me help you" rinig kong sabi ni Calvin pagka pasok.

"Tapos na ako"

At the end of the roadWhere stories live. Discover now