Chapter 26

26 3 3
                                    

Dalawang araw matapos ang nangyari saamin ni Calvin lagi na siyang nakadikit saakin and he's too obvious at alam kong nagtataka sila Seff.

Kukunin ko na sana ang tubig ni Andre ng maglagay sa kamay ko ng bottled water si Calvin.

"Here" ani niya "May tubig naman makikiinom kapa" bulong niya. Napatingin saamin si Andre. "What do you wanna eat for lunch?" Tanong niya saka umupo sa tabi ko.

"Kahit ano" kinuha niya ang cellphone niya.

"Kayo Seff? My treat" tanong niya.

"Parang masarap pizza" ani Sean na sinegundahan naman ni Seff.

Agad naman kaming kumain pagdating ng inorder ni Calvin saka bumalik narin sa trabaho naunang lumabas sila Andre at kami naman ni Calvin ay nasa likod nila. Napasinghap ako ng makaramdam ng kamay na pumalo sa pang upo ko.

Pinanlakihan ko ng mata si Calvin na naka ngisi lang saka ako tumigil para medyo mapalayo kila Andre na naglalakad na paalis, nang masigurong 'di na nila kami maririnig humarap ako sakanya saka inis na pinalo ang braso na ikinatawa niya lang.

"Don't do that!" inis na sabi ko. "At nasa trabaho rin tayo!"

"Sorry can't help" nakangiting sabi niya and I geez my heart skip for a bit. Para maitago ang pagkabigla sa ngiti niya inirapan ko siya saka nag madaling umalis pero agad naman niya akong nahabol. "Dinner tayo mamaya"

"Marami akong gagawin pag uwi"

"Pag kay Andre oo agad" napairap ako. "Pag saakin a-"

"Oo na bwiset"

"Napilitan?" I bitterly chuckled this is just so like us... before. "Oh?"

"Nothing" hmm my past with him is not that bad at all.

Pag baba ko ng sasakyan sinalubong ako ni Calvin.

"Let's go" ipinalibot niya sa ang kanyang braso sa bewang ko. Pagkapasok namin ng mall una kong nakita ang isang batang masayang tumatawa na pasan sa balikat ng papa niya. Napatingin ako kay Calvin. Naiimagine ko si Gavin na nasa balikat nito. Iiwas na sana ako ng tingin dahil nahuli niya ako pero nadako ang tingin ko sa kimikinang na bagay sa leeg niya. Napatigil ako sa paglalakad saka hinawakan iyon at inilabas sa ilalim ng suot niya. It was the necklace that I gave to him.

"W-Why are you still wearing this?"

"And why would I not wear it?" mababa ang boses na sabi niya "Tinapon mo na ba ang sayo?" he scoffed.

"No, suot ng anak mo"

Iyan ang gusto kong sabihin pero hindi ko nasabi. Hindi pa talaga ako handa sa magiging reaksyon niya, andoon parin ang mga tanong na paano kung ayaw niya kay Gavin at marami pang iba. Ayoko lang na masaktan si Gavin.

"Kumain na tayo" iyan nalang ang nasabi ko saka na una ng naglakad sakanya.

Nang naka order na kami at naghihintay nalang na dumating iyon. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko.

"Kamusta naman kayo nila Jewel?" panimula niya.

"Okay naman kami" sagot ko "Si Jace bakit hindi ko ata nakikita"

"Nasa states pa" nang dumating ang pagkain namin ng kwentuhan lang kami ng kahit ano. Work, friends, life and all. Like we're catching up to each other.

"Kelan mo naman balak magkaanak?" tanong niya saakin na ikinatigil ko.

"Ikaw kelan?" balik kong tanong. Mataman niya akong tinignan.

"I'm already 31, not getting any younger. I wanna have a family before I turn 35." nagbaba ako ng tingin "Pero mukhang papahirapan mo ako" mahina ang boses niya kaya hindi ko masyadong narinig.

"Pardon?" He answered me with a chuckle.

"So you're coming with Andre tomorrow?" naglalakad na kami papuntang parking lot.

"Yeah"

"Swerte naman talaga ng lalaking 'yon" ani niya.

"May kasama ka rin naman ah" tukoy ko kay Jessica. Tumigil kami sa harap ng kotse ko.

"About that" he sighed "About the past-"

"You don't have explain, okay na a-"

"No, please let me" putol niya sa sasabihin ko. "Wala talagang nangyari saamin. We were both drunk. Si Mau at Jace ang nag hatid saamin. Sinabi nila na nag hubad daw agad kami ni Jessie pag pasok sa loob dahil nagrereklamo kami sa init kaya nilgyan nila kami ng harang sa gitna. Doon din natulog si Jace pero nung nakita mo kami ni Jessie sakto namang umalis noon si Jace dahil bumili ng makakain." Nakatingin lang ako sakanya "I'm bringing this up because I wanted you to know that I've never cheated on you. I will never cheat on you" lumapit siya saakin "And that I love you more today than I love you before."

Napaatras ako ng punasan niya ang tumulong luha sa pisnge ko na hindi ko man lang napansin.

"I-I should go" binuksan ko na ang pinto ng kotse ko. "Ingat ka" sabi ko saka tuluyan ng pumasok at umalis.

Nang makarating sa labas ng condo ni Jewel agad akong bumaba sa kotse ng makita kong pumarada ang sasakyan ni Calvin.

"I forgot something" dirediretso ang lakad na lumapit siya saakin.

"What-" napakapit ako sa braso niya ng hawakan niya ang kaliwang pisnge ko saka siniil ng halik.

It was smooth, sweet and soft. The feeling was familiar, it feels like the first time that we kissed. Ilang segundo ang nag tagal bago naghiwalay ang labi namin saka niya idinikit ang noo niya sa noo ko.

"Baliw ka talaga, nag sayang kapa ng gas mo" mahina siyang natawa. "Sige na umalis kana"

"Hindi ba ako pwedeng matulog sayo?" Umiiling ako. "Sige na"

"Uwi na" napakamot nalang siya sa batok niya.

"See you bukas" ani niya saka ako tumango.

"Ingat ka" kumaway nalang ito saka sumakay na at umalis saka ako nag pakawala ng malamim na hinga.

•••
asdfghjkl

At the end of the roadWhere stories live. Discover now