Chapter 27

27 3 2
                                    

Maagang dumating si Jewel dito sa condo. Bukas pa kasi ang balik ni Aling Rita kaya iiwan ko ulit si Gavin sa kanya. Hindi siya nag bukas ng cafe niya at hindi ko alam kung bakit. Mukhang bad trip din ang bruha.

Alas singko ako susunduin ni Andre kaya 3:30 pm ng mag simula na akong mag ayos. Habang nag aayos nanonood lang ng kung ano sila Gavin sa sala. Matapos maligo nag suot ako ng roba at nag umpisa ng mag make up. Light lang ang nilagay ko dahil hindi talaga ako mahilig sa heavy make up and I am satisfied with the result. Matapos ito, pinlantsa ko lang ang buhok ko saka nag lagay ng silver hair pin sa magkabilang side saka nag suot na ng gown. Lumabas ako ng kwarto para kunin ang black pumps ko.

"Wow naman teh yummy" ani Jewel na mahina kong ikinatawa.

"Mama do you need jacket? Baka malamig po doon" this time si Jewel ang tumawa, malakas nga lang.

"Hindi ba talaga si Nathan ang tatay nito?" Tumatawa paring sabi niya.

Tumabi ako ng upo sa kanila saka isinuot na ang plumps.

"No baby, I don't need jacket and thank you for the concern" pinang gigilan ko ang pisnge niya.

Tumayo ako para pag buksan ang kumatok sa pinto. Si Andre.

"Sabing wag mo masyadong gandahan eh" natawa ako.

Niluwahan ko ang pinto para makapasok siya at kinuha ko na ang maliit na sling bag ko sa kwarto.

Ibinigay namin ang invitation sa lalaking nasa entrance saka pumasok na. Agad naman naming nakita sila Seff saka lumapit sa kanila.

"Parang wala atang wild na sayawang magaganap dito" Ani Seff.

"Ano akala mo dito club?" tugon ni Andre.

"Silver anniversary wedding 'to Seff. Magulat ka may makita kang matandang mag twerk dyan" sabi naman ni Sean na ikinatawa namin.

Andito rin si Drew at Lexi kaya nakipag kwentuhan lang kami. Nang mag start ng mag salita ang MC sakto namang pag dating ni Calvin kasama si Jessie.

Naka tayo kaming lahat para I welcome ang pag pasok nila Mr. and Mrs. Garcia ng tumabi saakin si Calvin. Hanggang sa maupo kami ay nakatabi parin siya saakin. Masaya kaming nag ku-kwentuhan tungkol sa pagbubuntis ni Lexi at sa kung paano nito ginigising si Drew tuwing alas kwatro ng umaga para mag hanap ng gusto nitong kainin.

Medyo nakaramdam ako ng kaunting selos doon. When I was pregnant with Gavin naghahanap din ako ng pag kain tuwing madaling araw pero isinasawalang bahala ko lang ito dahil wala naman akong mapaghihingan o uutusan at ayoko namang istorbohin pa sila mama. Napatigil ang pag iisip ko ng maramdaman ng kamay ni Calvin sa hita ko. Damang dama ko ang init ng palad niya dahil high slit nga ito. Inalis ko 'yon pero binalik niya lang kaya tumayo ako at nag excuse na mag pupuntang comfort room, ayoko lang na kung saan mapunta ang pag hawak niya iyon. Nag retouch lang ako roon at nag stay ng ilang minuto bago bumalik sa table.

Nang malapit na ako sa mesa napatigil ako ng makita si Gavin doon na naka bihis din ng tuxedo at tumatawa habang naka kandong kay Calvin.

"Mama!" Napatingin sila sa gawi ko dahil sa pag tawag ni Gavin. Lumapit saakin si Tim na hindi ko napansing andyan pala.

"Sorry Aya hindi ko naman alam na andito pala siya" napakapit nalang ako sa braso  niya at mariing napapikit dahil sa pagkabigla. "Nag text ako sayo na kukunin ko si Gavin para dalhin dito. Hindi ko-"

"Stop, andito na kayo" lumapit kami sa kanila.

"Hello mama" malaki ang ngiting sabi nito. "This is Mister, he helped me get an ice cream nung nag grocery tayo!" I'm confused pero ngumiti nalang ako.

"I didn't know that you have kid with Tim" seryosong sabi niya. Nawalan ng imik ang lamesa namin. Hindi ako maka tingin sakanya.

"Do you want ice cream?" tanong ko kay Gavin para maka iwas sa kanya.

"I still wanna talk to mister mama maybe later." humarap ito kay Calvin. "I'm Gavin by the way, ikaw po, what's your name?"

"Gavin huh? Kasing cute mo pala ang pangalan mo" makahulugan siyang tumingin saakin "Mine's Calvin" namilog ang mata ni Gavin at nakaramdam ako ng kakaibang kaba.

"Calvin?" ilang segundo niya itong tinignan bago bumaling sakin "Mama, is he papa Calvin?" mahina ang boses na tanong niya. I don't know but my eyes started to water. Narinig ko rin ang pag buntong hininga ni Tim sa likod ko at ang pag inom ng wine ni Andre. Sila Seff naman ay nakatingin lang saamin.

"What did you say?" Kunot nuong sabi ni Calvin na batid kong hindi maka paniwala sa sinabi ni Gavin.

"Sabi ni mama saakin Calvin ang pangalan ng papa ko, are you my papa?" kahit naguguluhan tumayo si Calvin habang buhat si Gavin sa isang braso niya saka ako hinawakan sa pulsuhan at pinatayo.

"We have to go" sabi niya kila Andre saka nag lakad na paalis ng venue.

Ramdam ko ang galit niya sa higpit ng pagkakahawak niya sa pulsuhan ko.

"Saan po tayo pupunta mama?" Tanong saakin ni Gavin na bitbit parin niya. Ngumit lang ako.

Nang makapunta sa kotse ni Calvin. Binitawan niya ako saka kinuha ang susi sa bulsa at ini unlock ang sasakyan. Binuksan niya ang pinto sa harap.

"Get it" wala akong nagawa kundi sumunod. Nang maisara ang pinto sunod niyang nilagay sa likod si Gavin at sinuutan ng seat belt.

Tahimik ang sasakyan. Maging si Gavin ay walang imik na para bang naiintindihan nito ang katahimikan namin ni Calvin. Nang makarating sa isang building bumaba kami saka pumunta ng 17th floor at pumasok sa isang isang pinto.

Ibinaba niya si Gavin at pinaupo sa  sofa saka binuksan ang tv at inilipat sa pambatang channel. Lumuhod siya medyo magpantay sila ni Gavin.

"Hey Gavin, kailangan lang namin mag usap-" napatigil siya at napadako ang tingin sa suot na kuwintas ni Gavin na nakatago sa loob ng suot nito saka niya nilabas. It's the emerald necklace. Mapait siyang ngumiti. Pinipigilan ko naman ang luha ko saka walang emosyong tumingin siya saakin.

"We really need to talk."

•••
asdfghjkl

At the end of the roadWhere stories live. Discover now