Chapter 1

137 8 5
                                    

It was a normal Sunday for me and my son. Nasa mall kami at ipinapasyal siya.

Kakatapos lang namin manood ng Trolls 2 na last Saturday lang ay pinanood din namin. He's in love with the movie.

"I wanna meet Tiny Diamond Mama" I chuckled.

"Someday baby"

Pagkatapos namin kumain dumeretso na kami sa grocery. Paubos na kasi ang mga stock namin at kailangan ko rin mamili ng pampalamon sa mga bwisita ko mamaya.

Kumuha na ako ng cart at unang pumunta sa canned goods section habang si Gavin ay busy sa kakalaro ng cellphone sa tabi ko.

Kumuha ako ng ilang corned beef, meat loaf, spam at iba pang canned goods. Sunod na pinuntahan namin ang mga snacks and chocolates na pwede niyang kainin pag nagugutom siya, sinunod naman namin ang vegetable section, fruit section at ang meat section.

Napabaling ang tingin ko kay Gavin ng hilain niya ang laylayan ng damit ko.

"Mama wala pa po tayong ice cream sa cart" tinignan ko ang cart.

"Nawala sa isip ni mama, come on lets-"

"Ako nalang po mama, alam ko po kung saan"

Nadaanan na namin yun kanina at kita naman dito ang kinalalagyan ng ice cream.

"You sure? Samahan na kita"

"No mama, I'm already 6 I'm a big boy na" pinakita niya ang maliit niyang braso sakin na ikinatawa ko "See"

So cute!

"Okay big boy, kuha kana ice cream" sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makarating siya sa freezer na kinailalagyan ng ice cream. I can't help but smile as I look at him. Napailing nalang ako at nag patuloy sa pag pili ng mga karne.

"HEY mister" I stopped pushing the cart and saw a cute lil boy.

"Hey kiddo, you lost?" I ask

"Hindi po but uhmm can you help me get an ice cream" pumunta siya sa freezer at itinuntong ang maliliit na paa sa bakal na nakakabit dito.

"Hindi ko po maabot yung cookies and cream na ice cream, yun po kasi yung favorite namin ni mama" bumalik siya sakin at pilit na hinila ang kamay ko.

"Please mister, cookies and cream" he said with his cute lil voice.

I smiled. What a cute lil potato.

"Here" inabot ko sakanya ang ice cream "Can you carry that?"

"Opo mister, I'm a big boy already" he pouted "kaya ko na po, thank you mister!" he showed me a big sweet smile

"Okay big boy" ginulo ko ang buhok niya. He chuckled.

"Bye bye na po punta na po ako kay mama baka hinahanap na po ako nun, ikaw din po baka hinahanap kana ni mama mo, thank you again mister" nag lakad na siya palayo dala dala ang cookies and cream flavored ice cream.

What a cute and sweet kid.

NAG luto ako ng lasagna at umorder ng pizza. Dadating ang mga kaibigan ko at mambubulabog ngayong gabi. Sunday kaya maraming oras ang mga bruha.

Kinuha ko na ang lasagna pati ang dalawang box ng pizza na kadarating lang at inilagay sa maliit na mesa na nasa sala habang si Gavin ay busy sa panonood ng National Geographic sa TV. He loves watching the show. Kaya halos karamihan sa mga toys niya mga animals na siya rin ang pumili.

At the end of the roadWhere stories live. Discover now