Chapter 20

41 4 3
                                    

Naging okay naman na kami ni Calvin after nang pag uusap namin. Pero hindi parin talaga nawawala ang mga naiisip ko lalo na't hindi rin talaga nag papaawat si Jessie.

Busy kami ngayon dahil sunod sunod ang quiz namin at may individual report pa kaya andito ako ngayon sa library at tinatapos ang report ko. Napaangat ang tingin ko ng may naglagay ng cookies and cream ice cream sa harap ko. It was Calvin.

"You're cute" umupo siya sa tabi ko.

"I know" binitawan ko ang ballpen ko saka kinuha ang dala niyang ice cream.

"Matatapos kana?" Umiiling ako.

"Maya maya pa siguro" sinubuan ko siya.

"Niyaya ako nila Mau ng inuman mamaya"

"So suhol 'to?" Natawa siya

"Parang ganon na nga" sinamaan ko siya ng tingin. "Birthday kasi nang kapatid niya"

"Okay, busy din naman ako mamaya. May mga gagawin pa ako"

"Let me help you"

"Its fine. I'm actually enjoying this"



Nag message lang saakin si Calvin ng gabing iyon na magkakasama na sila. Sinimulan ko ng tapusin ang mga gagawin ko. Nang maramdaman ang pagod nag break muna ako at kumain saka nag cellphone. Nakita kong my story si Mau kaya tinignan ko.

Picture lang iyon. Si Calvin, Jace at iba pang mga kaklase nila pero natigilan ako ng makita si Jessie sa tabi ni Calvin. Ang next naman ay video na nagtatawanan sila dahil sa isang lalaki na isahang ininom ang isang bote ng alak.

Kitang kita sa video ang paghampas hampas ni Jessie sa hita ni Calvin habang tumatawa.

Ang mga sunod na story ay mga picture lang ulit.


Tinawagan ko si Calvin at agad naman nitong sinagot.

"Hey babe"

"You drunk?"

"No, konti palang nainom ko"

"A-andyan pala si Jessie?" Alangang tanong ko.

"Inimbitahan siya ni Mau. Wag ka ng mag isip ng kung ano-ano okay, I love you" I smiled.

"Ingat kayo dyan, ingat ka kay Jessie matuklaw ka" mahina siyang tumawa

"Gawin mo na yang ginagawa mo, no to cramming babe"

"Opo, sige na"

"Bye love you"

"Love you"



Natapos ko naman din ang ginagawa ko saka natulog na. Nang magising ako agad akong ang ayos ng sarili at nag luto ng breakfast para kay Calvin na paniguradong may hang over.

Matapos mag luto nilagay ko ito sa tray at dinala pa punta sa apartment niya. Ipapasok ko na sana ang susi niya ng makitang hindi yun naka lock.

Pag bukas ng pinto hindi ko alam kung anong mararamdaman ko ng makita siya sa higaan na naka dapa at walang damit kasama si Jessie na ganon din ang lagay. Wala itong damit.

Gumalaw si Calvin na naging dahilan ng pagkagulat ko at nabitawan ko ang dala kong tray na naging sanhi ng pagkagising nilang dalawa.

"Aya?" Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako. "What the fuck?" Napatingin si Calvin sa katabi. Tumayo si Calvin na naka suot ng boxer short at lumapit saakin pero bago pa yun mangyari tumakbo na ako pababa at dumeretso kay Jewel. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Kinatok ko ng malakas ang pinto niya.


"Ang aga ag-" Dali akong pumasok at ni lock ng pinto niya. "Anong nangyari 'bat ka umiiyak?" Alalang tanong niya.

Maya maya lang narinig namin ang malakas na katok ni Calvin.


"Aya! Hindi ko alam kung anong nangyari!"

"Ano bang nangyayari Aya?" Tanong ni Jewel.

"C-Calvin... w-with Jessie" I said between sobs. Hindi ko na matapos ang salita ko. Kumuha siya ng tubig at inabot sakin.


"Fuck! Umalis kana Jessie!"Rinig namin ang boses ni Calvin.


Nang tumahan na ako lumabas si Jewel para kausapin si Calvin. Naiwan akong mag-isa sa loob.

Ang sakit, akala ko iba siya! Tangina nila! Tangina nilang lahat! Mga baboy!


Hindi ako bumalik sa taas. Dito ako nag stay kay Jewel hanggang mag weekdays.


"Hindi ka papasok?" hindi ako nag salita. "Osige kahit kumain kanalang" bago ko pa masubo iyon nakaramdam ako ng kakaiba sa tyan ko, dali dali akong pumunta ng lababo at doon nag suka. Hinagod naman ni Jewel ang likod ko "Ayan kasi, sabi ng kumain ka!"


Sumunod na araw masama ang pakiramdam ko pero pinilit akong tumayo para mag handa sa pagpasok. Pag punta ko sa kwarto ko nakita ko si Calvin na naka upo sa higaan ko. Dali dali kong kinuha ang mga kailangan kong gamit.


"Aya" tawag niya habang nilalagay ko ang gamit sa bag ko. "Aya naman" hinawakan niya ako sa braso at hindi ko napigilang humarap sakanya at bigyan siya ng malakas na sampal.

"Get out" mahinahon ang boses na sabi ko.

"I never cheated" nanunubig ang matang sabi niya saakin. "You're unfair" mapakla akong natawa.

"Tangina mo, lakas ng loob mong sabihan ako niyan" tinulak ko siya "Umalis kana!"

"Bakit ba kasi hindi mo ako pakinggan"

"Kapag nakita mo kami ni Mau sa kama at nakahubad kaming dalawa anong mararamdaman mo? Anong maiisip mo?!" Tumulo na ang luha ko "Fuck you Calvin!"

"Hindi ko alam kung bakit andoon siya!"

"Wala na akong pakealam! Ang gusto ko lumayas ka dito!"

"Please Aya don't do this to me, ano ba kailangan kong gawin para pakinggan mo ako?"

"What I want? Gustong kong umalis ka dito, umalis ka dyan sa apartment mo at wag ka ng magpapakita saakin!"

"No, not that please, ayusin natin tayo"

Napa pikit ako ng makaramdam ng hilo.

"Are you okay?" Masuyo niya akong hinawakan.

"Don't fucking touch me! Please Calvin umalis kana" kinuha ko na ang bag ko "Kung hindi ka aalis sa apartment na 'to ako nalang ang aalis"

"Hindi ka talaga naniniwala saakin na hindi ko magagawa yun?" I can hear pain in his voice.

"Naniwala ako sayo Calvin. Nag tiwala pa nga and I think that what I did was too much trusting para maniwala ako na wala na talagang namamagitan sainyo ng babaeng yon!"

"Aya"

"I don't even wanna look at your face right now" rinig ko ang malalim niyang pag buntong hininga.

"You really want me out of your sight?" walang emosyong tinignan ko siya.

"You leaving that apartment next to mine would be greatest gift that I will ever receive in my life." mapakla siyang tumawa.

"I hope you know how much I love you" titig na titig siya saakin. "Can I please hold you for the last time?" alam kong pagsisihan ko pag hindi ako pumayag but still.

"Leave"


In just a week umalis nga siya, at sa isang linggo ring iyon walang humpay ang pag patak ng luha ko. Hindi narin kami nagpapansinan sa school. Ni tingin wala.

Kay Jewel parin ako nag stay, ayaw kong bumalik saakin dahil naaalala ko lang si Calvin.

Hanggang sa dinala na ako ni Jewel sa hospital dahil sa madalas kong pagkahilo at pagsusuka, doon namin nalaman ang maselang pagbubuntis ko. I was so scared that I came to point na ipalaglag ang bata. But Jewel was there. She helped me choose the right decisions.

•••

asdfghjkl

At the end of the roadWhere stories live. Discover now